22

0 0 0
                                    

Chapter 22




"Oh? Tulala ka jan?" siko sa akin ni Anj habang diretso ang tingin nito sa nagtuturo naming guro sa unahan.


Alam niyo yung pakiramdam na wala ka maintindihan sa pinagsasasabi ng guro niyo sa unahan? Masyadong nasa malayo ang utak ko. Sumama yata kay Mysterious guy, pati puso ko nadala niya. Bigla ako napaismid sa sarili kong isip. Masyado na akong korni. Bale, dalawang beses niya na ako nabangga. Una nung sa may food stall tapos ngayon, sa daanan. Destiny na ba ito? Pinaglalapit na ba kami ng tadhana? Napatikom ako ng labi dahil sa pinag iisip ko. Masyado na ko kinikilig. Stories lang sa wattpad ampeg??


Buong lesson yata ako nag imagine kasi nag class dismiss na yung guro namin sa Filipino. Ano kaya tinuro ngayon ni Ma'am? Dumating din agad yung teacher namin sa TLE, 2nd subject namin sa umaga. And as usual, yung secretary namin sa subject niya eh magsusulat sa pisara tapos kokopyahin rin namin. Kinuha ko ang notebook ko sa TLE at nagsimulang nagsulat.

"Huy, ano iniisip mo kanina? Para kang tanga kanina." Sabi sa akin ni Anj na busy rin sa pagsusulat. Itong babaeng to, masyadong maraming napupuna.

"Kaya nga eh. May pangiti-ngiti pa at puppy eyes. Feeling tuta." Sabi naman ni Tynn habang nagsusulat din sa notebook niya. Narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Anj. Hay naku, bakit sila pa kasi mga naging katabi ko dito sa upuan. Buti na lang tumabi si Althea ngayon kay Renie.


"Tse mga basag trip kayo eh no?" Sinara ko na yung notebook ko at nilagay naman ang ballpen kong Faber Castell sa aking pocket logo. Tinamad na ko magsulat. Di naman masyado strict si ma'am kasi parang nag-checheck siya ng quiz papers. Wag nga lang kami masyado mag ingay kasi baka mabadtrip si Ma'am at ngayon mismo magcheck ng sinulat namin sa notebook.

Naagaw ang atensyon ng lahat ng may kumatok sa pinto namin. Nawala agad ako sa mood kasi kilala ko yung lalaki. Si Mr. Tangkad na mahilig mambaga din. Napansin kong may dala siyang libro. Pinapasok naman siya ni ma'am at kinuha yung libro. May sinabi pa nga siya kay maam eh. Di nga lang namin narinig kasi sa hulihan kami nakaupo.

"Yeeee.."Mahinang pang aasar ni Anj sa akin. Narinig naman yun ni Tynn at siniko ako.

"Crush mo yan?"

"Ew." tipid na tanong ko. Umalis naman na yung lalaki. Mabuti naman. Bigla kasi sumasama hangin kapag he's around.

"Hahahaha. Not your type." Tynn.

"Iba type niyan, si Mysterious Guy." sagot ni Anj kay Tynn. Tumayo naman ako at akmang aalis para bumaba at mag cr.

"Ayeeee susundan niya." pang aasar ni Anj.

"Tse! Naiihi ako. Sama ka?" sabi ko. Umiling naman si Anj at ngumiti ng nakakaloko. Sus, baka siya ang may crush dun kay tangkad eh. Haha.

Nagpaalam ako kay ma'am na lalabas para mag cr. Tumango naman si maam kaya lumabas ako agad ng classroom. Sa left side sana ako dadaan nang maagaw ang atensyon ko nung tao sa left side na naka upo sa may stairs pababa. Nakatalikod yung lalaki at kung may anong ginagawa dun sa buhok ng babae. Matapang yung amoy at alam ko ang amoy na yun, amoy chemical na ginagamit kapag magkukulot ng buhok. Kinuha ko agad ang panyo ko at itinakip sa ilong ko. Lumapit ako sakanila upang makita yng malapitan yung ginagawa nung lalaki sa buhok nung babe.

"Project niyo ba yan kay Ma'am?" Tanong ko doon sa lalaki na busy maglagay ng chemical dun sa buhok ng babae na naka curls. Busy din ako sa pag oobserve ng namalayan kong di sinagot ng lalaki yung tanong ko. Aba! ang snob naman. At dahil snob siya, nilingon ko ang lalaki sa gilid ko na abala parin sa ginagawa niya. Nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. Parang bigla naging slow motion ang paligid, yung pag galaw niya parang naging slow motion din.. Pati yung adam's apple niya, parang naging slow motion din ang pag-galaw. Slow motion din siyang tumayo ng diretso. Matangkad din pala siya lalo na sa malapitan kasi hanggang balikat niya lang ako. Mabilis lang niya ako tinignan at pagkatapos ay iniwas niya din agad ang paningin niya sa akin. Inalalayan niya yung babae na makaupo sa stairs at iniwan ako ng dalawa na nakatungaga kay mysterious guy.


Yes, it's Mysterious guy!

What the frog.. Ang dami kong gusto sabihin pero parang umatras yung dila ko at ginusto na lang manahimik.

Shet shet shet! What am I going to do?!

Nakita kong kumatok siya sa pinto at agad naman lumabas si Ma'am para suriin yung babae na siguro eh model ni Mysterious guy sa project nila. Cosmetics pala subject nila kay Ma'am. Samin kasi, foods yung concentration ng TLE namin. Sinuri kunwari ni maam yung buhok ng babae tapos may binigay na index card yata si mysterious guy kay maam. May sinulat doon si maam. Baka susulatan ng grade? Ewan. Siguro.. Pagkatapos nun, umalis na yung dalawa. Ni hindi man lang ako nilingon ni mysterious guy habang pababa na sila ng stairs.


"Raky? Akala ko ba mag ccr ka?" agaw atensyon sa akin ni maam.

"Maam iihi pa lang po." sabi ko sabay habol dun sa dalawa kaso nakalabas na sila ng building namin.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko.

First time ko maramdaman yung ganito, yung di ko alam kung ano nararamdaman ko. Masyadong magulo na pati tyan ko ay parang sumasakit pero hindi naman ako natatae. Ito ba yung sinasabi nilang "butterfiles inside your stomach''?

-------------------------------------

















When She Met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon