P A N G - W A L O

24 1 11
                                    

Ikawalong Kabanata:
P A G T A T A G P O

K I A

“Good evening, everyone!” Riva greeted as she stepped on the mini platform the organizers had set up for her. “I would like to take this opportunity to say thank you for coming. It means a lot having all of you here with me as I celebrate my 25th birthday. ‘Yong iba sa inyo, taon-taon kong nakakasama at siguradong kilala ninyo kung paano ko i-celebrate ang bawat birthday ko…” Hindi ko na ganoon pang naintindihan ang sinabi niya dahil nagawi ang tingin ko sa isang table. All those other people are conversing with each other, except this man. That man from the bridge a few weeks ago. I could never forget his silhouette. I may not know exactly the details of his face, but his mere presence tells me that it was him. The mixed up emotions I’m feeling is enough for me to know that it was him.

“Wherever you are, Ms. Kia Amara Villaverde, come up on stage or I’ll drag you here myself.” That was when I got back to my senses. Agad akong napatingin sa harapan habang medyo nasisilaw pa dahil sa akin pala nakatapat ang spotlight.

Wala na akong choice kung hindi ang tumayo sa kinauupuan ko. Para pa nga akong matutumba dahil nanghihina ang tuhod ko. That guy… why does he have this great effect on me? I walked towards the stage and smiled as if I understood what’s going on.

“So yeah. Here she is, everyone. My ever supportive best friend, Ms. Kia Amara Villaverde!”

-

“Nagagalak talaga ako sa tuwing may mga pagdiriwang sa ating lugar. Maigi’t napapayag ni Lucine ang aking ama’t ina na isama ako rito,” turan ko habang kausap ang isang kakilala. Hindi ko siya matalik na kaibigan ngunit kinausap niya ako at hindi ko naman magagawang hindi siya pansinin.

“Mabuti nga’t naparito ka, binibini.” Ngumiti ito sa’kin. Naiilang ako sa ngiting iyon kung kaya’y nagpaalam na ako at hinanap si Lucine sa kumpol ng mga tao.

Nang mamataan siya ng aking mga mata ay kaagad akong humakbang papalapit sa kaniya. Mayroon siyang kausap na dalawang lalaki. Si Juanito ang isa. Kilala ko siya dahil kaibigan ni ama ang mga magulang nito. Kakilala ko na rin siya simula pagkabata kung kaya’t naging magkaibigan na rin kami. Ang isa naman ay… hindi ko kilala ngunit nakakabighani ang kaniyang makisig na mukha at tindig. Tila pinamulahan ako ng pisngi sa naisip.

Lumapit ako sa kanila at ngumiti nang pagkatamis-tamis. Tulad ng palaging itinuturo ng ina na maging magiliw sa mga tao.

Raya halika," turan ni Lucine nang natanaw niya akong papalapit. “Nais kong ipakilala sa’yo ang taong nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayon. Ito ay si Ginoong Felizardo Sebastian ngunit maaari mo rin siyang tawagin bilang Eli. Eli, ito ang aking matalik na kaibigan na si Hiraya Abadiano ngunit maaari mo naman siyang tawagin bilang Raya.”

Ngumiti ako sa kaniya at yumuko. “Magandang gabi, ginoong Eli.” Nagtama ang aming mga mata, tila ako’y nalulusaw sa titig niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

“Magandang gabi, binibining Hiraya. Ikinagagalak ko na ika’y makilala.”

Tila himig sa tainga ang boses niya at tila rin nais ko itong ulit-uliting pakinggan.

Terra Firma Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon