____________________
🥀{Yesterday Dream}
____________________
NOT AN ANGEL SERIES: 6
A/N: Whatever you see with a similar scene is probably just a coincidence. Everything written here is just based on my imagination. Some scenes here are too weird, because your author is also weird.
Some chapters contain r-18 scenes, so prepare your eyes, charot! There are some inappropriate words and scenes for children. Simply skip if there's a section you don't like.
Enjoy reading!
🥀🥀🥀
"Isang piglas mo pa, ilalampaso ko 'yang nguso mo sa van!" Pananakot ni Alyssa.
"Pwede mag back out? Ayoko na pala! I'm not ready for this kind of thing–"
"Tampalan mo nga ng tape 'yan sa bunganga!" Utos niya sa katabi. "May lubid diyan sa tabi ni Miracle, talian niyo!"
I couldn't speak anymore; my mouth was covered with tape. Maski si Karina at Hari ay nagawang mag tulong para talian ako sa kamay.
Panay parin ang sigaw ko kahit naka tape. Pinapanood nila ako habang mukha akong ewan na inaalis ang lubid sa kamay. Masyado mahigpit, naisip ko nalang manahimik. Wala narin ako magagawa. Mukhang mga walang balak alisin ang nasa kamay ko.
Bakas ang pagtataka sakanila nang mapansing nanahimik ako. "Ano? Magsalita ka ngayon, bruha ka!" Creselia yelled at me. "Tingnan mo! Ayaw mag salita, awatin niyo ako! Uunahan ko sa bagang 'to!"
"Boba! Nakatakip nga ang bibig, pagsasalitaan mo!" Binatukan siya ni Alyssa.
Tumingin siya sa akin. "Ano? Masikip ba pagkatali namin?" Tanong niya. Wala ako naging sagot. Pinanlakihan niya ako ng mata. "Pucha! Bakit ayaw mo sumagot?!"
"Paano sasagot kung nakatakip ang bibig?" Karina removed the tape from my mouth.
"Mga tangina niyo talaga, bitch!" Singhal ko agad. "Kung kaibigan niyo ako, hindi niyo 'ko hahayaan ikasal sa lalaki na 'yon!"
"Kaibigan ka namin pero gusto ka namin ikasal." Si Miracle, nakipag apir sa dalawang babaeng nasa harapan ko.
"Itakas niyo nalang kaya ako? Sabihin niyo nakipagtanan!" I suggested.
"Hindi kaba titigil?! Kanina kapa!" Gigil na gigil si Alyssa, nangangati na mamitik ng bibig. "Wala kana magagawa, ikakasal kana talaga!"
"Hindi ba gusto mo siya noon? Baka hindi ka rin mahirapan magustuhan siya ngayon." Hari fixed a few strands of my hair that were messed up.
"Kaya nga! Atsaka, admit it or not... Alam naming pinangarap mong ikasal sakaniya noon. Huwag kana choosy girl! Tandaan mo, ako mas yummy sainyo!" Nag flip hair pa si Miracle.
"Umagang-umaga, nag papaduwal ka ng tao!" Napangiwi si Alyssa sa gilid.
"That was my yesterday dream!" I yelled. Natigilan sila. "This is not my dream anymore; I don't even see in the future that I will be with him!"
"Ayokong mag pakasal sa lalaking walang ginawa kundi durugin at saktan ako noon. Hindi 'yon ang gusto kong lalaki. Hindi siya!" Tears start to form in my eyes.
They immediately panicked. Karina took a tissue and gave it to me. Hindi ko naman magamit, nakatali parin ako. "I'm sorry." Mahinang saad niya. "Pero nandito kana, wala na tayo magagawa."
Tumango si Creselia sa harapan ko. "Tama siya. Baka naman may nararamdaman na siya sa'yo kaya naisipan kang pakasala–"
"Impossible 'yang sinasabi mo." I cut her off. "Bago ko siya tuluyan tigilan, sobra ang galit niya sa akin. Maski ang nanay niya galit sa akin!"
"So, you think maybe he wants to get revenge? But in this way? Hibang kaba? Kung galit siya sa'yo, bakit ito ang way niya para makaganti?" Nakasimangot na tanong ni Karina.
"Kasi alam niyang kahinaan ko siya! Akala niya siguro madali ako kuhanin sa pamamagitan ng ganito! Akala niya ako pa 'yong dating Sherel na mahal na mahal siya at desperada sakaniya!"
Pinunasan niya ang ilang luhang natira sa mata ko. "Kung 'yan ang naiisip mo na maging plano niya, bakit hindi mo sabayan? Iparamdam mo ulit kung ano ka noon–"
"Ew, no way!" Agad ko pinutol ang balak niya sabihin. Ayoko na maging desperada.
"Ang arte mo naman! Ikaw nanga tinutulungan e."
"Shit, tumatawag groom mo!"
Lahat kami napatingin kay Alyssa. Hawak niya ang phone ko. "Sagutin ko ba?"
"Huwag na! Malapit narin naman tayo." Sagot ko.
"Ilang minutes na tayong late dahil sa pagpupumilit mo tumakas!" Malakas ako hinampas ni Miracle.
Hindi na ako nagsalita. Habang palapit kami nang palapit sa simbahan, I could feel the nervousness now. I can't help feeling sad about my fate.
The young version of me must be happy, nangyari na ang matagal niyang gusto. Pero ngayon, naisip kong sana hindi ko nalang hiniling at pinagdasal na mangyari ang araw na 'to.
This is not the dream I want anymore. All I want now is to escape and get away from the man I once dreamed of loving me too.
"Nandito na tayo!" Anunsyo ni Hari.
Sana panaginip nalang ito. I want to wake up from this nightmare.
🥀🥀🥀
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...