Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.
3:14 PM
Nagulat ako nang i-abot niya sa akin ang bulaklak at ngumiti lamang siya ng malapad sa akin.
"Paano ka nakabili ng bulaklak? Lagi mo naman akong kasama kanina ah." naguguluhang sabi ko sakaniya.
"Noong nakatulog ka." maikli nitong sagot sa akin.
"Maraming salamat sa bulaklak!" nakangiting pasasalamat ko sakaniya.
"Sabi nila, nagiging daan daw ang pagbibigay ng bulaklak sa isang pasyente upang maka-konekta sila sa kalikasan. Nakakatulong ito upang maging mas mabuti ang pakiramdam nito. Ang mga bulaklak ay maaring magsilbing distraksyon mula sa sakit." nakangiting kwento niya sa akin.
"Ahh, ganoon ba? Ang ganda talaga ng mga bulaklak pagkatapos ay meaningful pa." nakangiting sabi ko sakaniya.
"Kasing ganda mo." nakangiting puri nito sa akin.
Hindi talaga siya paawat sa mga hirit niya! Grabe ha!
"Pero mas naging meaningful ang araw na ito dahil sayo." nakangiting sabi ko sakaniya.
"Naks! Saan nga pala kita ihahatid?" nakangiting tanong niya sa akin.
Sinabi ko sakaniya ang address ko at naglakad kami malapit sa sakayan ng jeep.
"Walang jeep pa ang nabalik, paano kaya yan?" nagaalalang tanong ko sakaniya.
"Edi pumara tayo at sumabit sa jeep, why not?" natatawang sagot niya sa akin.
"Sure ka ba? Kaya mo sumampa ng jeep?" paninigurado ko sakaniya.
"Oo naman, ilang taon na din naman akong nagco-commute. Madalas kapag rush hours, ang daming nasakay. Siksikan talaga. May mga oras pang makikipaggitgitan ka sa mga pasahero. Sanay ako diyan, wag kang magalala." nakangiting sabi niya sa akin.
"Ilagay mo yung backpack mo sa harapan mo, mahirap na. Mamaya may kasabay pala tayong magnanakaw. Mabuti na yung nagiingat tayo kahit saan man tayo mapunta." malumanay na utos ko sakaniya.
Sinunod naman niya kaagad ang utos ko. Nilagay niya ang backpack niya sa harapan at inayos ang kaniyang posisyon.
"Ayan ayos na master! Solve ka na ba?" nakangiting sabi niya sa akin.
"Master ka diyan! Tumingin ka sa daan, mamaya maiwan tayo ng jeep na paparahin natin." tumingin lang ako sa daan upang magabang-abang ng jeep.
Ilang minuto pa kaming nag-antay at pinara na ang jeep na dumaan sa kalsada.
Sumampa agad kami ni Czheandrei para makasakay ng jeep.
"Ano, ayos ka lang ba diyan sa posisyon mo?" kalmadong tanong niya sa akin.
"Hirap, medyo masikip. Titiisin ko na lang, gusto ko nang makauwi." nahihirapang sagot ko sakaniya.
"Si tiis naman. Palit na lang tayo ng pwesto, mas komportable dito." kalmadong sabi niya sa akin.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagaalala sa akin pero hindi ako pumayag.
Matitiis ko pa naman ito hanggang mamaya.
Normal lang na siksikan talaga sa jeep kapag maraming pasahero.
"Huwag ka ng makulit, ayos lang sa akin." nakangiting sagot ko sakaniya.
"Makulit ako, halika dito ka na." nakangiting alok nito sa akin.
Sa bandang huli ay wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang alok niya.
Hindi niya ako tinigilan! Sobrang kulit!
"Ang kulit mo talaga! Ikaw tuloy ang nahihirapan at nasisikipan ngayon. Sinabi ko na kasing ako na lang diyan, matitiis ko pa naman yan hanggang mamaya." buntong-hiningang sabi ko sakaniya.
"Pero hindi ko kayang makita kang nahihirapan." seryosong sagot nito sa akin.
Biglang prumeno ang jeep at biglang napahawak ako sa braso niya.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti sa isa't-isa.
Iaabot na niya sana ang bayad naming dalawa pero binawi ko ang kamay niya.
Ako naman ngayon. Ako naman muna.
"Ako na ang magbabayad, lagi na lang ikaw ang gumagastos sating dalawa." iniabot ko sa katabi namin para maiabot ang bayad namin sa jeep.
"Wala namang kaso sa akin yun, gusto lang kitang matulungan sa paraan na kaya ko." nakangiting sabi niya sa akin.
"Hindi, nakakahiya. Mamaya ise-send ko sa bank account mo ang pinambayad mo sa hospital bill ko mamaya. Sayang iyon, alam kong may mahalaga ka ding pinagkakagastusan ng pera mo." nakangiting sagot ko sakaniya.
"Ikaw bahala, mapilit ka eh." natatawang sabi niya sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami ni Czheandrei sa bahay namin.
Nandito kami sa tapat ng gate namin at naguusap bago ako pumasok sa loob.
"Gusto mo bang pumasok muna sa loob? Ipagtitimpla kita ng kape." malumanay kong aya sakaniya.
"Hindi na, gusto ko lang talaga na safe kang makakauwi sa bahay niyo." nakangiting sabi niya sa akin.
Niyakap namin ang isa't-isa nang biglang suntukin ng malakas ng isang lalaki.
Si Trevyn.
"Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo sinasagot ang mga texts at tawag ko sayo!" naguusok sa galit na sabi ni Trevyn sa akin.
"Paulit-ulit ko bang sasabihin sayo ang dahilan? Naospital ako Trev! Siya ang tumulong sa akin noong nag pass-out ako! Ano pa bang gusto mong marinig?" napipikon na sagot ko kay Trevyn.
"Sinungaling! Bakit may bulaklak kang dala? Sabihin mo sa akin, nagde-date na ba kayo ng lalaking yan?" hinawakan niya sa ako sa kamay na napaka-higpit.
"Ano ba Trev! Masakit!" reklamo ko sakaniya.
"Magsabi ka ng totoo sakin!" nagngingit-ngit sa galit niyang sabi sa akin.
"Ano ba pre, lumayo ka sakaniya! Tatadyakan kita kapag hindi ka tumigil." nakikita ko ang galit sa mga mata ni Czheandrei at hindi ko mabasa kung ano ang mga kaya niyang gawin sa mga oras na ito.
Bigla niya akong hinawakan sa leeg at kumuha ng kutsilyo na isang maling galaw lamang ng pagkakahawak ay kikilitin nito ang buhay ko.
"Sige, lumapit ka! Kung hindi, gigilitan ko siya sa leeg! Ayaw mo naman sigurong mapugutan siya ng ulo diba?" may pagbabanta na ang boses niya na talaga namang nakapagpanginig sa buong sistema ko.
"Ano bang problema mo? May kailangan ka ba samin? Sabihin mo lang. Ibaba mo ang kutsilyo." malumanay na pakiusap niya kay Trevyn.
Nakita ko ang takot at pagaalala ni Czheandrei sa kaniyang mukha.
"Ang isang buhay ay isang kamatayan." makahulugan niyang sabi sa amin.
Nanghihina na ang katawan ko sa bilis ng tibok ng puso ko at nanlalamig ang katawan ko sa kaba.
"A-ano?" naguguluhang tanong ni Czheandrei kay Trevyn.
Bigla akong nabitawan ni Trevyn at kaagad naman akong sinalo ni Czheandrei.