Ika-22 na Kabanata

19 0 0
                                    

"That movie is shit," reklamo ni Zael nang matapos namin panoorin iyong pinili niyang movie. Natawa ako dahil kanina lang ay pursigido siyang maganda iyong kalalabasan pero nanalo pa rin ako sa pustahan.


"Sabi sa 'yo eh. Asaan na bente ko?" tanong ko, sabay lahad ng palad.


"Benteng halik," aniya bago ako hinalikan sa pisngi.


Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Chansing ka ha?!"


Napalingon kami sa OA na tumikhim sa likod namin. Si Morge at Toffy iyon. Pareho silang naka-kaswal na damit at pareho pang may dalang laptop.


"Iba talaga nagagawa kapag naka Eurydice premium," iling ni Toffy. "Kaya pala hindi sumama sa study group ngayong araw, may kahalikan dito sa Mall."


"Share your prayers, bro," dagdag ni Morge. Ngumiti ito sa akin. "Hi, Ea."


Tinulak lamang sila ni Zael kaya napatawa ako. "Don't bother us."


"Ouch, ha?" irap ni Toffy. "Ea, pagsabihan mo nga 'yang jowa mo. It's not fair na ikaw lang ang hindi niya sinusungitan."


"Don't talk to her," sinamaan siya ng tingin ni Zael. Siniko ko siya nang bahagya dahil doon.


Umirap si Toffy sa kaniya. "For the record, I'm gay."


Nag usap pa sila tungkol sa kung ano bago tuluyang umalis ang dalawa. Zael held my hand the whole time we were walking to see where we can eat. Sa Single Origin kami napadpad dahil hindi pa raw siya nakakakain doon. I just ordered lasagna and pesto for him.


Mahangin sa BGC at sa labas kami nakaupo. My nude tube top and white mom jeans didn't do good with the cold. Napansin 'yon ni Zael kaya naman binigay niya sa akin ang suot niyang cardigan. Napangiti ako. Gentleman talaga as usual.


"Ayoko na maging CI si Guillermo. Akala mo hindi estudyante ang kinakausap. Masyadong perfect!" reklamo ni Xy nang makauwi ito.


Sinulyapan ko siya saglit dahil gumagawa ako ng research paper para sa isang subject namin. Bukas pa ang next rotation namin at ngayong naririnig ko na ang experience ng kaibigan, mas lalo lang ako kinabahan kasi pareho kami ng magiging CI!


"Kwento ka naman diyan, girl. Siya rin CI ko bukas," nguso ko.


"Hay nako, teh!" aniya. Sumalampak siya sa sofa at tinanggal ang medyas. "Ka-stress! Kanina kasi, medyo pinagpapawisan na ako kasi mainit naman talaga sa ospital. Hello? Public 'yon. Wala ngang aircon ang hallway. Nagpupunas ako ng noo nung lunch break tapos sinipat niya ako na basa na raw 'yung likod ng scrubs ko..."


Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga habang nakikinig kay Guillermo. Hindi nagbibiro si Xy sa sinabi niyang mainit sa ospital. Malapit na ang summer season kaya naman sobrang nakakaloka na 'yung init madalas. Minsan nga, hindi na kami nagpapatay ng aircon sa salas dahil hindi talaga namin kaya!


The day ended well. The term ended well. Sobrang bilis ng mga pangyayari to the point na hindi aki makapaniwalang second semester na ako ngayon bilang fourth year. Wala na kami masyadong lessons dahil internship year na namin at madalas ay application na lang sa mga ospital ang ginagawa. But then, boards are coming. And so does licensure exams.


Maaga kaming gumising ni Xy para mag aral sa study café malapit sa condo ni Raiah. Mahirap ipagsabay ang pag aaral para sa boards pati ang mga duty sa ospital. Magbibigay naman ng break ang eskuwelahan para sa mga magt-take ng boards pero siyempre, hindi namin pwedeng hintayin iyong early break.


Kaya naman kada walang pasok ay nag-aaral kami buong araw. May isang araw naman na pahinga tapos, duty naman. It felt like a never ending cycle. It was so draining and tiring to the point that I sometimes question myself why I chose to take this path.


