Prologue

3 0 0
                                    


Disclaimer

This story is made of fiction. All names, characters, places, settings and events are all fictitious. In short, this is made by the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.

Notice

No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form without prior permission of the author.

Be aware that the author of this story is not professional nor perfect writer, so expect some typographical errors, grammatical errors, orthographical errors and other errors in this story.

©2022

All rights reserved

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Mga singsing. Mga hindi normal na singsing ang isinilang sa mundo na dala ng mga bulalakaw na nahulog mula sa kalangitan ang nagdala ng pagbabago sa takbo ng mundo. Binago nito ang buhay ng bawat isang naninirahan sa mundo nang mga tao.

Ito ay nagtataglay ng mga di maipaliwanag na kakayahan na sa oras na ito'y sauotin ng isang indibidwal ay magagawa nitong magamit ang kakayahang taglay nito. Gaya ng pag control sa tubig, pag bisita sa hinaharap, pag gawa ng mga ilusiyon at marami pang iba.Sa una ay hindi ito tinanggap ng sanlibutan, ngunit kalaunan ay nagawa nilang mayakap ang katotohanan na sila ay nabubuhay na sa mundong hindi nila kinagisnan.

Kasabay ng pagtanggap sa katotohanan ay nagawa nilang mabuo ang mga organisasyon at mga paaralan na maaaring humubog sa bawat isang napili ng mga sing sing. Ngunit isinilang din ang mga taong naghahangad na mahanap at makuha ang mga singsing na higit sa karamihan ang abilidad.

Si Aeryn Blythe Celestine ay isinilang sa mundong ibabaw na kapos sa lahat ng bagay. Minsan niyang pinangarap na mapabilang sa mga estudyanteng hinuhubog ng Paaralang tinitingala ng lahat sa larangan ng mahika. Ngunit, paano niya matutupad ang pangarap niya kung wala siyang hawak ni isa sa mga singsing na binigyang buhay bago siya isilang?

Isang pangyayari ang babago sa buhay niya at gugulo sa mundo. Makakamit niya ang bagay na matagal ng hinahangad ng karamihan dahil sa taglay nito. Magagawa kaya niyang magamit ito sa kabutihan o magpalamon sa taglay na kapangyarihang kanyang makakamit?

Halika at tunghayan natin ang kwento ng mga singsing na pag aagawan ng mundo.

@Hyperballs

Anillos: The Magical RingsWhere stories live. Discover now