Michi POVMatamlay at nakayuko akong naglalakad sa kahabaan ng pasilyo sa School namin. Iniisip ang mga nangyari simula hanggang sa kalagayan ko ngayon sa school na'to.
Hindi ko na masyadong pinapansin ang mga mapangutyang tingin sa akin ng mga estudyante sa paligid. Bumubulong sila sabay tatawa habang nakatingin sa akin. Lalo pa akong nawalan ng kompyansa sa sarili nang matapos ang nangyari kahapon. Para kasing naubos ako at ang lahat ay kinuha sa akin hanggang sa pakiramdam ko ay isa akong bilanggo.
Nagising ako sa silaw ng ilaw sa kisame at ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Nanlalabo pa ang paningin ko pero pinilit kong bumangon upang kompirmahin kung nasaan ako. Hindi man ako pamilyar sa lugar pero nasisiguro kong nasa clinic ako.
Tinanggal ko ang puting kumot na nakakumot sa akin upang lumabas na sana ng kwarto pero agad akong nakaramdam ng kirot sa ulo. Napapikit ako sa pagka kirot.
"Gising ka na pala." Nakuha ang pansin ko sa nagsalita. Dahan-dahan akong tumingala upang makilala siya.
"M-marci?" Utal kong tanong. Siya ang lalaking naalala ko na unang kinulit ko at pinilit na maging kaibigan sa unang araw ko sa School nato.
"Nakakainis mang pakinggan pero pagbibigyan kita ngayon na tawagin akong marci kahit hindi naman talaga ako bakla. Tsk!"anya na mukha nang naiinis sa akin.
Ngumiti ako ng marahan at nagpasalamat sa kaniya. Dahil alam kong siya yung lalaking lumapit at sumalo sa akin bago pa man ako bumagsak sa sahig ng cr nang nahimatay ako.
Tumango lang siya bilang tugon saka namulsa. Hindi ko malaman kung bakit iniisip kong bakla siya samantalang lalaking laki talaga ang bawat porma at kilos niya. Siguro dahil na rin nakakilala na ako ng tulad niyang bakla na nagtatago sa likod ng pagiging matikas na lalaki.
Natauhan ako at pareho kaming napalingon ni Marc sa pinto ng clinic nang magbukas ito. Laking gulat ko nang makita si papa at seryoso ang hitsura nito. Napatigil siya sa paglalakad nang magsalubong ang paningin namin ni papa.
Walang emosyon,hindi ko mabasa kung anong nasa isip ni papa pero nagsisimula na akong makaramdam ng kaba sa pagdating niya.
Lumapit siya sa akin. Nagpasalamat din siya kay Marc bago lumabas ng clinic si Marc. Nagkakilala na siguro sila sa labas. Tumingin si papa sa akin at tinulungan akong makatayo sa higaan.
"Bakit po kayo nandito,Pa? Iniwan niyo pa ang trabaho niyo para lang sa akin? Si mama na lang dapat ang..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang magsalita si papa.
"Hindi ako narito nang dahil lang iniwan ko ang trabaho ko. Nandito ako dahil hinatid ko si Mr. Cienfuegos dito. Pinatawag siya ng prinsipal dahil sa nangyari simula noong pumasok ka sa School na'to. Pati ako, pinatawag din dahil sa nangyari ngayon." Hindi ko alam ang mararamdaman ngayon lalo na nang makita ko sa mga mata ni papa ang sobrang pagkadismaya sa akin.
"H-hindi ko naman po kasalanan yon. Sila. Sila ang nauna. Wala naman po akong ginagawang masama pero pinagtutulungan nila ako!"
"Paano mo nasabing wala kang ginagawang masama?! Hindi ka nila pagtutulungan kong hindi mo inunahan!" Dahil sa pagtaas ng tono ni papa ang nagpatigil sa akin. Unti-unti na ring nagbabadya ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang kumawala sa mga mata ko.
Ito ang kahinaan ko. Ang magsigawan at makitang dismayado si papa sa akin. Mababaw mang dahilan pero hindi ko gustong nakikitang nagkakaganito si papa nang dahil sa akin. Ang pakiramdam na,para akong kina kahiya ni papa.
"Kung ayos na ang pakiramdam mo...umuwi na tayo." Dugtong ni papa. Nauna siyang lumabas ng clinic saka ako sumunod. Doon ko na rin nakumpirma na nasa clinic pala kami ng School namin. Ibang iba sa public School na clinic. Mukha kasi itong kwarto ng private ospital.
Habang naglalakad sa corridor,napapatingin ako sa bintana. Makulimlim ang kalangitan na tila ba anumang oras ay babagsak ang napakalakas na ulan. Napayuko ako habang nakasunod sa likuran ni papa na nangunguna sa paghahanap sa elevator. Napansin ko ring napalitan na ang suot kong uniform,mukha na ulit itong bago. Hindi na rin malagkit ang buhok ko na amoy na amoy ang mabangong shampoo na ginamit.
Napapaisip tuloy ako kung ilang oras na ba akong walang malay para hindi ko maramdaman na nagbihis at napaliguan na pala ako. Nanlaki ang mata ko sa naisip na napaliguan ako nang kung sino. Napayakap ako sa sarili at umiling-iling na sana ay hindi si Marc ang napaligo sa akin.
Ilang minuto lang ay nasa bahay na kami ni papa. Sumakay kami sa taxi pauwi pero hindi niya nabanggit sa akin kung may pasok pa ba siya sa trabaho o sasaglit lang siya para ihatid ako sa bahay. Hindi niya ako kinikibo o kahit kausapin o tanongin sa buong nangyari sa akin pero ni kahit isang salita mula sa kaniya ay walang lumalabas. Mas lalo tuloy akong napanghihinaan ng loob at nadidismaya na rin sa sarili.
"Oh! Nakauwi na pala ang magaling kong anak." Bungad sa amin ni mama. Hindi na ako nagtataka kung sasalubungin niya ako nang naka pameywang at kunot noo dahil iyon ang simula nang pagbubunganga niya sa akin.
"Sinasabi ko na nga ba't may gagawin ka na namang kalokohan eh! Sa bagong School mo pa talaga ha!? Hindi mo naisip ang scholarship mo!?...Michi, nag-aaral ka doon dahil sa scholarship na bigay ng may-ari ng School na 'yon. Kaya ano tong nabalitaan namin,ha!? Gusto mo bang hindi makapagtapos ng pag-aaral!?" Simula ni mama. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng pinto habang tinatanggap ang mga sermon ni mama. Samantalang dumiretso si papa sa loob at umupo sa sofa na para bang pagod na pagod at nanlulumo.
"Tama na 'yan, sapphire. Pagpahingahin mo na 'yang si Michi. Kagigising niya lang kanina sa clinic noong tapos na ang meeting sa principals office kanina. Siguradong nahihilo pa yan sa pagkakahampas sa ulo niya." Rinig kong suway ni papa kay mama para patigilin na ito sa pagsesermon sa akin.
Wala pa si Ian dito, siguradong mamayang uwian pa uuwi 'yon. Mabuti iyon dahil walang dadagdag sa masamang araw ko. Hindi pa sana ako papayagan ni mama na umalis at umakyat na sa itaas pero wala na siyang nagawa dahil kilala ni mama ang ganoong reaksyon ni papa. Kung siya ang laging galit na halos bumuga ng apoy, si papa naman ang tahimik magalit pero pag na puno ay siguradong pati bahay namin masisira.
Nakaakyat na ako sa itaas at nagsara ng pinto nang makapasok na ako sa kwarto ko. Wala ako sa sarili habang nagbibihis. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang tamang gawin para mapalapit kay papa lalo na ngayong nakagawa na naman ako ng bagay na ikinadismaya niya ng sobra sa akin.
Mula pagkabata si papa na ang lagi kong kasama kahit saan. Sa trabaho niya noong tricycle driver pa lang siya, sa jollibee kung saan lagi akong busog dahil doon nagtatrabaho ang pinsan ni papa na ninong ko. Pero dumating yung time na habang unti-unti akong lumalaki ganoon din ang nangyayari sa relasyon namin ni papa. Lumalaki rin ang agwat na humihiwalay sa amin. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya kung bakit bigla na lang siya nagbago at para bang lahat ng ginagawa ko ay mali para sa kaniya.
Daddy's girl ako kaya mahirap sa akin ang naging relasyon namin ni papa na unti unting nawawala. Gusto kong malaman kung bakit ganoon niya lang ako pakisamahan. Parang hindi niya ako kilala. Ni hindi niya ako matignan o matawag ulit na anak. Sa tuwing may mababang grades akong nakukuha sa klase,lagi kong nakikita sa mukha niya ang pagkadismaya. Kung minsan pa nga ay hindi niya gugustuhing pumirma sa card ko. Simula nun,pinangako ko sa sarili ko na balang-araw mababalik yung masayang araw na tinuturing pa akong prinsesa ni papa. Yung palagi kaming nagkakausap at nag-aasaran tulad ng ibang mag-aama.
Natauhan at napabangon ako sa kama ko nang marinig ang pagkatok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Agad ko iyong binuksan. Tumambad sa harapan ko si papa na wala pa ring emosyon at napaka lamig kung tumingin.