Lahat naman tayo may bad side. Pero depende nalang kung gaano ka-lala. may bad side din ako, oo naman syempre. At aaminin kong mali din ako minsan sa mga inaasal ko. Minsan masungit ako, alam niyo bang kung bakit ako sinasabihang masungit, na minsan totoo naman?
Well...
May hobby ako na nangungusilap. Hindi yung kusilap na nag aaya ng away or ano ha? Kapag nakikipag eye to eye ako, bigla kong iiikot yung mata ko. Minsan naman napipigilan ko, pero minsan, hindi talaga e. Kaya din ako nasasabihang masungit ay dahil sa makakapal kong kilay, akala ba nila porke't makapal ang kilay ay masungit na ako kaagad? Mabait ako sa mabait, masungit ako sa masungit. Parang yung bad side ko, nakadepende sa kausap at nakakasalamuha ko, ganoon siya. Ang problema is yung mata ko talaga na kusang nagro roll kapag matagal tayong nagkakatitigan. Mabait po ako, kalog nga ako sa personal e, sa squad namin, ako ang clown nila. Palatawa daw ako at masayahin, well, dati yon.
Hindi ko alam kung bad side ba kung maituturing iyan, pero dahil pakiramdam ko ang sama ko kapag nakukusilapan ko yung isang tao e. Kaya ilalagay ko siya sa bad side.
Para wala kayong masabi. Joke.
Bye!