Chapter 23: Pride and Trust

5 1 0
                                    

Day two pa nga lang ng preparation namin para sa Foundation Day ng school parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto at matulog dahil sa pagod. Ngayon alam ko na kung bakit laging natutulog si Roll kapag wala siyang ginagawa.

Pagkatapos ng meeting ng music club at Tribune kanina, dumiretso na kami sa practice room para naman magpractice sa introduction number namin para sa opening ng Foundation Day. Pabagsak akong umupo sa bangko na gawa sa kawayan at isinandal ang ulo sa sandalan nito. Wala pa si Kuya Radleigh kaya may ilang minuto pa kaming magpahinga at umidlip.

I jolted when I heard a crash coming from the cymbals. Pati si Roll, na ginawang unan ang hita ko, ay napabangon din at wala sa huwisyong hinahanap kung saan galling ang tunog.

"Someone's sleeping, ano ba?!" inis na sabi ni Roll habang masamang nakatingin kay Ate Aira na kakarating lang. Mukha siyang canvas na sinukuan ng pintor dahil sa mga bahid ng pintura sa mukha niya at kamay.

"Just go back to your club and let us rest," mahinang sabi ni Kuya Vanguard at isinandal ulit ang ulo niya sa bookshelf.

"Gumising na kayo, anong oras na oh." tinuro ni Ate Aira ang orasan na nakasabit sa pader gamit ang drumstick. "Hindi pa kayo magpapractice?"

Tumayo na kami at bumuntong-hininga dahil alam naming hindi kami tatantanan ng girlfriend ni Kuya Ringgo kung hindi kami kikilos.

"Rock n' Roll, si Tinkerbell?" paghahanap niya kaya napalingon din ako kay Roll. Pumupunta pa rin si Kirsten dito paminsan-minsan para manood sa amin; ang pinagkaiba nga lang ay hindi na ako ang kasabay niyang pumunta dito – si Roll na.

"Wala, she's busy daw," sagot ni Roll bago chineck ang mic.

Tahimik akong nagtotono habang pinapakiramdaman ang sarili ko. Bakit ako nanlulumong hindi siya pupunta ngayon? Hindi ko nga ito nararamdaman kapag hindi pumupunta dito si Gwen dahil busy siya. Para naman akong batang hindi sinipot ng magulang niya sa isang recital. Dahil ba ito sa hindi ko na siya nakikita araw-araw? Hindi rin naman kami nagkikita ni Gwen araw-araw, pero okay lang naman sa akin.

Huminga ako nang malalim bago humarap sa stage at inayos ang pagkaposisyon ng bass habang hinihintay ang iba na matapos. Bawal ang distraction sa practice.

•°•🎶•°•

Nagmukha nanamang Oval Plaza ang area ng Gym namin dahil sa dami ng booth at mga kiosk na nakatukod sa magkabilang gilid nito. Inayos ko ang bag ng bass na nakasukbit sa balikat ko bago sumabay sa mga estudyanteng nag-uunahang makapasok sa loob. Alas nueve ang call time, pero isang oras na ang lumipas, hindi pa rin sila nagsisimula.

Kanina pa kami natapos sa pagseset-up ng mga instruments namin kaya umupo na lang kami sa bleachers malapit sa stage at electric fan. My eyes caught her figure as she kneeled at the center to take a picture of the well-decorated stage. Ang astig niya talaga kapag kumukuha siya ng litrato, mararamdaman mo talaga ang passion niya sa ginagawa niya.

Tumayo siya at lumapit sa kabilang side ng bleachers para kuhanan din sila ng litrato. Na-excite naman ang mga estudyante na nakapansin sa kanya, at nagsimulang mag-ayos at ngumiti habang kinukuhanan niya ito ng litrato. Nakita ko siyang nagthumbs-up sa mga senior high sa taas bago naglakad sa kabilang side.

Iniwas ko ang tingin ko at sumulyap sa gilid nang maramdaman kong umupo si Gwen sa gilid ko at binigyan ako ng tubig at biscuit dahilan para mapangiti ako.

"Thanks, mom," biro ko, dahilan para tumawa siya at sapakin ako nang mahina.

Hindi ko sinasadyang mapasulyap sa harapan, at saktong mapatingin sa camera niya. Maingay sa loob ng Gym pero narinig ko pa rin ang mahinang click ng camera niya. Gulat siyang napatingin sa akin bago matipid na ngumiti at naglakad paalis habang sinusundan ko siya ng tingin.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon