Definition 1

61 5 1
                                    

——————————

"Chandra!"


"Chandra gising na!"


Sino ba to? Istorbo naman nito!


"Namang bata ka! Malelate ka na sa klase mo!"sigaw ni mama.


"Ho? Teka! Maliligo na ako!"


Tumakbo ako papunta ng CR. Pano ba naman e nagset ako ng alarm sa cellphone ko tapos hindi naman gagana. Kainis!


Dali-dali akong nagbihis at kinuha ko na ang bag ko.


"Ma una na ako!"hinalikan ko si mama sa pisngi tapos tumakbo papunta sa pinto.


"Hoy! Teka hindi ka ba kakain?"


Kain? Eh 30 minutes nalang at malelate na ako. May oras pa ba akong kumain sa sitwasyon na ito?


"Diet ako ma!"


Tumakbo na ako papuntang sakayan ng jeep. Mabuti at malapit lang ang paaralan ko. Siguro mga 15 minutes na ride lang. Kaya pa to!


"Bayad po!" 


Bumaba na ako ng jeep. Wala na akong paki kung ang hagard na ng mukha ko! Basta ang mahalaga hindi ako malelate sa first subject namin!


*takbo* *takbo* *takbo*


Yes! I have arrived! Dali-dali akong umupo sa upuan ko. Hingal na hingal na ako. 


"Anyare sa buhok mo teh?"tanong ng bestfriend ko si Sam. Oy! Lalaki yan pero ang puso ay babae. Sam sa umaga at Sammy sa gabi. Hoy! Mamaya ko na sila ipapakilala ha?


"Di mo ba nakita na malapit na akong malate?"tanong ko pabalik.


"Nakita ko nga. Oh ito magsuklay ka din pag may time." 


Binigyan ako ni Sam ng hair brush. Sinuklay ko naman ang buhok ko. I arrived 5 minutes before our first subject. Para akong nagfun run kanina! Nakakapagod!


"Good morning class."


"Good morning Sir Jones!"

Binati namin si sir. Ang first subject namin ngayon ay Biology tapos magrereporting pa kami. Buhay nga naman. Sana hindi ako ang mapili ni Sir...


"Please pass your names. Write it on a 1/4 sheet of paper."sabi ni Sir Jones. Shit ito na! Lord please help me!


"Okay, lahat ba ng papers ay nandito na?"


"Opo sir!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Define KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon