Chapter 30: Strategic Planning
Minyang's POV
Seoul, KoreaFlashback
"So you still have three months to stay here, am I right?" tanong sakin nung babaeng nag-aayos sa akin habang hawak ang tips ng buhok ko at inilagay yun sa may dibdib ko at inayos ang pagkakulot nun.
"yes, I'm here until February" polite na sagot ko naman. hindi ko pa rin talaga alam ang rason kung bakit nya ako inaayusan. Tatanungin ko pa lang sana sya
"why are you doing-"
"ah, that's probably why they made this arrangement" huh? She said as if I was not there and thinking of something else
"what do you mean?" I inquired.
"oh, nothing, don't mind me". She retorted and smirked.
"Why do I have to dress this way?" Tanong ko. Well I am well aware naman na it has something to do with my pretend relationship with Top. Pero I just really want to get into details.
"You'll know later" sagot lang nya sakin. "you're all made up now" nakangiting dagdag pa nya.
Oh well If I had not seen the process of making and dressing me up baka napasigaw ako kasi ibang tao ang nasa reflection ng mirror ko sa dorm at sa reflection ko dito sa salamin ng isa sa mga dressing room dito sa YG compound.
Aminado naman ako na chubby ako, hindi ako kaputian at hindi ako kakinisan kung ikukumpara mo ko sa mga koreanang nakakasalamuha ko dito. Pero grabe may something ata talaga sa hangin at make up nila dito at nagmukha akong well let's just say, above the ordinary?
I was wearing a black skater skirt na hindi naman sobrang ikli, siguro mga 1-inch above the knee and a pink cotton top. Nakakahiwaga nga kasi hindi ako mukhang mataba. Pinagsuot nila ako ng black converse highcut. Ang lakas maka rocker chick lang ng dating. Yung parang ang astig lang, pero cute at the same time.
"Is she all ready Sora?" Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses. Si Mr. Choi. Sya yung namemressure kay Top noon. At sya rin ang number 1 supporter or should i label him "pusher" ng seungmin love team. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa kanya o maiinis. Kung kakampi ba sya o kalaban. Ang weird nya. Sobra.
"Woooow!" Sabi pa nya with matching clap pa ng mga kamay nya. He tapped sora's shoulder na para bang sinasabihan sya ng job well done!
Kasama ni Mr Choi, sina Mr. Jo at Mr. Song, pati na rin ang manager nina na Top na si Mr. Yang Goon. Iginala ko pa ang tingin ko sa likod nila, hinahanap si Top. Hindi ko nga alam kung alam nya bang nandito ako. Hindi naman ako nabigo dalhin agad ko rin naman siyang nakita, kasunod nina GD at Taeyang na sumunod kay Mr. Yang Goon na pumasok sa loob ng dressing room. Hindi maipinta ang mukha ni Top, hindi ko alam kung bakit pero dama ko ang ka badtripan nya. Sa likod naman niya ay sina Daesung at Seungri. Full force ang drama.
Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Top nang mahagip ako ng tingin nya. tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Siguro ay naninibago sa itsura ko. Well I can’t blame him, kahit ako naninibago. Hindi ko maintindihan yung change ng expression ni Top. From grumpy, to shocked and now to flushed? Binigyan ko lamang sya ng simpleng ngiti at agad na rin nag-iwas ng tingin. Nakakailang kasi ang mga ngisi nina DG at Taeyang na para bang nang-aasar. Nakapoker face naman sina Daesung at Seungri.
BINABASA MO ANG
Exchange Student
FanfictionWhat if nagising ka na lang isang araw na na-accept ka pala as an exchange student sa isang school sa Korea, and that just made you closer to the man of your dreams.. This story is about dreams, purpose, passion and of course love =) This is just a...