Chapter 15

22 3 0
                                    

Matapos ang ilang minuto na naka-upo dito sa mesa habang kumakain kasama sila Yana, napansin yata nila ni hindi na ako masyadong nagsasalita.

"Wuy," siniko ako ni Horace dahilan para mapalingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Okay ka lang?"

"Oo." Tipid na sagot ko at tinignan ang pagkain sa plato.

"Sure ka? Kanina mo pa tinitignan iyang pagkain mo, naglalagay ka naman sa kutsara pero hindi mo sinusubo." Sabi ni Horace dahilan para mapalunok ako.

"Wala kasi akong gana kumain eh." Sabi ko at nilapag ang kutsara at tinidor ko.

Napansin ko naman na napatingin silang lahat sa akin.

"Baka may cravings ka na, Archana?" Kunot-noong tumingin ako kay Till ng sabihin niyo iyon.

"Ha?" Sabi ko, napatawa lang si Till at napahinto nang magsalita si Yana.

"Manahimik ka nga, Till. Hindi ka nakakatulong." Sabi ni Yana at inirapan si Till.

"Bakit? Totoo naman ah, baka ayaw ni Archana sa pagkain kasi ibang pagkain gusto niya." Natatawang sabi ni Till.

"Huwag mo siyang pansinin Archana, hindi kasi normal ang pag-iisip niya." Binalingan ako ng tingin ni Yana at ngumiti siya sa akin.

"Aba! Makapagsabi ka niyan ah parang hindi mo ako muntikang napatay kanina!" Sigaw ni Till habang nakanguso.

Ito na naman tayo.

"Bakit? Na-hospital ka ba tulad ni Archana?" Sarkastikong sabi ni Till at natahimik nalang siya. "Nag-sisi nga ako kung bakit hindi kita tinuluyan ng buhay doon eh, kaya manahimik ka."

"Hmm, paano kaya kung kayong dalawa nalang ang manahimik?" Singit ni Horace sa kanila at napayuko naman sila dahil sa kahihiyan.

"Is there something bothering you Archana?" Tanong sa akin ni Aeron pero ngumiti lang ako saka umiling.

Napalingon naman kami sa pintuan nang marinig ang tatlong katok, sinabi ko sa kanila na ako nalang ang bubukas ng pintuan dahil baka maka-istorbo pa ito sa pagka-kain nila.

"Hey." Bumungad sa akin si Remi na malawak ang ngiti, may bitbit siyang plastic bag.

"Ano 'yan?" Tanong ko agad.

"Aren't you going to let me inside first?" Natatawang sabi niya at napataas naman ang kilay ko.

"Ay, syempre! Pasok ka." Nakangiti ako habang malawak na binuksan ang pinto para maka-pasok siya.

"Thank you." Ngumiti siya sa akin.

"By the looks of it, you already look fine." Napatango tango naman ako nang sabihin niya iyon. "Good to know." Dagdag niya.

"Sobrang effective kasi ng healing powers ni Doc. Sara." Sabi ko sa kaniya at napatango naman siya.

"I'm sorry I didn't get to visit you at the clinic, I just needed to do something important." Sabi niya, batid ko na seryoso siya nang sabihin iyon.

"Okay lang! Okay naman ako eh, hindi naman ako kailangan bisitahin." Nakangiting sabi ko at natawa nalang siya.

"I'm seeing that smile of yours again so I am pretty sure that you're doing great." I gave him an awkward smile when he said that.

Iba ba yung ngiti ko kapag hindi ako okay? Tsaka yung ngiti ko kapag okay ako?

"Ano nga pala ulit laman ng bitbit mo?" Pag-iiba ko ng topic dahil sawa na ako kaka-rinig ng mga pick up lines niyang pang-bata.

CHANTERS TALE: Enchanted CampWhere stories live. Discover now