Introducing Main Characters [Chapter 1]

553 8 0
                                    

May isang napakagandang dalagang nakatira sa isang barangay. Halos lahat nang kalalakihan ay nabibighani sa kagandahan niya. Ang pangalan niya ay si Melissa. Bukod sa maganda siya rin ay matalino, masipag at mapagmahal na anak sa magulang.

Isang araw habang nag lilinis nang bahay ay biglang naalala ni Melissa na pumunta sa city para bumili nang bagong cellphone kasi sira na ang kaniyang cellphone gayundin agad-agad itong nagpaalam at naghanap ng mabibilhan. Nagkasalubong sila nang matalik niyang kaibigang si Beth at habang pumipili ay nakikipag-usap sila sa isa't isa at nung may nagustuhan na siyang cellphone ay agad nitong tinuro. Nagulat siya nung biglang may naramdaman siyang kamay na sumayad sa kaniyang kamay at yun pala ay si Marco na pumipili din nang cellphone. Agad silang nagkatitigan dahil nagulat sa isa't isa. Si Marco ay isang simple at matipunong lalaki. Sa unang pagkikita nila ay nabihag nito agad ang kaniyang matigas na puso dahil si Marco ay nanggaling sa isang broken family kaya naging barumbado sa eskwela. Palaging absent, nag cucutting classes at late itong pumasok sa eskwelahan. Hindi alam ni Melissa na si Beth pala at Marco ay magkakilala.

Cellular Love (Short Story - Tagalog)Where stories live. Discover now