Chapter 4

3 0 0
                                    

Scape

"Marizel wait!!!" rinig ko na sigaw ni Andrea pero tuloy tuloy padin ako sa pag takbo pabalik sa room para kunin ang gamit ko. 

Madaming nakatingin sakin pero wala na akong paki alam sakanila basta ang alam ko nalang na kailangan ko umalis don. Hindi naman sa ayaw ko na ka-partner si Arvie dahil sa ayoko lang, Okay si Arvie mabait siya pero nakita ko yung paano nag rereact si Andrea when Arvie is coming near to me. 

I saw her one time looking to me bitterly. Nahalata ko na gusto niya si Arvie kaya naman ako na din ang gumagawa ng way para hindi mag tagpo ang mga landas namin dahil ayoko na masaktan ang bestfriend ko. 

"Anong sabi? Pinayagan ba tayo?" Bungad saakin ng pagkapasok ko sa classroom pero hindi ko na pinansin si Canila at tuloy tuloy lang ako sa likod at sabay kuha ng bag ko palabas. Bago pa man makapasok si Andrea ay nakalabas na ako at kitang kita sa mga mukha ng mga classmate ko yung pagtataka dahil sa inaasal ko pero they choose not to ask. 

Gusto ko din naman na may makasama sa Prom Night dahil first time ko to pero i need to think about others kung may masasaktan ba ako o kung tama ba na papayag ako? 

Patuloy padin ang pag lalakad ko at napunta ako sa gym na walang tao dahil lahat nag busy at nag hihintay na sa may gate na mag bukas para maka uwi na silang lahat. 

Hindi ko alam kung galit ba sakin si Andrea pero ayoko muna kumausap ng iba dahil alam ko naman na di nila nagustuhan yung ginawa ko kanina kahit na hindi ko naman talaga siya tinanggihan. Nakita ko din yung mukha ni Carl kanina, Alam ko naman matagal ko na siyang Crush freshmen palang kami at wala akong pag asa sakanya una palang. 

Ang taas taas niya, para bang ang hirap niyang abutin?

iilan palang kaming beses nag usap pero hindi ko makalimutan yon kahit na alam ko na hindi na niya maalala yun. Unang una namin na pag uusap naalala ko pa na tumatakbo ako noon papunta sa classroom namin dahil nalate ako tapos bigla siyang lumabas out of nowhere kaya naman nabangga ko siya. Para akong lumutang noon ng makita ko siya, He helped me to stand up at ng maka bawi naman ako sa pagkakamangha sakanya puro nalang ako sorry at tumakbo na ako papunta ulit sa room. Simula non gustong gusto ko na siyang nakikita lagi pero nahihiya ako dahil sa nangyare kaya naman umiiwas na ako kung kaya pero lagi ko siyang tinitignan sa malayo. 

"Ang sweet ni Arvie no?" Rinig ng taong nakatayo sa gilid ko hindi ko na binigyan ng oras para tignan dahil alam ko naman ang iniisip niya na nag iinarte ako at hindi ko tinanggap yon.

"Sayang naman tong dala ko kung di mo man lang titignan" Sabi niya kaya naman napangin na ako sakanya at nagulat ako sa nakita ko

Si Carl ....

at may dala siya na bottled water sa kaliwang kamay niya at nag abot din siya ng panyo sa kanang kamay niya. 

Nagulat ako kaya naman hindi ako makagalaw, siya na mismo ang umupo sa tabi ko. 

"Inom ka muna para kumalma ka sandali" Sabot sakin ng nakabukas na tubig na. 

"Thank you" sabi ko naman sakanya sabay abot ng tubig na hawak niya

"Bakit mo ako sinundan dito?" lakas loob ko na tanong sakanya pagkatapos ko na uminom ng tubig. pero hindi padin siya kumikibo at tinitignan lang ako, medyo nahihiya tuloy ako 

"Sa dinami dami ng mga nag aya sayo na makadate ka sa Prom Night ni isa don hindi ka nag oo" Sagot niya while looking me straight to me eyes. 

"Hindi ko kasi alam kung tama ba, baka kasi makasakit ako ng iba" Sabi ko ng humarap ako sa may Tennis court na makikita mula dito sa open gym ng school.  

"Sino bang tama para sayo?" he asked. 

Napahinto ako at napa isip, sino nga bang tama para saakin?

"I never think about that basta kung sino man yon hindi ko pa alam" Sagot ko na hindi tumitingin sakanya dahil nahihiya parin ako.

"Hindi ko alam kung bakit pero kanina may pumipigil lang sayo na pumayag kang sumama sakanya" sabi niya na parang nababasa niya ang laman ng isip ko.

"Mabait si Arvie, Kaso alam ko kasi na gusto siya ng Bestfriend ko kaya alam ko na masasaktan siya kung pumayag ako, Sorry kung nasasabi ko sayo to nakakahiya tuloy."Sabi ko at tumingin naman ako sakanya na nakatingin din pala sakin

Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa tingin niyang akala mo sobrang importante ng sasabihin ko sakanya kaya ayaw niyang ialis ang tingin niya sakin na baka may mamiss siya na information pag lumingon siya sa iba. 

"Hindi masama ang mag labas ng sama ng loob even just for once, ang masama ay yung kinikimkim mo baka bigla ka nalang sumabog sayang naman ang ganda ng mata mo kung iiyak ka lang" Sabi niya sabay punas sa natitirang luha sa mata ko na hindi naman tumulo. 

Hindi ko alam pero parang biglang gumaan ang pakiramdam ko sa isang hapos lang niya.

"Nakakahiya yung nangyare kanina, Andaming nakakita napressure ako tapos nakita ko pa si Andrea na nasa state of shock" Sabi ko sakanya kahit alam ko naman na nakita niya 

Hindi ko alam bakit andito siya pero super thankful ako sakanya at guminhawa ang pakiramdam ko. 

"Bakit pala andito ka?" lakas loob kong tanong ulit sakanya

Bigla naman siya tumuwid ng pagkakaupo at humarap sakin na parang may gusto siyang sabihin. 

"Marizel, tara na kanina pa kita hinahanap" Sabi ni Erica na medyo malayo ng konti sa amin kaya naman napatingin ako kay Carl na naka awang ang bibig na parang may sasabihin sana kaso naunahan ng tumawag sakin. 

Tumango ako kay Erica nag ayos na ng sarili at gamit tska na tumayo. 

Nag lakad na ako ng kaunti pero lumingon ako kay Carl na naka tingin rin sakin ngayon.

"Thank you for being my scape" 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sun also RisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon