( Months Passed)
Gabb's P.O.V
" Gabrielle, ihatid mo nalang si Sela sa office niya , kase nasa car shop mga kotse." Sambit ni Papa
" Pero Pa, wala namang car eh." Sambit ko
" Yun na nga ang point ko, use my motorcycle at ihatid mo si Marsela." Sambit ni Papa
" Tito, okay lang po, magtataxi nalang po ako." Sambit ni Sela
" No Iha, naririnig naman naten yung mga balita ngayon na mga babaeng pinagsasamantalahan ng mga taxi drivers diba? di naman tayo makakasiguro na mabait na driver ang masasakyan mo. lalo pa't ang dami na nangyare na incident na yan ngayon." Sambit ni Mama
" Sige na Marsela, Hatid na kita, ready ko lang yung motor ni Papa." Sambit ko at nagtungo sa garahe
Sela's P.O.V
" Oh shit!."
" Gabb tara muna sa loob! masyadong malakas ang ulan." Sambit ko at hinila si Gabb papasok sa loob
" Scam talaga tung weather sa cellphone, sabi di uulan eh." Sambit niya kaya natawa ako
" naku wag nga kase magpapaniwala dun. tara muna sa office ko para mag coffee tayo." Sumunod naman saken si Gabb at nagtungo kami sa office ko
Nakarating na kami sa office ko at natigilan ako nang buksan ko ang pinto
" Hello Sela!." Sambit ni Jah na nakangisi
" Buti di ka naabutan ng ulan Ineng." Sambit ni Kuya Stell
" Oo nga masyado pa namang malakas yun, nagtaxi ka naman diba?." Sambit ni Kuya Josh
" Ano? nagtaxi ka? masyadong delikado magtaxi ngayon bunso!." Sambit ni Kuya Ken
" Next time, inform us, para masundo ka ng isa samen." Sambit ni Kuya Pins
" Ahh Ehh.. kalma lang kayo, safe naman ako nakapunta dito, hinatid ako ng asawa este ng...ng..." Anong asawa ka dyan Sela???
" Sino kayo?? Teka pamilyar ka saken ah??." Sambit ni Gabb na nakatingin kay Jah
" Asawa ka ni Bunso?." Napakunot noong sambit ni Kuya Ken
" Eh kala ko may chance na si Bujah?." Sambit ni Kuya Stell
" Huy! anong chance chance yan, kayo talaga, kaibigan ko lang si Sela." Sambit ni Jah
" Kaibigan o Ka-i BIGAN??." Sambit ni Kuya Josh
While Kuya Pins is just silent pero pinapatay ka na sa titig niya.
" Uhm mga Kuya, hinatid po ako ni Gabb via Motorcycle eh kaso bumuhos ang malakas na ulan kaya pinapasok ko muna siya sa office ko, di ako na inform na nandito pala kayong lima." Sambit ko
" Pero Asawa mo nga toh?. " Ito naman si Kuya Ken di talaga maka get-over eh
" Oo Asawa ako ni Marsela." Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Gabb
" Teka, I thought you're single Marsela Shane?." Sambit ni Kuya Pins
" Annulled na sila, diba Sela?." Sambit ni Jah
" Ayy may paganon? bakit sinong nag cheat?." Sambit ni Stell
" Walang Cheating, we both decided to separate." Di ko inexpect ang e sasagot ni Gabb, akala ko sasabihin niya yung nagawa ko, but still she chose to protect me.
" Alam niyo mga Kuya, mag breakfast nalang tayo, nagugutom na ako eh." Sambit ko
" Dinalhan na kita ng food bunso, alam ko kaseng di ka makakadrive thru kaya, dinalhan na kita." Awwee, My Kuya Ken talaga , naalala ko si Daddy sa kanya, kaya Kuya Dadz tawag ko sa kanya eh. Real name niya is Felip Jhon Suson but he prefers the name Ken, siya din ang CEO ng 7 Sins Foot Apparel.
" Pinacancel ko na rin yung shoot mo ngayon due to this bad weather, syempre di naman eririsk ang buhay mo noh." Isa pato, strikto pero sobrang caring ko ring Kuya, I call him Kuya Pins since siya ang pinaka CEO sa kanilang lima, maliban sa La Luna Vision, siya din ang Chairman ng 1Z. he's John Paulo Nase but he's nickname is Pablo.
" Aba'y dapat lang noh? di pwedeng mapahamak ka Ineng, wala akong ibang gustong magmodel ng The Room ikaw lang!." Another Kuya ko, Si Kuya Bes, Stellvester Ajero ang totoo niyang pangalan, siya ang CEO ng The Room Beauty and Wellness , perfect talaga saken toh since Skin care products yun.
" Kaya nga di ko na rin pinapasok si Babe eh, I mean Coleen kase delikado." Sambit ni Kuya Ssob, Well siya naman si Josh Cullen Santos, and CEO ng Wild Tonight Perfumes and Scents which is yun ang pinagmomodelan ni Coleen. Bad boy look lang si Kuya Ssob, pero grabe napakabait nito. And I am so blessed kase napunta ako sa Company ng MAHALIMA which is silang lima.
" Wait! Jowa mo si Coleen?." Pagtatanong ni Gabb
" Hindi pa naman, Why? nga pala, may we know your name?." Sambit ni Kuya Ssob
" Gabrielle Rai Tanchua Skribikin, anak ng pinakamayamang business tycoon sa buong asia and rank 25th richest family in the world." Sambit ni Jah
" Wow! Di ako na-inform na pinaresearch mo pala ako Justin De Dios?." Sambit ni Gabb
" Uhm bago pa magkaThesis Defense dito, I guess kumain nalang tayo sa labas, since nagugutom na rin ako." Sambit ni Kuya Bes
Gen. P.O.V
Nagtipon-tipon sina Gabb, Ecka, Dana, Gia at Brei sa Hideout nila.
" Oh Ombeng tahimik mo naman." Sambit ni Gia
" Wala na yata talaga kaming chance ni Coleen, di na niya ako pinapansin eh." Sambit ni Brei
" Eh pano? may babe na pala si Coleen mo eh." Napatingin naman ang apat kay Gabb
" Babe? so may jowa na si Coleen? Sino?." Sambit ni Dana
" Josh Cullen Santos, CEO ng isang Perfume company, na meet ko siya nung hinatid ko one time si Sela sa 1Z, nagtatrabaho kase siya dun." Sambit ni Gabb
" Naku Ombeng, Pogi nito, tsaka big time din, mukhang wala kang laban dito." Sambit ni Ecka habang nakatingin sa picture ni Josh kase sinearch niya
" Literal na BIG nga. Small ka lang kase Ombeng." Sambit ni Gia habang nakasilip sa phone ni Ecka
" So nameet mo na siya Gabbo? kumusta naman ugali niya?." Pagtatanong ni Brei
" Naku mabait si Kuya Josh, mukha lang siyang bad boy pero mabaity siya, even Kuya Ken, Stell at Pablo mababait sila, pwera nalang dun sa isa, kumukulo dugo ko dun eh." Sambit ni Gabb
" Ha? may isa pa? sino naman? tsaka bakit ayaw mo dun?." Pagtataka ni Dana
" Pano kase mayabang, kala mo kung sino, porket may gusto siya kay Marsela?."
Nagkatinginan naman ang apat at napangisi
" Ahh kaya pala kumukulo dugo mo sa kanya, Ito ba sya, Justin De Dios? Pogi ha? mukhang Korean din, bagay kay Sela."
" Ayy oh pak! Ang Pogi! Surreal yung kagwapuhan nito, Pwede kay Sela toh." Sambit ni Gia
" Tsaka Single na naman si Sela, kaya dapat magka love life na siya, bagay sila nitong si Jah, tsaka matangkad din oh." Sambit ni Brei
" Naku, naiimagine ko na magiging anak ng dalawang toh, apakacute." Sambit ni Dana
" Pake ko? Kung gusto rin siya ni Sela eh di magsama sila, wala akong pake!." Naiinis na sambit ni Gabb