Hold Tight, We're Falling Apart
story by ms_ethereal_nicsPrologue
Today, three years ago, in the same church, he proposed to me.
Nakapikit akong nag-sign of the cross at nagmulat ng mata. Naramdaman kong nakatitig sa akin si Shaun kaya tinignan ko siya.
Ngumisi ako. "Makatitig naman 'to, in love ka na naman sa akin ano?" pabirong ani ko.
Naiiling siyang napatawa ng mahina at tumayo na ako. Nanatili siyang nakaluhod at nagdasal na.
Nasa simbahan kami ngayon. Nakapagtataka na kaming dalawa lang ang tao rito. Ay, martes nga pala ngayon ano? Kaya siguro walang katao-tao.
Naglakad ako papunta sa altar at pinagmasdan ang kabuoan nito.
"Babe," tawag sa akin ni Shaun. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.
"Hmm?" tugon ko habang nakatingala at pinagmamasdan pa rin ang altar.
Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya at yinakap mula sa gilid. "Bakit?" Huminga ako ng malalim. "Ang ganda dito."
"Really? You like it here?"
Tumango ako at ngumiti ng malaki. "Mm-hm. I love it here."
Muli kong ibinaling ang tingin sa harap ng altar. "And If ever na ikakasal na tayo, I want it to happen here." Mabilis na lumingon siya sa akin. Nakangiti ko siyang tinitigan pabalik.
"You... you're planning to marry me?" kumikislap ang mga matang tanong niya.
"Yeah." Nakangiti akong tumango at nag-iwas ng tingin. Shet, baka nabigla siya!
"Then..."
"Hmm?"
"Will you take this?"
Kumunot ang noo ko at nagtataka ko siyang nilingon. Itinaas naman niya ang kamay niya at may ipinakitang isang bagay.
Natigilan ako. He's holding a ring!
Napapaawang ang labi kong napatitig sa singsing. Mabilis na nangilid ang mga luha ko at napatingala sa kanya.
Bagaman halatang kinakabahan at nanginginig ang mga kamay ay matamis niya akong nginitian.
Dahan-dahan niyang iniluhod ang kaliwang tuhod. "Will you marry me, Dree?"
Napahawak na ako sa bibig at nagsimula nang tumulo ang mga luha.
"Shaun..."
"I know this isn't the ideal proposal you'd like, love, but... I want to ask for your hand in front of God, I want Him to witness this..."
"Shaun..." pinipigilan ang hikbing usal ko.
"Chandreia Celestine Fernandez... will you marry me?"
"Babe..."
I am not prepared for this!
"Answer me, babe." matamis munit kinakabahang aniya.
Napatango ako, kasabay nang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Yes, Shaun!"
And now we're here again, but this time it's different, because I'm one of the guests... who's watching him get married to someone else.
***
Hi. ^__^
01/18/22