Some people
are like vultures
who prey on
dead souls.
Instead of
hating them,
pity those
who got nothing
but to feast
on gossip
like someone's
misfortune.
Pity them./15/ Blowback
[LOUELLA]
I just can't believe that one of the things that I fear before finally became a reality.
Ni hindi ko nga rin alam kung bakit kinatatakutan ko 'yong mangyari gayong alam ko sa sarili ko na hindi ako 'yung tipo ng tao na katulad ng karamihang mga nalulunod sa kasikatan na madalas ay nawawalan ng simpleng pag-iisip.
At hindi ko rin sukat akalain na ito ang magiging siyang dahilan. It's a big misunderstanding. Pero nahusgahan na ang buong pagkatao ko base sa mga nakita nilang larawan at kakarampot na headline at captions.
Wala silang alam sa totoong nangyari pero kung makapabitaw sila ng mga salita'y akala mo pag-aari nila ang buhay ko.
Gusto ko ngang pukpokin ang sarili ko dahil kinatakutan ko ang mga taong katulad nila. Mga taong ni hindi ko alam ang itsura ng mga mukha at mga nagtatago sa likuran ng pangalang gawa-gawa.
I don't know why I'm still scrolling. Kahit na pare-parehas lang ang mga salitang nakikita ko na binabato nila sa'kin.
My eyes are glued to the screen of my phone as if it's going to change anything.
"Stop that." Namalayan ko na lang na inagaw sa'kin ni Lysander 'yung phone sa kamay ko. Nakita kong pinatay niya 'yung power no'n at nilapag sa tabi. "Are you okay?"
Tumingin lang ako sa kanya. Hindi naman okay ang lahat. Kasalanan ko 'to. Pero hindi ko nakuhang masabi 'yon.
Napabuntong-hininga siya saka hinila ako papuntang sala. Umupo kami sa sofa habang nakatulala pa rin ako sa kawalan.
"I'm sorry." Napatingin ako sa kanya.
"W-wala kang dapat ihingi ng sorry, Lee."
Napayuko siya saglit bago ulit tumingin sa'kin. "Maybe this blowback is a good thing."
"Blowback?"
"We got viral unintentionally," sagot niya. "Hindi ko pa alam kung bakit ko naisip na magandang bagay 'yon. I just got a feeling." Medyo umusod siya palapit. "How bad was it? Nakita ko sa hashtag kung anong tinawag nila sa'yo."
Napangisi ako. "Well, it sucks," sagot ko. "I'm lying if I tell you that I'm not affected. Hindi lang ako sanay na may tumatawag sa'kin ng gano'n."
"You need to learn from me." Tunog nagbibiro ang boses niya pero naramdaman ko bigla kung paano pa kaya siya na buong buhay niya ata'y hinuhusgahan na siya ng mga tao dahil lang sa pamilyang kinabibilangan niya.
BINABASA MO ANG
Alpas
FantasyDespite fame and success, Louella Starling is in deep melancholy for she believes that she's an impostor. One day she discovered that there's a mystical bird called Alpas that gives miracles and extraordinary courage to break free. Louella recruits...