"Ang bilis natapos nung shooting nila, palibhasa magagaling na artista."
Kasama ko dito sa isang pa xerox-an ang kaklase kong nag rereklamo tungkol sa mabilis na pag sho-shooting ng mga artista. Pina-xexerox lang naman namin ang mga research o thesis paper namin na paniguradong ibabalik lang din sa amin pagkatapos ng defense. Last semester na din kasi namin tapos finals na kaya ito ang last requirements namin para maka jump kami sa 3rd year at pasalamat ako dahil hindi ako bumagsak sa mga sit in class ko.
"Tara na, Rodriguez. Tapos na itong sa atin." kinuha ko na lahat ng pinaxerox namin at pinasunod sa akin ang kaklase ko. Masyado niya kasing dinadamdam yung maagang pag alis ng mga artista sa amin.
"Ikaw ba, Madrigal. Na gwapu-han ka din kay Dane Marquez hindi ba? "nang iintriga niyang tanong sa akin.
"Ha? Ano, for me okay lang siya." simple kong sagot na medyo naguluhan siya
"Okay ka lang ba? Anong okay lang? "
"Okay lang ang itsura niya." kampante kong sagot sa kaniya.
"Ewan ko sayo." nag una siyang mag lakad sa akin papunta sa classroom namin
Ilang linggo ang lumipas natapos rin ang defense namin at syempre as we expected isasauli din sa amin ang mga thesis paper na pina xerox namin. Eto namang si mama palagi nalang akong binibilinan na akala mo naman ay kukunin na ni San Pedro. Umay na umay na ako sa kakasermon niya sa mga dapat at hindi ko dapat gawin kapag daw wala siya or nawala na siya. Saan naman punta nito?
"Nak, Paano kung magpakita sa atin ang papa mo? "
"Papa, Meron pala ako non? "sarkastiko kong tanong
"Anak naman"
"Wala akong gagawin. Bakit Ma, noon ba na iniwan ka niya anong ginawa mo? " tanong ko sa kaniya
"Nasaktan ako, pero wala akong ginawa kasi kabit ako."
"Oh see, Kaya pagbumalik siya dapat wala tayong gagawin gaya ng dati. "
"Pero, Paano kung gusto niya sumama ka sa kaniya?"
"Ma, naman itigil na natin itong usapan na ito." medyo inis kong sagot sa kaniya at pumasok sa kwarto ko. Ang init init na nga ng panahon dagdag pa itong Q and A ni mama.
Hindi sa pinag ooverthink ko ang sarili ko. What if dumating nga si papa and gusto niya akong kunin sa kay mama? Kanino ako sasama? May matindi bang rason si papa kung bakit nangyari lahat ito? Kahit kunting sagot lang kailangan ko.
Kinuha ko sa study desk ko yung phone ko dahil may nag text and it's my jhs friend. Saan niya naman nakuha ang number ko?
Fr. +63998*******
'Beh, baka want mo ng part time job. don't worry hindi ito makaka apekto sa studies mo!'To. +63998********
Anong klaseng work naman yan?
Fr. +63998********
Part Time Model. Beh, don't wprry talaga prioritize nila ang time and schedules mo!! madadagdagan pa ang income niyong mag ina! hindi ito scam.
Hindi ko na siya ni-reply-an kasi medyo nakumbinsi niya ako since he's my junior highschool friend kaya tiwala din ako nakipagkita ako sa kaniya dahil gusto kong malaman ang mga requirements para makapag apply. Kasi he's right din kasi pandagdag naman talaga ito sa aming budget ni mama at para hindi na din siya magastuhan.
BINABASA MO ANG
Nothing Less
General Fictionmahal ko siya. is it enough reason, para tanggapin kami ng lahat? -on going-