MAY 02
TROPANIM
Mon 09:22
Zenaida
@Divina Lexi behh naiwan ko ba phone ko dyan? Pakitingnan sa may kama
Sa ilalim ng unan. Nasa office na kasi ako kay di ko pwede balikan
Tenkyuu
Divina Lexi
Tingnan ko mamaya. Nasa practice room ako
Zenaida
Sige sige abangan ko na lang. Practice well trabaho muna ako
09:31
Divina Lexi
Andito
Zenaida
Ayownnn.
Pakitago na lang muna
Wag mo bubuksan yan ah. Ala yang password. Makakalimutin ako eh
Divina Lexi
Sige
Allan
Oy ano yang tinatago mo. Ikaw ahh
HAHAHAHA
Iris
Ehem. Baka ano yan ehemmm hahahahaaha
Zenaida
Mga buang. Krass ko yung anjan. Charr hahaha
Iris
Wehh maniwalaaa
Zenaida
Bakit? Nakita mo na ba yung phone ko?
Iris
Di pa. Hahahaha
Yaw ko tingnan baka may kababalaghan jan hahahaha
Zenaida
Loko ipakita ko pa sayo ehh hmff
Iris
Ngiii bat kay vina ayaw mong ipakita?
Zenaida
Ayusin ko muna kase phone ko bago ipakita senyo kung gusto niyo. Ang gulo non eh hahhaha
Allan
Hmm parang alam ko na ang laman nyan 😜
Zenaida
Gagi wag mo ako igaya sayo hayupp HAHAHA
Allan
Lah wala pa nga akong sinasabing laman ng phone ko. Ikaw ah napapaghalataan
Zenaida
LMAO HAHAHA
13:19
Cesar
Ay nakalimutan kong sabihin. May nakita ba kayong flashdrive sa room @Iris @Dante? Yung kulay itim na may lace. Nakalimutan daw ni katherine dalhin kahapon pag alis niya
Divina Lexi
Ah e di siya pala talaga ang nakita ko
Cesar
Oh? San mo siya nakita? Umalis yata siya agad. Di manlang nagpaalam
Divina Lexi
Sa bungad na room sa ground floor. Yung malapit sa hagdan
Paalis na siya nung nakita ko
Kasama mo pala siya kahapon. Bakit?
Cesar
Wala lang. Nagpapatulong lang sakin kaya bumisita rito
Divina Lexi
Sayo lang?
Allan
Selos yan lider @Divina Lexi? Hahhahaa
JOKE wag niyo seryosohin
Iris
Oh?? Pumunta pala rito si kath. Bat di manlang dumaan samin? O kina vina since medyo gabi na ako dumating. Di manlang naghintay
Cesar
Ewan ko rin. Basta may hiniram lang siya sakin
Yung flashdrive. Nakita niyo ba?
Allan
Yuppp
Pero alam mo ba laman non?
Cesar
Bat mo natanong?
Allan
Wala lang. Curious ako eh. Baka may magamit akong useful hahahaha
Cesar
Ahh di ko nakita. Basta pabalik sakin pag uwi ko. Ako na magbibigay sa kaniya
Allan
Ge pre. Tingnan ko muna ito saglir hahaha
Cesar
Loko wag mo yan tingnan. Baka mamaya confidential pala yan
Allan
Joke lang ito naman
Iris
Cesarrr nga pala nasabihan mo na ba siya na di muna siya babalik sa grupo?
Si dante na kasi yung bumalik di ba
Cesar
Oo nasabihan ko na
Iris
Anong sabi niya?
Cesar
Ayos lang daw. Busy naman daw siya sa trabaho
Iris
Ahh
Cesar
Pero nagpapractice siya sa bahay. May hinihintay lang siyang resulta
Zenaida
Anong resulta? Pregnancy test? Ikaw ang ama?
Djk hahahahha
Cesar
Di ah. May sinalihan kasi siyang contest sa bayan
Iris
Wow updated ka samantalang kami hindiii
Cesar
Oo. Lagi kasi siyang nagpapasama sakin pag nagau audition.
Mula pa last year
Iris
Ahh
E di wow hahaha goodluck sa audition niya sana makapasa