Chapter 4

68 5 0
                                    

Chapter 4

Jen's POV

kinabukasan na ulit at nasa school na ako. 12 pm na at english subject na namin. inaantok ako pero keri langsxzc. tahimik lang akong nakikinig sa teacher namin nung may biglang nambato ng crumpled paper sakin mula sa likod. nakaupo kasi ako sa unahan sa may tabi ng pintuan.

napalingon ako at nakita ko ang mga lalaki kong kaklase na nagtatawanan sa likod. "Ms. Agcol, are you listening?" napaharap ako non at tumahimik. ako pa talaga ang napagalitan ah. kainis

"okay Class get 1/4 sheet of paper" binuksan ko ang bag ko at kumuha ng ballpen at isang pirasong papel.

nagsimula na ang quiz namin at tahimik kaming nagsasagot. natapos na ako nun agad at nakatunganga nalang ako. nakatingin lang sa kawalanan habang nag-iisip ng mga kung ano ano

habang nagiisip ako ay napatingin ako sa tao sa labas na kumakawaykaway don na parang tanga. napalaki yung mata ko nung namukhaan ko yun. yung lalaki na blonde na nakakita saking nadapa at yung sa rooftop

tinignan ko siya ng masama pero siya parang tanga na nagpi-peace sign doon. "ano bang ginagawa mo!?" impit kong inis na sabi sakanya.

Magugustuhan mo rin ang

          

"chini-cheer ka" sabi niya na nakangiti. ang cute... niya. teka. di ko nga kilala yan e. luh. 

"Ms. Agcol sinong kausap mo diyan?" nagulat ako sa pag hampas ng teacher ko sa desk ko kaya napaangat ang ulo ko sakanya "are you cheating? may nagbibigay ba ng sagot sayo diyan sa labas?" sabi niya

tumingin ako sa teacher ko at kita ko sa gilid ng aking mga mata na nandon parin siya "hindi po ma'am. hindi po ako nangongopya" sabi ko sakanya na umiiling ng sobra

"talaga?" sabi niya at biglang lumabas. napatingin din ako sa labas. ang bilis naman nun? nawala agad? pag pasok ng teacher ko ay inayos ko ang sarili ko "wag titingin sa labas kapag may quiz" sabi niya at tumango ako.

"aish pahamak" bulong ko sa sarili ko

--

inaayos ko na yung gamit ko ngayon dahil kakatapos lang ng math subject namin. sinara ko na yung bag ko. tumayo ako at akmang hihilahin na yung bag ko kaso natumba yung upuan ko, mahinnag nagtawanan yung mga kaklase kong paalis palang ng classroom. tinignan ko sila at inirapan ako nung mga babae at naglabasan na ng room

napa-iling ako at nagbuntong hininga. badtrip naman. 

tinaas ko yung upuan, tinatanggal ko na yung pagkakatali ko sa bag nung bigla akong nakakita ng paa sa baba. sinundan ko pataas at nakita ko tong kuyang blonde na toh. sinamaan ko siya ng tingin at binilisan ang pagtatanggal ng tali sa bag ko

Illusion (Alcala Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon