Winslet
Hays... Grabe nakakapagod itong araw na to saan tayo kakain? Tanong ko kila louie na kateammate ko
katatapos lang ng training namin mga 7:30pm narin mag kakasama kaming anim sa dorm Ako sila Louie , Trisha , Denice , Trixie and Riza
Dun nalang ulit sa tabi ng allday yung kainan dun masarap naman sagot ni trisha
After namin kumain nag lalakad na kami pauwe sa dorm at nabanggit ko na nag dadalawang isip ako kung uuwe ba ako ngayon o bukas nalang tutal sabado naman na bukas pero may nag tutulak sakin na gusto ko talaga umuwi ngayong gabi hindi ko alam kung ano o bakit
Wag na Win bukas na tayo umuwe sabay sabay na tayong lahat sabado naman na bukas e pilit nila
Okay sige bukas nalang sabay sabay na
10:30 na pero hindi padin ako makatulog parang gusto ko talaga umuwe pero delikado na dahil anong oras na hays makatulog nanga lang
At 3am nagising ako ng biglaan mag ring yung cellphone ko pupungas pungas pakong bumangon at kinakapa kung nasan yung cellphone ko nang mahawakan kona nakita kong may tumatawag sinagot ko nalang biglaan ng hindi tinitignan kung sinong tumatawag dahil nasisilaw ako sa ilaw ng cellphone
Hello?
Anak si mama mo ito sagot ng kausap ko habang umiiyak
Ma? Bakit ma? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?! Ayan ang sunod sunod na tanong ko at onti onti nakong kinakabahan na baka may masamang nangyari at hindi nga ako nagkamali dahil ang sumunod na sinabi nya ang nag pagising sa diwa ko pero pumatay sa puso ko
Win wala na si papa mo... Win patay na si papa mo..
Hindi ko alam kung anong una kong gagawin o mararamdaman wala akong masabi walang lumalabas sa bibig ko... Hanggang sa umiyak nalang ako ng umiyak
Uuwe ako ma papunta nako jan
Hindi mamaya kana byumahe delikado pa sa labas madilim pa at anong oras palang baka mapahamak ka umiiyak na sabi ni mama
Sige ma pag may onting liwanag na babyahe nako agad antayin nyo ako sa bahay pagkatapos kong sabihin yun pinatay kona agad ang tawag at umiyak ng umiyak hanggang sa mag 5:30am nagising na lahat ng kateammate ko dahil 6:00am ang call time sa training at naabutan nila ako sa ganung lagay sinabe ko naman agad yung reason at kumilos na para makabyahe pauwe sinabihan kona rin si louie na sya na ang bahala mag sabi kay coach kung bakit absent ako sa training
YOU ARE READING
When I was seventeen
RomanceI am Winslet Samson at young age so much immediately happened in my life that I never thought I would experience sooner. When i was seventeen my father died. When i was seventeen i fell in love and gave everything but it wasn't enough and it didn't...