Chapter One

161 23 5
                                    

Chapter One

Mabilis akong nagbihis sa komportable na kasuotan at nag-ayos ng mukha bago lumabas para hintayin ang sasakyang maghahatid sa akin papuntang Ospital. Wala na akong ibang iniisip n'on kundi ang sitwasyon ni Bryan.

Nang mabasa ko ang texts sa akin ni Bill, para akong binuhusan ng malamig na Tubig. Tunay ngang hindi natin aakalain ang takb o ng oras. Lumipas lang ng ilang Oras, nakatanggap ako ng balita na naaksidente si Bryan. Para bang nag fast forward ang buhay ko.

Umalis ako ng bahay na nakita kong ayos pa siya, at ngayon... Hindi ko talaga magawang isagi sa isip ko na makikita ko siyang nakahiga sa Hospital Bed, lumalaban para sa kan'yang buhay.

Hindi nagtagal ay may tumigil na kotseng puti sa aking harapan. Hinintay ko muna bago bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad ro'n ang driver saka nagtanong sa aking pangalan. Noong makumpirma niyang ako ang ihahatid niya, agad akong pumasok sa backseat.

Pagkapasok ko pa lang ay kaagad kong chineck ang lock screen ng aking cellphone kung may panibagong text ba si Bill ngunit ang bumungad sa akin ay ang text ni Ate Cath na siyang naging dahilan ng pagdagdag sa kaba na aking nararamdaman.

Ate Cath (09******890)

Nerv, sinugod sa Ospital si Mama

You
Ha?! Anong nangyari?

Pumunta dito si Tita Kristy. Ipadedemanda raw si Mama.

Bakit ipadedemanda si Mama? Sa pagkakaalam ko, nabayaran na natin yung utang.

Hindi ko alam, Nerv.
Noong pumunta rito si Tita Kristy at nag-iskandalo, nahimatay si Mama.
Hindi ko na alam gagawin ko.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Gustong-gusto kong puntahan si Mama para matignan ko kalagayan niya ngunit hindi ko magawa dahil nasa Ospital rin si Bryan at kailangan ako ni Maerah dahil hindi kaya ni Bill na patahanin siya.

Bawat segundo na lumilipas ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti ring lumalabo ang paningin ko. Nararamdaman kong nanghihina buong katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa puntong 'to, hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

Wala na akong ginawa buong biyahe kundi panoorin na lang ang mga taong naglalakad sa side walk,  panoorin ang mga sasakyang lumalagpas sa amin, pinapanood ang madilim na langit. Wala nang pumapasok sa utak ko n'on kundi ang sitwasyon nina Mama at Bryan. Wala na akong mahanap na kasagutan sa mga iniisip ko. Biglaan lang lahat ng mga nangyayari ngayon at hindi ko lubos na akalain na magiging ganito lahat.

Halos 30 minutes ang inabot ng biyahe dahil sa rush hour. Tinext ko si Ate tungkol sa aksidente ni Bryan at sinabihan ko siyang mamayang madaling araw na lang ako pupunta sa kanila ni Mama. Noong pumasok ako sa Ospital kaagad kong binigyan ng mensahe si Bill saka ko siya nakitang lumabas ng Elevator kaya hinabol ko siya.

"Bill!" Tawag ko sa kanya na siyang naging dahilan na ang atensyon ng mga tao ay nakatuon sa akin.

Mabuti naman ay tumigil siya sa paglalakad at saka lumingon sa kanyang likuran upang makita kung sino ang tumawag sa kanya. Noong mapansin niya na 'ko, tuluyan niya nang hinarap ang kanyang katawan sa direksyon kung nasa'n ako habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng Khaki Pants niya.

Blankong ekspresyon lamang ang pinapakita niya sa akin ngayon, malayo sa inaasahan ko noong matanggap ko ang kanyang mensahe. Well, he was always like that pero it was unusual for someone who's calm after their brother got into an accident. Malayo ang pag-uugali ni Bill kay Bryan, kaya siya'y tinatawag na 'blacksheep' sa pamilya nila.

Our Forgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon