Thank You Note!

313 15 11
                                    

AN ONLINE LANDIAN FINALLYCOMES TO END! (*˘︶˘*)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AN ONLINE LANDIAN FINALLY
COMES TO END! (*˘︶˘*).。*♡

After more than three months, finally, natapos ko na rin itong epistolary na 'to! And after three freakin' years, nakatapos na ulit ako ng epistolary! *le cries*

Maraming salamat po talaga sa lahat nang sumubaybay sa landian nina Landice at Ian since day one! Hindi ko ini-expect yung gano'ng klaseng support na makukuha ko rito kasi isinulat ko lang naman 'to for fun. I only wrote this to satisfy myself kasi na-disappoint ako sa TTS (Talk to Stranger) kaya sabi ko, "I wanna redeem myself. Gusto kong makatapos nang maayos at magandang epistolary na hindi ako magki-cringe whenever I reread it." And I think I did it. Kasi ngayong tapos na ang AOL, sa palagay ko ay imbes na mag-cringe, mapapa-"sana all" na lang ako. Chz.

Anyway, I just want to give a special mention to these awesome pips na binigyan ng chance ang kuwento nina Landice at Ian habang ongoing pa lang ito: wordsandlenses, ZenRoxen_Boy, areyaysii, peachxvision, halfbakedwriter, Lena0209, MarissWrites, thecelestialgod, thefakeprotagonist, LOVESEONWOO, Denisedyms, DeniseDyMcthrow, Ilove_sunset07, ItaloAcido, iridesaints, quevxox, edgeofacliff, pattyloveslatte. At kung may nakaligtaan man ako o hindi nabanggit, pasensya na at ayan lang yung mga naalala saka na-note ko. Pero ang daming sikat na authors, 'no? Gulat din ako, e. And at the same time ay kinikilig. Hehe.

Pero syempre, feeling ko hindi sapat ang special mention lang sa mga 'to kaya here's my short message for some of them:

Kina Jeybi at Juswa, alam kong naririndi na kayo sa pagpapasalamat ko mula noon hanggang ngayon pero gusto kong malaman ninyo na hindi ko matatapos ito kung hindi dahil sa inyo. Sobrang nakaka-motivate ang bawat komento ninyo. Na-absorb ko rin yung enthusiasm ninyo sa pagbabasá kaya ginanahan akong mag-update. Maraming salamat ulit! The best talaga kayong dalawa!

Sa Kalat Gang (Madam Raice, Boss J, Ate Cass, Sol, at Ate Loys) especially kay Madam Raice na pasikretong binabasá 'to, maraming salamat sa support! Labyu all!

Kina Ate Lena at Ate Cams, salamat sa pa-random Space nila nung nakaraan at pag-promote nitong AOL. Dahil talaga roon kaya dumagdag readers nito kaya maraming salamat po! Pati na rin pala kina Kisha at Miss Patty na grabe rin ang support. Ang awesome ninyo po!

Kay Ate Peach na nagulat ako bigla na lang nag-start mag-comment, maraming salamat po sa pagdaan! Hanggang ngayon ay shooketh pa rin ako at hindi talaga makapaniwala. Huhu. Kung sakali pong aabot po kayo rito, hello po!

Kay Miss Yennie (at sa ibang writers ng Team Plant [xori at gumawa na ko sariling pangalan natin] na dumaan din ata rito), maraming salamat sa pagbabasá at pag-comment. Sana makaabot ka rito tapos mag-comment ka ulit. Haha.

Kay Lowi na nag-binge-read nito at panay rin ang comments every parts, maraming salamat! Hehe. Saka sa palaging pag-heart react sa post ko tuwing nag-a-update. Keep on doing that po. Chz.

Kay Gwen na napadaan din dito, hello sa iyo! Thank you talaga for dropping by. Natutuwa ako sa mga comments mo. Haha. Sana nag-enjoy ka ~

Sa Cleaners lalo na kina Hanz at Daria na nagbabasá raw nito (di pa rin ako convinced kasi wala naman silang paramdam—EME), maraming salamat sa inyo, mga beh!

At sa Chikading (Eü, Deng, Yassie, at Adi), gusto ko lang kayong pasalamatan para sa existence ninyo. Hahaha. Kung babasahin ninyo man 'to at aabot kayo rito, inline comment plz. Chz. Pero si Deng talaga ang may ambag dito kasi siya tumulong sa akin sa pag-iisip ng GC name nila Ja, Kwin, at L---yung Life Updates ni L. Kaya salamat so much, Deng!

Ayorn, it's been a while since I last wrote an "acknowledgement" thingy kaya ang exciting at nakaka-proud din! Nakakatuwa pa sa pakiramdam at nakakakilig. This is my second finished epistolary story at masaya ako sa kinalabasan nito. Kaya sana kayo rin!

Kung may short feedback pala kayo or any last comment / message / question(s) sa akin, sa mga characters o kahit sa mismong story, drop ninyo lang here (via inline comment) and I'll try to answer it all.

Muli, maraming salamat sa lahat nang nakasama kong kiligin, mainis, mainggit, maiyak (?), matuwa, at maghintay ng update sa ating #LandIan couple! :D

Hanggang sa susunod na landian . . . 😉

Love,
Endee

Love,Endee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
An Online LandianWhere stories live. Discover now