Nandito kami ngayon sa garden ng school, matapos nung nangyari sa cr dinala ako ni Lennox dito, sinermonan niya ata ang mga iyon.....ikaw ba naman ang sermonan ng isang sakristan. Maganda nadin at nangyari iyon, nakasama ko siya ngayon, para na talaga akong baliw, kanina lang halos atakihin na ako at mamatay ngayon pinapasalamat ko pa iyon, hayyyst.
"Wala ka bang klase?" tanong ko sa kaniya, maayos na din ang pakiramdam ko dahil nakahinga na ako ng maayos. Nakaupo siya malayo sa akin at malayo rin ang tingin. "Uyyyy, ayos ka lang ba?" bumaba ang tingin niya sa lupa saka bumuntong hininga. May problema ba siya!?
"Salamat pala at dumating ka kanina, ang bilis mo kasi maglakad ihh" kami nalang ata ang natitirang estudyante sa labas dahil kanina pa nagsimula ang klase.
"Stop following me!" napalingon ako sa kaniya at diretso lang ang tingin niya sa harap.
"Bakit naman?"
"Huwag mo na akong kilalanin, dahil maski ako hindi ko kilala ang sarili ko" naguluhan ako sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin?
"Hindi kita maintindihan" tumayo siya bigla kaya napatayo na din ako, hindi ko mabasa ang nasa isip niya o kung ano ang susunod niyang gagawin, ang hirap niyang basahin.
Masyado siyang misteryoso kaya lalo akong nachachallenge sa kaniya"Ayoko nang may bumubuntot sa akin, ayoko nang may nagmamasid sa akin, ayoko rin nang may umaalam sa pagkatao ko" seryoso lang ang mukha niya habang sinasabi niya iyon sa mukha ko, hindi ko siya maintindihan, at ayaw ko siyang intindihin.
"Hindi ako mangangako....kung hindi mo kilala ang sarili mo..." tumitig ako sa mga mata niya.....mga matang naghahanap ng mga kasagutan at mga matang naguguluhan...."Tutulungan kitang kilalanin ang sarili mo" tumitig siya sa akin ng matagal, ngayon ko lang natitigan ng maayos ang mukha niya sa malapitan, mas gumwapo siya sa paningin ko. Ngumiti ako saka nag inat ng kamay. "Tara na, pumasok na tayo sa next subject natin" nauna akong maglakad sa kaniya, nang maramdaman kong hindi siya sumunod agad akong lumingon sa kaniya
"Ano pang hinihintay mo? Kung di lang kita type, hayyyst" kinaladkad ko siya at sabay na kaming maglakad....ang saya saya ng kalooban ko ngayon, hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapangiti.
"Are you blushing?" iwinaksi ko ang ngiti sa mukha ko saka humarap sa kaniya, ngayon ko lang nakita ang amusement sa mukha niya
"Bat naman ako magbablush?"
"Ang higpit pa nga ng kapit mo sa kamay ko ihhh" agad kong binitawan ang kamay niya na siyang ikinatawa niya.....shet.....is dis ril???
Tumawa siya???
For the first time in history??
He laugh??
"Namumula ka nanaman" tinakpan ko na ang mukha ko saka dali daling tumakbo, shet nakakahiya....ano na kayang hitsura ko ngayon....baka ang pangit pangit ko na.....letse.
Pero hindi nun mabubura ang saya sa puso ko.
************
Maaga kaming umuwi ngayon ni Nana dahil naka leave ang teacher namin sa kadahilanang nabuntis, absent din daw ang teacher nina Nana kaya nakisabay siya sa akin. Naglalakad kami ngayon at nag-aabang ng sasakyan. Hindi ko kasabay sina Jela at Macoy dahil kapwa sila busy.
"Ate, may isheshare ako sayo" huminto kami sa isang shed at doon muna tumambay, hindi ko pa kasi nakikita si Mang Pablo
"Ano nanamang walang kwentang bagay iyan?" Lahat naman ata ng ikinekwento niya sa akin ay walang kwenta, siya lang ang nakakaintindi palagi.
YOU ARE READING
𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!
Random"Enjoy your next story, without me in it" Nagsimula ang lahat sa simbahan Nagkakilala ng hindi inaasahan Di lubos maisip na mahuhulog nang tuluyan Sa isang alagad ng Diyos na kung tawagin ay Sakristan...