Rachel's POV
Cris likes me before. Bakit ganun? I'm feeling sad. Hindi ko gusto na bigla nalang siya nagagalit sa akin. Baka gusto ko narin siya? Kasi tulad niya I'm jealous sometimes when Tara is around.
It started nung sa camping. This awful feeling na nararamdaman ko tuwing gumagawa siya ng kabaitan sa akin yung parang may something sa tiyan ko. Akala ko nga gutom ako o kaya may party lang yung mga bulate ko sa tiyan.
Yung mga nangyari kahapon talaga ang pinakanakakalokang nangyari. Hindi ko alam kung argue ba yon o confession.
Pero nagtataka lang ako ngayon kasi kasalukuyan kaming may klase pero hindi man lang mahagilap ng mga mata ko yung mukha ni Cris. Na- miss niya na nga yung first class tapos yung second class pa?!
"Rachel? May problema ka ba?" bulong ni Jeremiah sa akin. Mukha na ba akong problemado?
"Ah...wala...ok lang ako..." sagot ko sa kanya.
"sabay tayo mag recess ah" sabi niya ulit sa 'kin. Tumango nalang ako. May magagawa ba ako? Boyfriend ko na siya ngayon kaya magiging isang mabait na girlfriend nalang ako. Wala na rin akong magagawa para matigil na 'to. Hanggang ngayon, kaibigan parin ang turing ko sa kanya pero naniniwala ako na matututunan ko ring mahalin ang tulad niya.
Hindi talaga ako maka concentrate sa klase. Meron akong nararamdamang kakaiba at hindi maganda.
"ok class dismiss..." sabi ng teacher at nagsitayuan na yung mga kaklase ko para magrecess.
"tara na?!" tanong ni Jeremiah at tumango ako saka tumayo na rin. Paglingon ko, nagtama yung tingin namin ni Shane at hanggang ngayon galit parin siya. Kung hahayaan niya lang akong kausapin siya at i-explain lahat ng 'to, kaso hindi. Why did everything gone wrong?? Mabait naman ako. Haist!! Di ko talaga ma-gets yung takbo ng world!
Dinaanan nalang namin siya kasi kung may gawin pa ako baka magkagulo pa.
"Kanina ka pa mukhang worried?? What's bothering you?" tanong ni Jeremiah sa akin. Oo nga ba, What's bothering me?!
"Ewan ko nga rin eh! I can feel that there's something bad happening...pasensya na kung nag-aalala ka...." sabi ko at tumingin nalang ako sa nilalakaran ko.
"Uy! Mamayang lunch. Dun tayo sa restaurant." Makakalimutan ko ba talaga? Pag recess, sa canteen kami tapos pag lunch, dun kami sa restaurant.
"Napapansin ko, parang gusto mong tumaba ako!!" sabi ko sa kanya sabay pinalo ko siya sa braso niya.
Napahawak siya sa braso niya dahil siguro sa lakas ng hampas ko. " Hindi ko naman gustong tumaba ka, ang gusto ko magkalaman ka naman at malay mo tumangkad ka pa. May tiwala pa naman kasi ako...." aba't nanlait pa!!
Hinampas ko siya ulit. "Akala mo naman may laman ka!! Ang payat mo rin kaya.!!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Tumawa nalang din ako.
"Rachel!!" Nahinto kami sa pagtatawanan nang tawagin ni Tim ang pangalan ko. Tumatakbo siya papalapit sa amin at hingal na hingal siya. Nang maabutan niya na kami ay ipinatong niya muna yung mga kamay niya sa tuhod niya at huminga siya hanggang sa mawala ang pagkahingal niya.
"What is it Tim?! Kung kalokohan na naman 'to ni Cris, please! It's not funny." seryoso kong sabi sa kanya. Gusto ko nang kalimutan si Cris eh. Yung kanina Na hinahanap ko siya, wala lang. Kasi kanina hindi ko pa naiisipang iwasan siya. Ngayon ko palang sisimulan kahit hindi pa tapos yung pagiging Bodyguard niya sa akin.
"Sabihin mo kay Cris na wag niya nang guguluhin ang girlfriend ko. Nanahimik na kaming dalawa kaya pwede, wag niya na kaming pakealaman!" sabi ni Jeremiah na para bang nagbibigay ng warning. Hinawakan ko nalang yung braso niya at tiningnan ko siya ng 'wag- na' look.
"Please let me speak. Si Cris! Nandun siya sa Guidance office. Kausap niya ngayon si Ma'am Salagubang. Kasi may ginawa na namang kabalbalan."
"Ano??!!!--uh..I mean...Ano rin??! Hindi na ako magtataka kung pinatawag siya sa Guidance office." sabi ko.
Rachel you don't care. Wala kang pake sa kanya. Wag mo na siyang isipin at mag recess na kayo ni Jeremiah.
"Kung pumunta ka dito para ibalita sa akin yung kashungahan ni Cris, umalis ka na Tim dahil hinding hindi ako interesado." dagdag ko pa pero hindi man lang siya umalis.
"Wala naman akong sinasabi na tungkol lang naman 'to kay Cris. Hindi niyo pa kasi ako pinapasalita.-- pinapatawag ka kasi sa Guidance Office." huh?! Bakit naman?! Siguro dinamay na naman ako ng lalakeng yun sa kalokohan niya.
"ayoko nga--"
"Wag ka nang maarte! Gusto mo bang makakita nga lumilipad na upuan?! Kasi ako, ayoko! Alam mo naman si Ma'am Salagubang kung magalit diba?! You don't like her when she's angry!" sabi ni Tim sa akin. Napatingin ako kay Jeremiah at sinasabi ko through my eyes kung pwede ba akong pumunta. He sighed and next, he nodded.
We're already outside the Guidance Office. Huminga muna ako ng malalim saka pumasok na ng Office. And there I saw him. Pero napansin ko na may mga sugat siya sa kamay niya.
Hindi man lang niya ako tiningnan. Kahit nga yung mukha niya may maliliit na sugat pa at fresh na fresh pa. Dahan dahan akong umupo sa upuan katapat niya at katabi ni Ma'am.
"Ma'am ano pong nangyari?" mahina kong sabi sa kay Ma'am.
"Mr. Lee just broke all the glass window panes in the old music room." old music room?? Eh abandonado na yung building kung saan yung old music room. Ano naman ang ginawa niya dun?!
"ahhh....eh Ma'am....bakit po ninyo ako pinatawag? Hindi naman po ako nagpangbasag ng mga bintana dun sa old music room eh."sabi ko.
"Pinatawag kita kasi may ipapagawa ako sayo at dahil nagawa mo na ito this past 5 months ay alam kong you can do it again." anong nagawa ko?!
"Eh Ma'am. Hindi ko po kasi maintindihan." sabi ko
"Hindi niyo man napapansin pero I'm observing Mr. Lee all the time. He changed way way better from the Mr. Lee that I've known. And that change happened when you came in this school. He passed all the subjects for this grading. Kumonti yung record niya dito sa Guidance. And I think it is because of you." naiisip ko na yang gustong mangyari ni Ma'am. And my answer is a big NO!
"So what are you saying Ma'am? If it is what I'm thinking, my answer is No!" fighting for my Rights. Don't push me to my limits.
"No? --Okay if you really cannot accept the task, then tell me the reason. If your reason is acceptable and valid, I will never bother you about this again." sabi ni Ma'am. Anong rason ba?! Isip Rachel!!
Alangan naman kasing sabihin ko na 'kasi po nag-away kami at dahil po sa nagconfess siya sa akin na gusto niya ako. At may awkardness between us?' hindi naman at convincing yung rason na yun.
"Ahhh...uhmmmm..." sabi ko at medyo napasulyap ako kay Cris. Tinitingnan niya pala ako kanina pa.
"I think there is no reason para tumanggi ka. Time is up Ms. Molina. I already made my decision and there's no turning back." napailing-iling ako at nagpaawa effect kay Ma'am. This is not happening.
"This is a task Ms. Molina. I want you to bring back the better Mr. Lee. I'll give you 1 month to do it. I want to see the change before christmas vacation." sabi ni Ma'am. Naku! Nalintikan na!!
Hindi naman kasi nakisama ang utak ko at hindi pa nakapag-isip ng maganda at katanggap-tanggap na rason. Bwisit!!
From maputlang four eyes to Maputlang Mrs. Salagubang. Seriously?! Kung kailan ko iniiwasan saka naman lalapit.
----------------
Congrats dahil napagtiyagaan mo hanggang sa chapter na'to.
Don't forget to vote and comment at the same time.
Kamsa~
BINABASA MO ANG
My Bully is My Personal Bodyguard
Teen FictionThis is my first story in Wattpad so correct me in my errors in grammar. Not an expert. But trying my best to entertain readers like me. Kamsa~