Alas diyes na ng umaga, ang aga-aga palang ang init-init na ng panahon! Sabay paypay ko sa hawak kong panyo.
Napunta ako sa kung saan-saan para makahanap lang ng trabaho pero wala pa ring mahanap no vacant daw sabi kamo ng guardya.
Alas onse na wala pa rin. Pumasok ako sa isang fastfood chain at agad akong tumingala sa mga menu, agad kumirot ang lalamunan ko. Kailanman hindi ko pa naranasan ang kumain sa mga mahahalin na ganito.
"Pag akoy nagkakatrabaho kakain talaga ako ng ganito, syempre kasama ang mga kapatid ko at si inang" ngiti ko sa sarili.
Nilapitan ko yung cashier akala siguro niya bibili ako.
"Good morning mam" plastik na ngiti sa akin.
"May vacant pa po ba?" hiya kong sabi.
"Ayy mag aapply ka lang pala" sabay lingon niya sa likod .
"Mam mag aapply po siya" sabay turo niya sa akin. Siguro ito ang manager nila, tinignan ako ng mabuti from head to toe.
"Sorry Miss wala na kaming vacant" Sabay talikod niya sa akin.
Nakakainis! ang sungit akala kung sinong maganda ang kapal pa naman ng kilay niya tumalikod nalang agad ako at umalis.
Parang minamalas ako ngayong araw na ito ah pero di ako mawawalan ng pag-asa fighting! Sabay taas kamao at naka ngiti habang naglalakad patungo sa direksyon kung saan walang malas.
Nang malakad ko ang ibat-ibang kanto agad akong may natanaw na may nakapaslit na nangangailangan daw ng promodizer. Agad ko naman itong kinuha ang poster at pumasok sa loob ng opisina.
"Good morning po sir" magalang na pananalita sabay ngiti habang ang nasa harap ko ay isang matandang lalaki na busy sa pagsusulat.
"What do you want?" sungit na sagot.
"Kasi po interesado po akong mag apply bilang isang promodizer nakita ko po ito kasi sa labas ng opisina niyo" paliwanag ko habang nakatayo pa rin, di man lang ako pina-upo.
At dun na nag angat ng tingin ang matandang lalaki sa akin.
"Do you have any experience?" naka eyeglasses siya at striktong strikto ang mukha niya parang multo.
"Po?" nganga ako.
"May karanasan ka na ba sa trabaho?" titig na titig siya sa akin.
Ano ba tong mga tao dapat pa ba akong titigan para makapasa nakakainis! Siguro nabaguhan lang talaga ako.
"Wala pa po sir. Bago pa lang po akong grumaduate ng highschool pero madali po akong matuto hardworking po ako" diyos ko po kailangang kailangan ko na ng trabaho.
"Okay you may start tomorrow" wait tama ba ang narinig ko?
"Ano po?" nabingi ako dun sa kaka english niya.
"I said pwede ka na magsimula bukas, alam mo naman siguro kung ano ang dapat gawin bilang isang promodizer?" sabi niya habang may kinukuha siya sakanyang drawer.
"Opo taga bigay po ng papel, sample o kayay taga benta po" Hay naku! Walang moral talaga itong matanda nangunguyayat na ako sa kakatayo.
"Good and I need your resume" Sabay abot ko sa kamay niya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko pero saglit lang yun medyu may kaba sa dibdib ko pero siguro hindi yun sinadya.
"Okay I will assign you sa isang mall pagkatapos ng work mo babalik ka dito sa office ko"
Ha? bat pa ako babalik sa office di ba pwedeng pag sweldohan na? hay! di na nga ako mag reklamo bastat may trabaho na ako.
"Bakit pa ako babalik dito sir?" naging curious kasi ako eh.
"For attendance"
Ahhh ganun naman pala ang kikitid ng mga utak niyo hehehe
"Ahh, thank you po sir" sabay yuko ko.
Lumapit ang matandang lalaki sa akin at sabay hawak sa bewang ko habang kaharap ako.
"Your welcome 8am to 2pm ang work time mo just call me Mr.Cruz" sabay abot ng kamay niya sa aking kamay na may kaunting pisil at ngayon naka evil smile na siya.
"Ah, sige sir alis na po ako salamat po talaga" nakangiti kahit inis na inis na.
Agad ko naman siyang binitawan at lumabas na nakahingal.
Hay! dededmahen ko nalang si sir kesa naman wala akong trabaho titiisin ko nalang to.
3rd Person's POV
Walang magawa si Angela kaya tinanggal niya sa kanyang isipan ang takot at iisipin nalang niya ang kanyang mga magulang.
"Pag uwi ko sa amin babalitaan ko agad sila sigurado akong matutuwa sila at makakain na din kami ng mga masasarap na pagkain." sa isipan niya
Nakangiti si Angela at maya maya ay pumara na siya ng jeep kahit halos hindi na siya maka upo dahil sa siksikan.
Nang makarating na si Angela sakanila agad siyang nag susumigaw at hinanap ang kanyang ina.
"Inangggg!!" at nakita niya ito sa kusina nagluluto at sabay hawak ni Angela sa likod ng kanyang ina.
"Oh bakit?" humarap sa kanya ang ina nagtataka, di nga pala alam ng ina niya na nag hahanap siya ng trabaho ngayon.
"Tangap po ako" ngiti niya abot-tenga.
"May trabaho ka na agad?" pagtataka ng kanyang mama na may halong tuwa.
"May trabaho ka na ate?" sambit ng isa niyang kapatid na si Anton ang bunso.
"Oo, may trabaho na si ate ipagbibili na kita ng maraming chocolates" sabay titig niya sa mga mata niya habang hinawakan niya ang mga pisngi niya.
"Talaga ate?" excited na excited si Anton.
At biglang may nagdadabog, ang ama amahan naman niya na lasing na naman. Galing na naman siguro to sa kapitbahay nila nakipag inuman.
"Sino ang may trabaho?" tinignan ito ng matulis si Angela.
"Ako po" seryosong sagot ni Angela.
"May mapapakain ka na pala sa amin sige ipagmalaki mo yan di ka rin aasenso nangangarap ka lang ng gising" wala sa katinuan habang kinausap niya si Angela, laklak siya ng laklak.
Naninigas ang mga kamao niya na parang gusto na sana niyang sumbatan nang hinawakan siya ni inang sa may braso dahil alam niya talagang magsasalita si Angela.
Hindi nalang siya sumagot at yumuko nalang siya na parang pasan pasan niya ang mundo. Pumunta nalang siya sa itaas.
"Kakain ako! san na ang pagkain!" sigaw ng lasinggero niyang ama amahan na rinig na rinig niya sa ibaba kahit kailan di nalang sila nagsasalita o sumasagot sa mga walang utak niyang mga salita dahil kung papatol sila para na rin silang mga baliw.
"Kaya pag nagkakapera ako lilipat kami ng tirahan nang maiwan namin ang lasinggero".
Matapang sa buhay si Angela kaya sanay na siya sa walang kwenta niyang buhay, sawa na siya sa kakaiyak kaya naging manhid na siya sa lahat ng pangyayari at kailanman hindi siya susuko.
BINABASA MO ANG
DIARY ng POKPOK (Under Major Editing First)
General FictionWala na ba kaming karapatan magmahal? Puro nalang ba panghuhusga at panlalait? Ano ang gagawin mo kapag napagitnaan ka ng tatlong lalaki? Si Alex at Carl ay magkakapatid at ang kanilang ama na si Fernand. Kaya bang tanggapin ni Alex na ang taong min...