Pero ngayon pa ba ako susuko ngayong nandito na ako? The past three years in nursing school is no joke. Masyadong mataas ang pride ko para mag backdown ngayong malapit ko na itong matapos. And despite the drain, I love what I'm doing.


"Pagod na ako," maktol ko. Katatapos lang ng duty ko kahapon at nandito ako ngayon sa penthouse ni Zael dahil nag-aaral na rin siya para sa board exams. I sometimes forgot that he's already in his fourth year of medical school, too.


Itinigil niya ang pagbabasa upang iabot sa akin ang flask niyang may laman na tubig. I smiled and took it from him. Hinawi niya ang hibla ng buhok na nahulog sa pony tail ko.


"You want to rest? You've been studying for five hours already..." tanong niya matapos tignan ang relo. "Take a rest first. I'll wake you up after thirty minutes."


At iyon ang ginawa ko. Grabe. Hindi ko kasi ata talaga kayang mag aral nang tuloy-tuloy. Hindi ko alam paano nagagawa ng iba na mag-aral lang buong araw. Maybe it's in their study habit. Si Xy, kaya no'n mag sunog ng kilay nang tuloy tuloy buong araw. Kahit kumakain ay kaya no'n magbasa o 'di kaya manood ng lecture videos. Ako, hindi. Kapag inaantok, dapat matulog talaga ako kasi kung hindi ay wala talagang papasok sa isip ko.


Kinabukasan ay ginising ako ni Xy dahil muntikan na ako ma-late sa duty. It took a lot of will to get up, but I managed.


"Baby, I might give you less updates the next few weeks because I'll have to focus on the upcoming exams..." ani Zael nang magkita kami. Napatingin ako sa kaniya habang umiinom ng kape. "Is that... okay?"


"Oo naman!" tawa ko. "Bakit hindi? Importante ang exams. 'Di ba promise mo na ip-prioritize mo studies mo and gagawin mo best mo sa boards?"


"What?" kumunot ang noo niya. "You will not miss me?"


Tumawa ako. Ang cute talaga nito. "Mamimiss siyempre! Pero pareho tayong may sariling goals na kailangang tuparin ngayon. We have our dreams ahead. Kaya I understand."


"I love you," aniya.


"I love you more!" ani ko pagkatapos ay niyakap siya at kinuha na iyong orders namin sa counter dahil tinawag na ang pangalan ko.


Nagsimula na akong mag-aral nang makapirmi ako sa upuan. Zael was already studying for the boards, too. Paminsan-minsan ay susulyap ako sa kaniya para masiguradong gising pa siya. Sobrang lala na kasi ng eyebags niya. Mas halimaw siya mag-aral ngayon. Kaya naman lagi kong pinapaalalahan na kumain siya para at least hindi siya mahihimatay sa kung saan.


The café was jampacked. Good move na rin na inagahan namin dito dahil napupuno talaga ang lugar lalo na't malapit ito sa school ko. May mga namukhaan pa akong ka-batch ko. It was like a scene to treasure. I know everything's hard for most of us. Iba't ibang uri ng pressure ang nararamdaman ng bawa't isa rito. But then again, I know this is something I'll look back once I get registered. Mamimiss ko ring mag-aral sa café kasama ang mga kaibigan, ni Zael.


"Pahinga ka kaagad after mo umuwi. Pero maligo ka muna," ngiti ko kay Zael. Magddrive pa kasi siya samantalang ako ay lalakarin ko lang pabalik ng condo.


"I'll walk you home," iling niya.


Sinimangutan ko siya kasi kanina niya pa ako pinipilit. "Zael, ayan lang 'yung condo sa tapat. Umuwi ka na."


"But it's already 10 PM," kumunot ang noo niya. "What if you encounter another guy like the one we encountered a year ago?"


"Kita mo 'to," inangat ko 'yung dalawang malaking volume ng medical-surgical nursing book ko. "Ihahampas ko 'to agad."


Umangat ang gilid ng labi niya kaya napangiti rin ako. "I'll wait for you to enter the building na lang."


I hugged him tight. "Thank you for today. Ingat sa pag-drive huh? I love you..."


Mas mahigpit na yakap ang sinukli niya. I felt him kiss the top of my head like how he always does even before. "I love you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Odds of Our Story (Hiraya #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon