Chapter 18

513 23 0
                                    

Nagpalakpakan agad ang mga tao ng matapos ito. Humiyaw sina Danny at Freya at dinambahan si Wane na palapit sa'min.

"Galeng mo talaga, Insan. I'm sure habang kumakanta ka kinikeleg bones mo, andito si Siri eh." Sabi ni Freya at sinundot si Wane.

"Waney, pakilala mo kami sa ka bandmates mo, lalo na yung gwapo na matangkad na may dimple."

"Ako ba yung tinutukoy mo?"

Tinaasan siya ng kilay ni Danny. "Bakit gwapo kaba? Matangkad kalang at may dimple pero 'di ka gwapo."

"Ay wow, kala niya naman maganda siya." Umismid si Wane at tumingin sa'kin.

"Hello, my jagiya. Magaling ba kami?"

Nag thumbs up ako. "Super."

"Hoy, caterpillar. Pakilala mo na kami sa kaband mates mo." Niyugyug siya ni Danny.

"Ano ba." Lumayo ito at nagkunwaring nandiri. "Wag ka ngang lumapit sakin, may germs ka!"

Poker face na tinignan ito ni Danny. Nagulat kami ng lapitan niya ito at sabunutan. Napa aray si Wane at hinahampas hampas ang kamay ni Danny. Si Danny naman nangingitnit at malakas na hinihila ang buhok ni Wane.

"Aray ano ba!"

Pinakawalan siya ni Danny at tinaasan ng kilay. "Ipapakilala mo ko o hindi?!"

"Ipakilala na nga, leche." kinuha ni Wane ang kamay nito at hinila papuntang back stage. Nilingon muna kami ni Danny at kinawayan.

Nagkatinginan kami ni Freya at ngumiti. Mabilis kaming tumakbo papuntang pool area at nilublob ang paa namin.

"Picturan mo ko, sis." Sabi niya at kinuha ang phone niya sa bag. Binigay niya sa'kin at nag pose siya. Malikot ang neon lights at nag rereflect ito sa tubig kaya maganda ang background.

"Okay, 1, 2, 3 smi—" Nanlaki ang mata ko ng merong lalaking umahon sa pool at ginulat si Freya kaya nahulog ito.

"Freya!" Sigaw ko at napatakip sa bibig.

Tumawa ang lalaking salarin sa pagkahulog ni Freya. Siya yung lalaki sa condo ni Raphael na nakaaway ni Freya, well parang nakasagutan lang. Tinignan ko ito ng masama. Nakaupo ito ngayon habang tumatawa.

"Bakit mo yun ginawa?!"

Napalingon siya sakin. "Huh?

"Oh! I remember you. Ikaw yung kasama ng babaeng skandalosa nung nakaraan na umiiyak. We'll, it's not my intention to make her fell in the pool. Nagulat siya at nahulog siya, serves her right." Bulong bulong niya sa huling salita pero narinig ko.

Si Freya naman ay basang basa umahon sa pool at tinignan ng masama ang lalaki. Dinuro niya ito. "Anong problema mo ha?! Basang basa tuloy ako dahil sa'yo. Kairita! Bakit mo ba kasi ako ginulat?! Wala kabang magawa? Bumabawi kaba sa nangyari nung nakaraan? Ha?!"

Napalingon ang lahat ng mga tao sa pool dahil sa sigaw ni Freya. Nagbubulungan ito at iba naman ay naglabas ng phone at nagvideo.

Tumawa ang lalaki. "I'm not that shallow to take revenge on you. Di ko sinasadya yun, okay? And besides, kasalanan mo naman talaga, ang OA ng reaction mo. Bakit nagulat kaba sa kagwapuhan ko?" Ngumisi ito at tinaas taas ang kilay.

"Ew! Nagulat nga ako kasi akala ko shokoy."

The guy scoffed. "Really? Well, whatever. Pero dahil medyo naguilty ako dahil basang basa ka, halika." Tumayo ito, lumapit kay Freya at kinuha ang kamay nito.

"Hoy, gago. San mo'ko dadalhin?!"

"Basta." Hinila niya si Freya at kinaladkad  ito papuntang ewan, basta lumiko sila. Ng mawala sila sa paningin ko ang bumuntong hininga ako. Nilaro laro ko nalang ang paa ko sa tubig, bakit ba kasi ang tagal ni Danny?

Because I Love You: Nursing Series#1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon