CHAPTER 2 (EDITED)

385 33 34
                                    

Unang Araw ng Panliligaw: Bulaklak at Telepono

IMELDA'S POV:

Maaga akong nagising, alas kuwatro pa lang dahil nakasanayan ko na nang dahil sa trabaho ko. Nakasanayan ko na din kasi ang magro-rosary pagkagising ko pa lang.

Pagkatapos kong nagrorosaryo at nag-aayos sa bed ko ay nagtungo ako sa kusina kung saan nagluluto ng para umagahan namin si Manang Nena, isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Siya ang tiga-luto.

"Oh, ma'am Meldy? gutom na ka na ba? teka lang, tatapusin ko muna ito." sabi niya habang nagluluto ng sunny side up eggs.

"Ah hindi pa po. Nandito ako dahil gusto ko po kayong tulungan, tapos naman na ako sa pagrorosaryo, tulungan na ho kita." nakangiting sabi ko.

Hahawakan ko na sana ang kawali para tutulong sa pagluluto nang nagsalita siya. "Ay nako, ikawng bata ka talaga, huwag na. Salamat sa kagustuhan mong tumulong pero ako na dito at bumalik ka na sa kwarto mo para maligo at magbihis, hindi ba't may trabaho ka at kailangan mong maaga na pumasok?" sabi ni Manang Nena.

Ito talagang si Manang Nena... every time i tried to help doing the house chores ay palagi niya lang akong hindi pinapayagan. Andami pang reasons na ibibigay, kadalasang irarason niya ay baka daw mapano pa ang makinis ko na kutis.

Kaya kwarto ko nalang ang palagi kong nililinis. Kahit sobrang linis na ng kwarto ko ay naglilinis pa din ako dahil sa boredom.

"Pero Manang, maaga pa naman kaya okay lang. Tulungan ko na ho kayo---"

"Hep hep hep hep... bitawan mo 'yan. Ikawng mabait pero makulit na bata ka talaga... sige na, maligo ka na doon. Baka madumihan mo pa iyang puti na bestidang pangtulog mo. Gusto mo bang mahihirapan si Inda na maglaba diyan?" sabi nito kaya bumontong hinga na lamang ako.

I give up, napakaprotective ng mga tao sa bahay na ito sa akin. But nakakatuwa nga at the same time, dahil kahit wala man akong nobyo, ay maraming nagfefeeling nobyo sa akin, the way they care and protect me kasi eh.

At tsaka ano ba naman ang magagawa ko, eh ayaw ko naman na mahihirapan ang labandera namin na si Manang Inda.

"Sige po, bababa nalang po ako kapag tapos na ako. Salamat Manang." nakangiting sabi ko bago umalis at bumalik sa kwarto ko.

I took a bath, nagbihis sa uniporme ko, at nag-ayos. I was about to wear my heels nang napatigil ako, sandali kong tinignan ang sapatos ko na katabi sa heels ko, 'yung isinuot ko kahapon, at ngumiti na parang baliw.

Natatawa ako... naalala ko ang congressman na hindi kataasan ang height. Tumingkayad pa talaga siya kahapon ha...

"Ang cu--" napatigil ako sa kakangiti at tinakpan ang bibig ko after akong nabalik sa katinuan.

Anong cute Imelda? walang cute. Walang cute, okay?

"Baliw ka na talaga self." sabi ko habang sinampal-sampal ang magkabilang pisngi ko para magising ako.

Nananaginip pa ata ako eh. Gising Imelda, gising!

Napailing na lamang ako, isinuot ang flat shoes that i wore yesterday instead of the one that has heels bago kinuha ang bag ko at lumabas sa kwarto para bumaba na at mag-umagahan.

"Good morning, Paz and Daniel." bati ko sa kanila.

Maaga ata sila ngayon. Kadalasan kasi ay mas maaga pa ako sa kanila kaya kadalasan ay ako lang ang mag-isa na magb-breakfast dito.

Courting & Loving You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon