Kapitulo Syete

6.6K 212 6
                                    

📌Kapitulo Syete

Astra's POV

Ano kaya ang nangyayari ngayon sa hilaga? Okay lang kaya ang mga tao dun? Sinabi kasi ni Neil na meron daw'ng mga tao na ayaw umalis, hindi ko naman sila masisisi tahanan nila yun.

Napag-isipan ko na, pwede kayang pumunta doon? Sabi ni Neil na napaka delikado daw dun kaya delikado din ang mga tao dun. Baka kailangan nila ng tulong. Ano naman ang maitutulong ko? Mag-didiscuss ng mga Republic Act?

"Astra, ano bang problema mo? Ba't hindi ka mapakali?" tanong ni Inigo.

Nagiging close na din kami ni Inigo pero alam ko na hindi hahantong sa pag-ibig ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ang mahal niya ay si Astra hindi ako.

Paano nalang pag nalaman niyang hindi naman talaga si Astra ang papakasalan niya. Kakamuhian niya ako.

"Inigo, punta tayong hilaga" ani ko.

"What? No!" diin niyang sabi.

Oo nga pala. Napaka-protective niya.

"Sige na. Gusto ko lang naman kumustahin ang mga tao doon. Samahan muna ako para may mag babantay sakin" pakiusap ko sa kaniya.

"No! Delikado doon!" pagmamatigas niya.

"Edi don't! Kay Neil nalang ako magpapasama" saad ko at akmang aalis na sana ng bigla niya akong pinigilan.

"Okay, sasama na ako. Sasamahan na kita. Wag ka lang lumapit sa Neil na yun" ani niya. Seems so jealous!

"Papayag naman pala eh. Nagmamatigas pa" saad ko.

"Listen, delikado doon. Madaming Blackians pero wag kang mag-alala, andito naman ako at nag-improved kana sa paggamit ng sandata kaya makakalaban kana sa kanila" ani niya.

"Di naman tayo lalaban sa kanila. Magmamasid lang tayo" saad ko.

"If you say so" ani niya.

Ngumite ako sa kaniya at yumakap.

Masyado siyang mataas, taga-dibdib niya lang ako kaya rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Inigo, okay kalang ba?" tanong ko.

"I'm okay. Ano, let's go?" sagot niya.

"Let's Go!" ani ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong nang Ina ni Inigo.

"Sa Kanluran, Ina. May pupuntahan lang kami doon" sagot ni Inigo.

"Pwede ba tayong mag-usap, Iha?" tanong ng kaniyang Ina. Tumango ako.

"Siguraduhin mong hindi kayo mapapahamak lalo na ang anak ko dahil pagnapahamak ang anak ko nang dahil sayo...... papatayin kita. Wala akong pakialan kung anak kapa ng Hari at Reyna" saad niya.

Akala ko mabait siya, akala ko lang pala yun.

"Pag ako ba napahamak nang dahil sa anak niyo...... papatayin niyo ba siya?" tanong ko.

Inis niya akong tinignan.

"Ginagago mo ba ako?" diin niyang tanong.

"Nagtatanong lang" sagot ko at umalis sa harapan niya.


@mszeang

Reincarnated as A Useless and Weak Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon