CHAPTER ONE

44 2 0
                                    

Sa mundo ng mahika hindi maiiwasan ang maging sakim at ganid sa kapangyarihan lalong lalo na ang taong nag ngangalang Zandro

Si Zandro ay ang kaibigan nina Haring Franco At Reyna Violeta sa kaharian ng Viole sila ay mag kakaibigan mag simula ng sila'y maliliit pa lamang ngunit naging ganid at na inggit sa kapangyarihan si Zandro at trinaydor niya ang sarili niyang tahanan ang Viole .Si Zandro ay umanib at gumamit ng dark magic at ito ang naging dahilan ng kanyang pag lakas at pag buo ng isang matinding digmaan sa kaharian ng Viole.

Sa loob ng kaharian ng Viole...

Mahal na Reyna nasisira na ang barrier na pumoprotekta sa kahrian ng Viole at ito'y masisira na ano mang oras sa ngayon.

kinakabahang salaysay sa isip (telepathy)ng isa sa mga Heneral ng mga kawal na si Vislow .Si Vislow ang isa sa apat na heneral sa palasyo at ang taglay niyang mahika ay Summoning Sword kaya yang mag palitaw ng mga ibat ibat sandata gamit ang kanyang isip.

Ang pangalawa sa apat na heneral ay si Lily.
Si Lily ay may kapangyarihan manipulahin ang mga ugat ng puno at ang mga dahon sa pamamagitan nito ay kayang niyang gawing proteksyon at espada ang mga ito at ito'y tinatawag na Controlling Magic.

Ang pangatlo sa apat na heneral ay walang iba kundi si Zandro.Si Zandro ay nag tataglay ng mahika ng pampasabog at ito'y tinatawag na Bomb Magic at sa hindi inahasang pag tataksil siya ngayon ay gumagamit ng Dark Magic at ang kanyang bagong kapangyarihan ay tinatawag na Dark Bomb Magic na kayang pasabugin ang isang kaharian gamit lang ang isang wasiwas ng kanyang kamay.

At ang huli sa apat na heneral ay walang iba kundi ang hari ngayon at ang iniibig at ang minahal ng buo ni Reyna Violeta na si Haring Franco.

Si Haring Franco ay may kapangyarihan tinatawag na Arch of time na mas kilala bilang Lost Magic ang Arch of time ay kayang magbalik ng mga bagay at pangyayari na nakalipas na kaya niya rin mag bukas ng ibat ibat portal sa ibat ibang mundo.

Ang mga taong nag tataglay ng Lost Magic ay makapangyarihan at sinasamba ng mga tao sa kaharian ng Viole sapagkat sila ang nagiging pinuno o nagiging proteksyon ng mga mamamayan dito.

Makalipas ang ilang sandali.....

Mahal na Reyna nasira na po ang barrier na pumoprotekta sa ating kaharian ano na ang ating gagawin ngayon? lumakas na si Zandro at dahil ito sa paggamit niya ng Dark Magic kinakabahang salaysay ni Heneral Lily.Hayaan mo siya Heneral Lily haharapin natin siya at ipag tatangol natin ang kaharian at ang mga mamamayan ng Viole kahit kapalit nito ang buhay ko matapang na sagot ng Reyna Violeta.Tawagin mo sina Haring Franco at Heneral Vislow may ipag uutos ako sa aking asawa at kay Heneral Vislow utos ng reyna kay Heneral Lily.

Makaraan ang ilang sandali bumalik si Heneral Lily kasama sina Haring Franco at Heneral Vislow.

Mahal na reyna magalang na pag bati ni Heneral Vislow sabay yukod ng kanyang ulo lumapit naman si Haring Franco kay Reyna Violeta at hinalikan nito ang noo ng reyna.Tayong Apat Ako si Haring Franco ikaw Heneral Lily at Heneral Vislow ay susugurin ang mga Dark Monster na alagad ni Zandro at pupuksain natin siya iparating sa mga kawal at sa mga taong may malalakas na Mahika na tumulong upang tayo'y magkaisa at manalo sa laban.ilikas naman ang mga taong may mahihinang mahika gaya ng mga mang gagamot at mang huhula ihanda ang hukbo dahil nag hihintay na siya sa labas ng palasyo sabi ng reyna sa kanyang mga kasama at nakatingin ito sa labas ng kanyang bintana.Nakahanda na ang labanan at ano man oras sa ngayon ang laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan ay magsisimula na.

Sa labas ng palasayo....

Nagkita tayong muli mahal kong Reyna Violeta saad ni Zandro ng makarating si Reyna Violeta sa kanyang harapan.

Wala ka talagang ibang magawa Zandro nagtaksil ka sa kaharian at gumamit kapa talaga ng Dark Magic na alam mo naman na malupit na pinag babawal ng ating mga Bathala sa ating mga taong may mahika naging makasalanan at makasarili ka Zandro at bilang Reyna ng kaharian ng Viole ay parurusahan kita galit na sabi ng Reyna kay Zandro.

HAHAHAHAHAHA! halakhak na sagot ni Zandro sa mahal na Reyna,parurusahan?parurusahan ako ng matalik kong kaibigan?HAHAHA!isa kang hangal Violeta,isang hangal!porket ba hawak mo ang makapangyarihan na lost magic ay malaki na ang kumpyansa mo sa sarili mo? isa ka talagang hangal aking kaibigang Reyna nanghahamak na sabi ni Zandro sa mahal na Reyna at bigla nalang itong sumugod sa mahal na Reyn tignan natin ng lakas mo Violeta ...HAHAHAHAHA!

Dark Bomb Magic! ..sigaw ni Zandro sabay hampas ng kanyang isang kamay sa hangin agad naman nakagawa ng aksyon ang mahal na Reyna kaya naka ilag ito sa mapamuksang pagsabog ngunit ang mga taong may mahika at mga dark monster na nandoon sa pinagtamaan ng Dark bomb magic ay namatay at naging abo nalamang nakita naman ito ng Mahal na reyna at mababakas sa kanyang mukha ang gulat at hindi makapaniwala sa lakas ng atakeng pinakawalan ni Zandro.

Ganito naba kalakas ang Dark Magic? tanong ng reyna sa kanyang isipan ngunit hindi siya pinaghinaan ng loob bagkus gumamit din siya ng kanyang kapangyarihan..Zandro!!!!! sigaw ng mahal na reyna at agad naman siyang hinarap ni Zandro ng may pagmamayabang sa kanyang mukha .

Lightning Rain!!...maririnig at makikita mo ang mga kidlat na kulay lila na bumabagsak sa lupa at bawat matamaan nito ay namamatay.

Walang katapusang labanan ang makikita mo sa labas ng palasyo ng Viole at maaamoy mo sa simoy ng hangin ang masangsang na amoy ng dugo ng mga taong may mahika na namatay at ganun din sa mga itim na halimaw makikita murin ang mga bangkay na nagsikalat sa paligid ng digmaan.

Makalipas ang ilang sandali isang nakakabiglang pangyayari ang nakita ng dalawang heneral at ang Haring si Franco dahil sa kadahilanang may nakasaksak na espada sa tiyan ng mahal na Reyna na kanyang iniibig nagulat ang lahat hindi sila makapaniwala sa bilis ng pangyayaring ito.

Naganap ito ng hindi man nila namamalayan nagtataka sila kung paano iyon nangyari ng ganun ka bilis lamang at isang halakhak ang bumasag sa katahimikan ng lahat

HAHAHAHAHA!!!!!

At nakita nilang tumatawa ang isang babaeng may buntot ng Ahas ..Tama ba ang aking ginawa panginoong Zandro sssssss pasensya kana natagalan ang aking pag gawa ng aksyon ...sssss



Okie po dito lang po muna ang chappy one btw po bawat natatapos na chapter doon kopo ilalagay kung sino ang mga character ..okie po...tska po first time kolang po ito kaya wag po kayo masyadong hard sa akin ...Thank You!hanggang sa susunod na kabanata...Bye!

THE VIOLET THUNDERWhere stories live. Discover now