Chapter 16: THINKING OUT LOUD

164 14 12
                                    

Chapter 16: THINKING OUT LOUD

Pagkatapos ng ilang araw napagpapractice namin ni kumag, ayun nakapasa naman kami sa auditions. Ayos 'to. Sana magtuloy-tuloy na para naman madagdagan ang panggastos ko pag nanalo kami. Kinakabahan ako na naeexcite. Haay...

"Ready ka na ba?" tanong ko kay Errol na kasalukuyang nasa loob ng dressing room. Napakabagal kumilos. Tss. Sumigaw lang ako sa dressing room ng lalaki since wala namang ibang tao dun kundi itong si Errol lang.

"Sorry naman... kapapasok ko lang kaya dito. Ikaw nga dyan, kalahating oras yata nagbihis." Aba't tingnan mo nga naman kung magreklamo tong lalaking to.

"Tss. Bilisan mo nalang!" umupo na ako sa may tapat ng salamin. Kasama ko nga pala ang friend kong si Marvin para magmake up sa akin. Di naman kasi ako marunong magmake up ng bongga, sadyang maganda na talaga ako sa normal kong mukha kaya di ko na kailangan nun. Pero itong si bakla, kinulit ako kaya nagpamake up na rin ako. Libre naman daw e. Haha

"Ayy. Bonggalush! Ang ganda ganda mo girl! Dyosa ka talaga! I'm so inggit, ugggh!" sabi nya matapos nya akong make up-an.

"Salamat nga pala dito baks..." ngumiti lang ako sa kanya. Suot ko ngayon ang isang white dress na medyo may slit, yun bang magmumukha akong angelic and at the same time, goddess or princess. (Xia's pic-->) Itinali nya ng pa-bun ang buhok ko. Interpretative dance kasi ang ipeperform namin ni bente boy.

Tama kayo, ngayon ang grand finals sa Talentadong Showtime. Oha? Ang galing namin ni Errol no? Wahahaha! Pagtingin ko sa salamin..

"Woah. Lalo nga akong nagmukhang dyosa." Halos mapanganga nga ako sa sarili kong mukha e. Chos. Ayoko na ngang magyabang. Tss. Magpapakahumble na talaga ako, pramis.

"Xia, tapos na ako. Ikaw, okay ka na ba dyan?" tumawag mula sa labas si Errol, pero di ko pa sya nakikita since nakasarado nga yung pinto. Tumayo na ako at lumabas para tingnan ang itsura ni...

NGANGA.

Bakit ang gwapo ng lalaking 'to?

Naka-long sleeves lang naman sya na white habang nakabukas yung mga butones nito. Wala syang abs pero... hmm. Fit naman yung katawan nya. Tapos ano.. ahhm.. Ang hot nya. Tss.

"Girl, wag kang masyadong ngumanga dyan, ikaw din, mapasukan ng langaw yan. Hahahaha. Gassssshhhh! Ang gwapo ni fafa Errol!" hinampas hampas pa ako sa balikat. Epal talaga nito. -___-

"Hi—hindi ako nakanganga no! Tsupi ka nga dyan!" glad, umalis din si beks.

"Oh.. a-ano.. tapos ka na pala. A-ayos ah." Sabi nya habang nakangiti na hindi malaman ang expression ng mukha nya.. Ugh, bakit ba parang nang-aakit 'tong isang to?

"Okay ba? Bagay ba sa akin? Uy baka naman ang pangit kong tingnan." Tanong ko. Aysh. Xia. Bakit mo naman tinanong yan? Syempre, maganda ka naman Xia eh, given na yun. Haay. Nabobo na naman ako dun ah.  

"Ha? Ah... ano? Okay lang." napakamot sya sa ulo. May kuto nga siguro sya. Tss. NAKAKATURN-OFF.

"Okay lang? Tss. Okay." Okay lang pala huh.. di man lang ako pinuri.. este, di ko kailangan ng pagpuri nya no!

"Eh ako.. gwapo na ba?" kumindat pa.

"Pwede na rin." Sinimangutan ko sya, kala mo sasabihin kong gwapo ka? No way!

"You look... perfect."

"Ha? Ah—ano?" pakiexplain nga 'tong nararamdaman ko, ang OA kasi eh.

"Okay na sana eh, bingi lang talaga." Natawa sya.

"Tss. Pasalamat ka, ang gwapo mo ngayon." Bulong ko.

"Buti nalang, hindi ako bingi. Narinig ko ang sinabi mo." Ngumisi pa sya. Ugh, dapat di ko nalang sinabi. Bad trip.

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon