"ELSA, siguradong-sigurado ka bang kay Sir Carlos mo ito?" Paniniguradong tanong ni Diwata sa kasambahay ng pamilya Andrade.
Itinaas pa niya ang supot na naglalaman ng mga buhok at masusi iyong tiningnan na animoy nasa ilalim ng microscope. Mamasa-masa pa ang mga iyon. Kung sa ibang tao ang mga iyon ay baka pinandirihan na niya. Ngunit dahil galing iyon sa kaniyang iniirog ay pagtitiyagaan niya. Pero hindi na niya aalamin kung saang parte ng katawan ng lalaki galing ang mga buhok na iyon.
Buo naman ang loob na tumango ang kasambahay. Ito naman kasi mismo ang kumuha ng mga iyon kanina sa loob ng banyo. "Siguradong-sigurado ho ako. Fresh pa nga po ang mga iyan. Eh, maam saan mo ba gagamitin ang mga buhok ni ser?" Usisa nito.
Ano nga ba ang isasagot niya sa tanong nito? Bigla naman agad siyang nakaisip ng idadahilan dito. "Ah, ganito kasi. Ipapadala ko ito sa laboratory dahil gusto ko lang malaman kung anong substance ang meron sa buhok ni Carlos kasi ang ganda-ganda eh. Itim na itim at saka ang kapal." Sabay turo sa supot ng buhok. Totoong makakapal ang strands ng mga buhok nito, ang iba nga ay kinky pa.
Mukha namang bumenta ang kaniyang alibi dahil mukha itong kumibinsido at hindi na nagtanong pa. Kaya bago pa makaisip ng susunod na tanong ang katulong ay nagsalita na siya.
"Oh, siya sige. Mauna na muna ako." Lalabas na sana siya ng kusina nang biglang may maalala. "Ay teka, saan na iyong picture na pinakukuha ko sa'yo?"
Mabilis naman nitong iniabot ang larawan sa kaniya. Matiim niyang tinitigan ang larawan ng lalaki. The man in the picture was smiling, boasting his white pearly teeth. He has that gorgeous smile that can move mountains. Ang panga naman ay well defined. He was wearing a casual blue v-neck shirt na kahit kalahati lang ng katawan nito ang na-capture ng camera ay pansin mo naman na maganda ang hubog nito. Ala-Daniel Matsunaga ang datingan.
Ang gwapo naman ng aking Carlos. Sa isip niya. Ilang segundo din niya iyong tinitigan at kung hindi lamang siya kinalabit ni Elsa ay baka nahulog na siya sa isang malalim na trance.
"Para sa'yo nga pala. Huwag mong kalilimutan na sikreto lang natin ito ha. Kailangang walang makaalam." Sabay abot sa puting envelope. Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha nito iyon. Lumawak naman ang pagkakangiti nito nang buksan at makita ang nasa loob. Nag-thumbs up pa ang bruha.
"Salamat, maam. Kung gusto mo pa ng maraming buhok at pektyur ni ser ay sabihin mo lang. Baka gusto mo din ng buhok ko, maganda ito dahil alaga ko sa gugu." Napangiwi siya. Aanhin niya ang buhok nito? Ipapakulam?
"Huwag na. Tama na'to. At saka mamaya, huwag mong kalilimutang ibigay kay Sir Carlos ang dala kong fruit salad. Sabihin mong galing sa'kin." Bilin niya dito. Isang bowl ng fruit salad ang dinala niya para kay Carlos. Maraming cream at gatas ang inilagay niya para siguradong magustuhan ng lalaki.
"Opo maam, makakarating." Masaya man dahil nagkapera ng konti ay medyo dismayado si Elsa dahil hindi kinuha ang sample ng buhok para maipa-check din sa laboratory para malaman kung anong meron sa buhok nito.
Bago tuluyang lumabas ay dali-dali namang itinago ni Diwata ang supot ng buhok at ang larawan sa loob ng handbag na dala.
Masayang-masaya siya dahil nakuha na niya ang huling ingredient sa gagawin niyang love spell. Hindi niya sinasadya ang pagkatuklas niya sa naturang love spell. Nabili niya iyon nang minsan ay napadako siya tabi ng simbahan noong isang araw.
Napadaan lamang siya sa bahaging iyon ng simbahan nang may mapansin siyang umpukan ng mga tao. Ipagwawalang bahala na lang sana niya iyon nang marinig ang tanong ng isa sa mga lalaking nakiumpok.
"Epektibo naman ho ba iyang mga gayuma niyo, Manong?"
"Aba'y oo. Marami na nga akong suki. Kilala mo ba si Perla? Aba'y suki ko iyon!" Buong pagmamalaking saad ng lalaking mukhang tambay sa isang tindahan.
Dahil nga sa magic word na 'gayuma' ay nakiumpok na din siya at napabili. Pagkatapos lamang ng tatlong minuto ay natapos ang kaniyang transakyon at may dala na siyang love spell kit. Wala namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya, maano lang ba ang fifty pesos para sa orasyon at another two hundred pesos para sa banga? Hindi niya naman iyon ikaka-pulubi. Kahit pa mag-invest siya ng one thousand pesos eh okay lang basta ma-inlove lamang ang kaniyang pinakamamahal na Carlos sa kaniya.
At ngayon nga ay nakumpleto na niya ang mga rekados at isasakatuparan na niya ang ritwal mamayang gabi.
Masayang-masaya siya habang naglalakad patungo sa kaniyang kotse na nakaparada sa sa tapat ng bahay ng pamilya Andrade. Nasa loob ito ng napakalaking farm na pag-aari ng pamilya.
Kumunot ang kaniyang makinis na noo nang mapansin ang isang itim na pick-up truck na nakaparada, wala naman iyon doon kanina. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Kulang na lamang ay kumanta siya ng 'Walking On Sunshine'. Tumingala pa siya sa langit na parang nagpasalamat. Pagliko niya pakanan ay bigla siyang natisod at kamuntikan nang madapa. "Ay palaka!"
Mabuti na nga lang at naging maagap siya sa paghawak sa una niyang nakapitan. "Aray!" Sigaw naman ng kung anong nilalang na nasa ilalim ng kotse. Bigla siyang lumingon at tiningnan kung ano ang nakatisod sa kaniya. Paa! Not just one, but two long legs!
Mabilis namang lumabas ang may-ari ng mahahabang paa. Parang slow motion na ala-matrix ang nangayari. Oh my! Ganito ba ang pakiramdam na nakakita ng artista? This guy really looks like Rafael Rosell! He has a well-built body, and a very handsome face. His beard made him look more manly. She was mesmerised, parang ayaw niyang alisin ang kaniyang tingin sa mukha nito.
Masusi siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. Ngunit maya-maya lamang ay huminto ito sa kaniyang mukha at binigyan siya nito ng isang nakakalokong ngiti. "Matagal ko ng alam na gwapo ako, miss." At inilagay pa nito ang hinlalaki at hintuturo na nakapormang check sa ilalim ng baba nito.
Para namang napahiya siya dito. Aba't napaka-hambog naman pala ng kambing na ito!
"At sino naman ang nagsabing gwapo ka? Oh eh sabihin na nating gwapo ka nga. So?" Defensive niyang tanong dito para makabawi sa pagkapahiya.
"So malagkit ka kung makatingin sa akin. Natatakot ako na baka kung ano na ang pinaggagawa mo sa akin sa isip mo." Parang nahihintakutan pa ito, at ipinag-krus ang mga kamay sa dibdib nito.
"Aba't..." Malakas siyang napabuga ng hangin at sinapo ang ulo. "Mister, kung sino ka man. Next time naman, huwag kang haharang-harang sa dinaraanan. Aba'y hindi lang ikaw ang tao dito sa mundo, billion kami baka hindi mo alam. FYI. Gusto mo bang isumbong kita sa mga amo mo o baka ipa-Tulfo na kita?"
"Pasensiya na po kamahalan. Hindi na po mauulit." Yumukod pa ito. "May maipaglilingkod pa po ba ako sa inyo mahal na kamahalan?"
"Tseh!" Mabilis siyang naglakad palayo dito. Nag-aaksaya lamang siya ng panahon dito. Pero sino nga ba iyon? Ngayon lamang niya ito nakita sa farm ng mga Andrade. Ilang beses na siyang nakapagbalik-balik sa lugar na iyon ngunit ngayon lamang talaga niya ito nakita.
Baka naman bagong driver. Pero ba't ang gwapo? Papasa itong member ng The Hunks. Nagkibit-balikat lamang siya sa naisip.
BINABASA MO ANG
The Love Spell
RomanceFifty pesos na orasyon and two hundred pesos na love spell kit ang 'investment' ni Diwata para mapaibig si Carlos. Ngunit sa hindi inaasahang pangayayari, ang kapatid nitong si Miguel ang parating nakadikit sa kaniya. Nae-expire ba ang orasyon o sad...