"Sir, here's your cabin key. Enjoy your stay here."
Nakangiting binigay ng lalaki ang susi ng magiging cabin nina Regulus at Vien. Hanggang ngayon ay gulat pa rin si Vien matapos sabihin ni Regulus na isang cabin lang ang kukunin nila at share na sila roon.
"Thank you," sagot naman ni Regulus. Ngumiti nang bahagya ang staff bago ito umalis.
Nilingon ni Regulus si Vien. "Shall we?" nakangiting wika nito. Tahimik na tumango si Vien. Hindi pa rin nag-sisink in sa isip niya ang nangyayari kanina lang. Matapos nilang kumain ng pananghalian sa isang seafood restaurant ay kumuha na sila ng cabin na matutuluyan nila para sa dalawang linggong bakasyon nila rito sa isla.
"Wow!" namangha si Vien nang makapasok sila sa loob ng cabin. Ang akala niya maliit lang ito sa labas pero nang makapasok na sila, ang luwag pala nito.
Gawa ang bubong nito sa pawid pero bato naman ang haligi. May terrace pa sa second floor kung nasaan sila. Nakaharap ito sa dagat kaya kitang-kita ang paglubog ng araw lalo na at pa-hapon na rin. Napatigil si Vien sa paglalakad at pinagmasdan muna ang loob ng cabin nila.
The view is very relaxing.
She felt relax while looking at the sea. Ramdam pa niya ang medyo malamig na hangin na dumadampi sa balat niya.
Maya-maya ay tumingin siya kay Regulus. "Sigurado ka ba talagang sa iisang cabin lang tayo matutulog?" paninigurado niya sa asawa. Inaayos nito ang mga gamit nila.
"Oo. We are friends, there's nothing wrong with it. Isa pa, malaki itong cabin na kinuha ko para sa atin," sagot nito. Medyo nasaktan siya sa sinabi ng asawa pero ngumiti pa rin siiya. Parang kanina lang, sinabi nitong mag-asawa sila tapos ngayon magkaibigan nalang?
"S-Sige. Magpahinga na muna tayo." wika ni Vien bago pumunta sa pinto ng kuwarto. Binuksan niya ito at nakita niya ang dalawang kama na nasa magkabilang gilid. Napahinga ng maluwag si Vien at pumunta na sa isa sa mga kama.
"Are you okay?" tanong ni Regulus matapos na sundan siya. May pag-aalala sa boses ng lalaki. Umupo rin ito sa kabila pang kama.
Umangat ng tingin si Vien matapos niyang matanggal ang sapatos na suot. "Yes." she lied. Binalik niya ang pansin sa sapatos niya.
Malamang hindi. Nasaktan lang naman ako sa sinabi mo.
Napabuntong hininga si Vien bago umangat ng tingin. She wants to rest pero nawawala iyon dahil sa distraction ng magandang paligid niya. Tumingin siya sa cellphone niya. Bigla niyang naalala si Kat. Wala itong ka-alam alam na magkasama sila ni Regulus sa bakasyong ito, maging si Lantsov ay hindi rin alam. Tanging mga magulang lang nila ang may alam.
Kinuha niya ang phone. Akmang tatawagan niya na si Kat nang magsalita si Regulus. "Rest first, Vien. Don't worry, I already called your mom and dad na na narito na tayo." seryosong sambit nito bago inilabas ang mga gamit sa bagahe nito.
Saglit niyang sinulyapan ang asawa bago binaba ang phone niya. "Okay, thanks. Pero hindi naman sina Mommy ang tatawagan—"
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES 2: Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...