03

580 35 2
                                    


LUMABAS si Thalia mula sa kanyang opisina at bumaba ng hagdan kasunod ng kanyang mga tauhan.

"Mommy ko, saan po kayo pupunta." tanong sa kanya ng kanyang pitong taong gulang na anak.

"Sa clinic lang ako Zian, You stay here and do your assignment." Utos niya dito.

"Ok po." Bumalik ito sa pagsusulat sa kanyang notebook at siya na may naglakad palabas ng kanilang bahay.

Nasa tabi lang ng kanyang bahay ang clinic ng isla kaya ay madali niya itong natunton. Kakatayo lang din ang clinic na ito ngunit kumpleto naman sa mga kagamitan. Pagpasok niya sa may katamtamang laking gusali ay sinalubong siya ng malakas na amoy ng disinfectant at alcohol. May anim itong  hospital bed na kurtina lang ang naghihiwalay. Meron din itong waiting area of front desk na tinatauhan ni Belle Isang babaeng pinabayan na ng magulang na tinulungan niyang makapag aral sa ALS at TESDA.

"Ma'am! Magandang araw po. Nasa loob na si Dr. Consolasion." Ang masiglang bati nito sa kanya. Ngumite siya dito pababalik.

"Magandang araw din, Belle" Tinanguan niya ito bago sa tuluyang pumasok sa loob kung saan nakalagay ang mga hospital bed.

Nakita niya ang nakatalikod niyang mga tauhan. Mula sa kanyang kinatatayuan. Naglakad siya patungo dito at tumigil sa may paanan ng kama.

Nakita niya ang isang babaeng may galos sa mukha may mga nakakabit dito ng mga apparatus. Sa kabila ng kasalukuyan nitong kalagayan hindi niya maiwasan punahin ang maamo at gwapo nitong mukha.

"How is she, Mitch?" Tanong niya sa kaibigang  doktor na tumatao dito sa kanilang clinic. Asawa ito ng kaibigang engineer na nakatoka sa paggawa ng isang building sa isla para sa mga dayo.

"She's finally breathing but she's still unconscious. I have to run some tests para malaman ng problema. I also have to observe her for the development of acute respiratory distress syndrome or multi-organ failure." Ang sagot sa kanya ng doctor habang nakatingin parin sa pasyente.

"May alam ba kayo kung sino ang taong ito wala ba siyang ID, Phone at Wallet na nakatago sa bulsa?" Ang sunod-sunod niyang  tanong sa mga tauhan.

Nag si ilingan ang tatlong lalaki bilang sagot sa tanong ng kanilang amo.

"Wala ho' talaga ma'am nung pinalitan siya ng mga babaeng assistant ni doc. kamiseta pantalon at panloob lang lang nakuha namin, Ngunit napag alaman namin na hindi lang siya ordinaryong babae."

"What do you mean that she's not ordinary woman?" Ang naguguluhan nitong tanong.

"Ang ibig po naming sabihin ay siya po ay nagtataglay na kondisyon na tinatawag na intersex o mas kilala sa tawag na  hermaphrodite na Ang Isang babae o lalaki ay parehong may male and female reproductive organ, Meron din na babae na may male genetalia at lalaki  na may female genetalia." Ang mahaba nitong sabi.

Kahit naguguluhan at madaming katanungan ay nanatiling nalang tikom ang kanyang bibig.

Muling bumalik ang alaala nya limang araw na ang nakalipas noong pumunta siya sa isang bayan sa kabisera para bumili ng mga materyales.

"Mitch, Do your best saved her keep her safe please."

"I'll try my best"

Kinabukasan ay muling  nagtungo sa clinic para tignan ang kalagayan ng kanilang bisita. Bandang alas singko na ng hapon ng pumunta siya rito. Kasama niya ang anak sa pagbisita doon. Nakapikit pa rin ang mga mata nito ng hitik na hitik sa mahahabang pilik-mata.

"How is she mitch?"

"All i can say for now is she's a miracle. Sa tingin ko ay nasa tubig na siya for more than five hours but i see no sign of death. In fact her blood oxygen level is already normal for more than an hour. She's got some mild head injury may balingasa left ribs nya." Ang nakangiti nitong sagot sa kanya halata rin sa mukha nito ang pagod dahil buong gabi nitong binantayan ang babae.

Heart Desire (Desire Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon