Chapter 21

210 16 0
                                    

[A/N: This chapter contains update which mentions gunshot and other sensitive topics that may trigger some. Please read at your own risk. Thank you]

"Kuya" tawag ni Seb sa kanyang kuya nang makapasok siya sa kwarto nito. He knocked the door beforehand then opened it when he didn't heard anything. Chicheck lang sana niya kung nasa loob ba ang kuya niya dahil gusto niya itong makausap. He's doing better na after na makalabas ng hospital. Si Kuya naman niya ay nagpapagaling na rin mula sa tama ng baril sa kaniyang tagiliran. Buti na lang talaga at walang organs sa loob ng katawan nito na natamaan ng bala. Seb wanted to talk to him about what had happened. Hindi niya kayang hindi iyon mapag-usapan because it somehow involved him. Ang daming tanong sa kanyang isipan at upang mapanatag, kailangan niya ng mga kasagutan.

Tumingin lamang si Guss sa kanya. "Pasok ako ha" sabi ni Seb. Tumango naman ang kanyang kuya kaya tuluyan na siyang pumasok. "Kumusta ka na kuya?" tanong ni Seb nang makalapit sa kanyang kuya. Nasa may bintana kase ito nakaupo sa upuan at nakatanaw sa labas ng bahay. "Ayos naman" tipid na sagot nito na nananatili ang tingin sa labas. "Ikaw? Kumusta?" tanong nito na tumingin sandali kay Seb. "Okay naman din kuya" sagot ni Seb at hinila ang isa pang bakanteng upuan at umupo sa harap ng kanyang kuya.

"Hmm... Kuya" tawag niyang muli matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tahimik lang kase si Guss habang si Seb naman ay sobrang dami ng gustong itanong ngunit hindi niya alam kung paano siya magsisimula. Tumingin si Guss sa kanya. "Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Seb. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong pabalik ni Guss. "Y-yung nangyari po nung nakaraan sana" nabigla si Guss sa sinabi ni Seb. Kinakabahan at natatakot siya sa oras na malaman nito ang nagawa niya. Pero hindi niya na ito malulusutan pa.

"Sige" tipid niyang sagot. He's getting ready for what to happen after their talk.

"Bakit ka ba nandoon sa lugar na iyon kuya?" ilang sandali na hindi nakasagot si Guss. Ayaw niyang magalit si Seb sa katotohanan ngunit ayaw niya ring magsinungaling dito.

"Ahmm..." nag-aalangan at naguguluhan sa kung paano niya sasabihin sa kapatid ang kinasasangkutan. "It's okay kuya. You can tell me everything. I know you have your reasons" sabi ni Seb to encourage his kuya. "Magalit ka kung gusto mo, kamuhian mo ako kung gusto mo... Tatanggapin ko lahat ng magiging pasya mo Seb" sabi ni Guss. Naguluhan naman si Seb sa sinasabi ng kanyang kuya. Kinakabahan din siya sa paraan ng pananalita nito. Guss on the other hand decided to just tell his brother about the truth. Nakokonsensya na rin kase siya sa mga ginawa niya lalo pa sa hindi niya pagprotekta sa kapatid nang mga panahong kailangan siya nito.

"I... I am a member of a gang" panimula ni Guss. Seb was confused.

"Gang? Anong klaseng gang kuya?"

"We rob... We..."

"What? Are you serious?"

"We smuggle illegal goods including drugs, firearms..."

"Kuya?" hindi makapaniwala si Seb sa kanyang mga maririnig. Hindi siya makapaniwalang magagawa ng kuya niya ang lahat ng mga binanggit niya.

"We are in need Seb, and I am desperate!"

"Then you could have other jobs kuya! Or you could have let me support you! What the hell are you thinking?!" alam niyang gusto lang makatulong ng kuya niya pero marami namang pwedeng pasuking trabaho, bakit kailangan niya pang pasukin ang illegal na trabaho?

Mabibigat ang paghinga ni Seb sa hindi maintindihan na kadahilanan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Hindi niya naiindintihan ang kanyang nararamdaman. Si Guss naman ay hindi makatingin kay Seb. Alam niyang mali ang pinasok niya, he knows he's wrong this time. Pero sana intindihin din ni Seb ang side niya.

Those Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon