CHAPTER 12

362 25 1
                                    

ARGUE


HINDI na namin napansin ang oras dahil sa tagal nang pagkikwentuhan namin sa sala. sumilip ako sa bintana nakita ko na palubog na ang araw. mabilis ko rin itong isinara nang makakita ako ng ilang zombies na naglalakad tila ba hindi alam kung saan pupunta.

Panay parinig ng iba sa kanila na snacks daw. kakabigay ko nga lang ng snacks sa kanila isang oras pa lang ang nakakalipas. tapos nanghihingi ulit sila at hindi ko sila pinayagan. sinabi ko nang nagtitipid kami dahil hindi kami pwede maubusan ng makakain.

Bumalik ako sa sala.

"May mga kaibigan talaga tayong pangit ka bonding. tulad ni Safier at Mico, example ng mga pangit kabonding." Turo ni Troy sa dalawa.

Nakahiga kasi si Mico sa sofa habang nakaunan naman ang ulo sa hita ng kasintahan. napangiwi ako at tumabi nalang kay Shazi na nakaupo sa tiles. nag indian sit ako at isinandal ang ulo sa balikat ng katabi ko.

Pito lang kami sa sala dahil nagpapahinga ang iba sa kwarto.

"Kailan pala tayo hahanap ng gas na gagamitin para sa bus?" tanong ni Jester.

"Mamaya siguro." sagot ko.

Hindi parin lumalabas si Matreus hanggang ngayon. hinatiran naman ito ni Andrea ng pagkain hindi ako sure kung kinain nga niya.

"Kailan kaya matatapos ito? kakatapos lang ng covid isang taon palang tayong nakalaya ulit." napailing si White.

Napakibit balikat ako. "Ganito pala feeling ng may thrill ang buhay." natatawang sabi ko.

Dati iniisip ko kung paano pag nagka zombie apocalypse. tinatanong ko pa sarili ko noon kung makakaya ko ba? feeling ko kasi ako ang unang mamamatay dahil hindi ko alam ang gagawin. baka himatayin lang ako kapag nagkatotoo nga.

Tignan mo nga naman, buhay na buhay pa ako.

"Kalat sa facebook ko dati na huwag daw mag pa vaccine kasi magiging zombie ka daw." natatawa naman na sabi ni Safier.

Natawa narin ako dahil naalala ko iyon.

"Same. baka ito na nga iyon? sa tingin niyo may kinalaman iyon sa nangyayari ngayon?"

Umiling si Mico. "Pakiramdam ko hindi."

"Full vaccinated naman ako pero normal parin ako."

Agad na umangal si Troy sa sinabi ni Shazi. "Hindi mo sure doon sa 'normal ka'."

Ano pa nga ba? asahan ko na sasagot si Shazi dahil hindi nga ito nagpapatalo.

"Hindi ko talaga makita ang dahilan ni Andrea para magkagusto siya sayo. pangit na nga ugali mo pati pa mukha mo."

Tumatango na sumanayon ako sa pangbabara ni Shazi. "Love is blind."

Binato kami nito ng unan ng sofa. bakas ang pagkainis sa mukha nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na friends lang kami. si Andrea kababatang kaibigan ko iyon. kapatid ang tingin ko sa kaniya at hindi ko siya kayang tignan ng mas higit pa doon." ngayon ka lang nakitang nagseryoso si Troy.

Makikita sa itsura niya kung gaano siya kaseryoso sa sinabi niya. ibig sabihin talaga kapatid ang tingin niya kay Andrea.

Naawa naman agad ang puso ko sa para kay Andrea. kahit hindi niyon sabihin na may gusto siya sa kaibigan, halata talaga sa kilos niya.

"Seryoso?" Tanong ko. nagbabakasakali ako na may mahanap na pagkabalisa sa mukha niya.

"Wala." seryosong sagot niya.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon