Chapter 30
Bawat araw mas lalo siyang nanghina. Ramdam na ramdam na niya na halos hindi na niya maramdaman ang katawan niya. At ayaw niya na rin magpachemo. Hindi na niya kaya.
"Mommy, ayaw ko na. Pagod na pagod na ako," sabi niya habang nakahiga at umiiyak. "Hindi ko na talaga kaya. I'm sorry po. I'm sorry kasi dapat ako yung mag-aalaga sa inyo pagtanda pero hindi ko na siguro talaga magagawa pa.Mom... Dad... pagod na po anak niyo. Sorry."
"It's okay, anak. I'm with your dad. Kakayanin namin kung hindi mo na talaga kaya. Anak, mahal na mahal ka namin ni daddy mo. Huwag mo na kami isipin, ang mahalaga sa akin kung ano ang gusto mo."
Nang sandaling mapaluhod ang Daddy niya ay tila hindi na siya makahinga. Ang hirap para sa kaniya na iniiyakan na siya ng mga tao.
"Daddy?" he whispered.
"Anak, huwag mo na isipin si Daddy. Kakayanin ko, anak. Kakayanin ni Daddy kasi yun gusto mo diba?" He smiled and slowly nodded. "Mahal na mahal ka ni Daddy, baby. Kakayanin namin ni Mommy mo. Pipilitin namin."
"Kakayanin niyo talaga ah? Ipilit niyo po ah? Iyon ang gusto ko. Enjoy your life po."
Kita niya ang pag-iyak ng mga magulang niya bago unti-unting tumango. He smiled. Doon na bumuhos ang mga takas ng luha sa mga mata niya. Lumapit sa kaniya ang mga ito saka yumakap.
"Treat Keanu how you treat me, Mommy. Daddy, mahal na mahal ko yun. Mahal na mahal."
Halos nagtagal pa ang iyakan nila hanggang sa makatulog na siya sa mga bisig nito.
"Darling, why?" Keanu almost whispered when he knows what his decision.
"Keanu baby, I'm sorry. Sorry pero hindi ko na talaga kaya ng isa pang rounds ng chemo. Hinang-hina na ako. Keanu, tanggap ko na."
Umiiling si Keanu habang umiiyak. Mas lalo siyang nahihirapan dahil nakikita niya itong nasasaktan pero gusto niyang iready na si Keanu. Siya ang nakakaramdam kaya alam niya, alam niya na talagang hindi na kaya.
"Grey, hindi ko kaya. Mahal na mahal kita. Don't go, Grey. I need you. Hindi ko kaya, darling. Ayoko. Dito ka lang sa tabi ko. Akala ko mahal mo ako? Please dito ka lang."
Sobrang bilis ng mga sinabi ni Keanu habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha nito na lalong pumapatay sa kaniya. Nahihirapan na rin siya.
"I'm sorry, Keanu. Hindi ibig sabihin na madali ito sa akin kasi I'm fighting for almost 2 years now. Pero hindi ko na kaya gusto ko na magpahinga."
Nakaluhod na si Keanu habang hawak-hawak nito ang kamay niya.
"Don't leave me, darling. Sorry, Im sorry. I'm begging you. Mamatay ako kapag wala ka. Taon pa lang parang gumuho na yung mundo ko noong umalis ka. Huwag ka naman magpaalam ng walang balikan. Hindi ko kaya, darling."
Halos ipikit na niya ang mga mata niya sa panghihina habang ang daming kung anu-ano ang nakakabit sa katawan niya. Sobrang higpit na rin ng pagkakakapit ni Keanu sa kamay niya.
"It's not easy for me too, baby. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo. Pero hindi hirap na hirap na ako. Ayaw kita iwan. Ayaw ko rin naman eh pero kasi hindi ko na kaya. Lumalaban ako para sa inyo pero gusto ko na matapos ito. Hindi ko na kaya yung sakit."
Nakasandal na ang noo ni Keanu sa kamay niyang nakalapag sa may kama habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Keanu rito.
"Will you marry me?" Biglaang tanong ni Keanu dahilan para magmulat siya ng mga mata niya. "I mean it, darling. Marry me. Marry me, Mahal. As in tomorrow, give me some time. Please, pakasalan mo ako. Pakasalan mo ako."
Doon na nag-throwback lahat ng alaala niya kasama niya si Keanu. Ayaw niya na makulong ito sa alaala nilang dalawa. Pero iyon na lang ang magagawa niya para kay Keanu.
"Yes, baby. Yes, I'll marry you."
Halos buong araw ay wala si Keanu. Si Kia ang siyang kasama niya at si Yara sa hospital.
"Kuya Grey, love na love din kita katulad po ng pagmamahal ko kay kuya. Tandaan mo yan ah. Huwag mo po kalimutan. Mahal na mahal kita. Thank you for saving me that time. Thank you."
"I love you too, Kia. You're like my little sister na. Thank you kasi dahil sa'yo nagkatagpo ulit kami ng kuya mo. Ingatan mo sarili mo ah. Lagi mo rin ipaalala kay kuya mo na mahal ko siya at magpatuloy siya."
Tahimik man si Yara ay nakikinig ito. Patagk ito na umiiyak kahit na halatang-halata naman niya.
"Yara," he almost whispered.
"Grey, hindi ko rin kaya." Doon na tuluyang humarap si Yara sa gawi niya habang umiiyak. "Ang hirap, Grey. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ba't kasi ikaw pa? Bakit sa lahat ng tao ikaw pa? Marami namang bad diyan eh bakit ikaw pa?"
"Yan din ang tanong ko noon. Pero siguro ito na ang kapalaran ko. "Thank you, Yara. Thank you sa lahat. Alagaan niyo ang isat-isa. Mahal na mahal na mahal ko kayo."
April 10 at exactly 4pm ay doon na nga gaganapin ang kasal nila sa hospital. He can't go to other places because of his situation. That's why at his hospital bed he's going to marry the man of his life. He's in his suit and people around are trying not to cry because that's his request.
There's a judge, their parents, ang friends. May mga nurse rin at doctor na halos lahat din nagpipigil ng pag-iyak.
"I'm sorry if you'll lose me. I love you," he muttered while smiling.
When he saw Keanu his tears fell. He's so handsome with his black suit while he's wearing a white one. He also puts on his wig even though he has oxygen.
Sobrang saya ng puso niya at hindi na niya masyado pa pinagtuunan ng pansin ang bawat pangyayari. Ang alam niya lang ay ikakasal na siya. Ikakasal na siya sa taong mahal niya.
"With this ring, I Keanu Nelish Serrano, take you, Grey Kinn Ortega, to be no other than yourself. Will always love you whatever happens. I am your number one supporter. Thank you for fighting, Darling. You will always be part of me. I'll take your surname beside my name and I will always cherish all the memories we have. I love you, and I never stopped loving you. Thank you for the amazing fight, Darling."
He saw their parents in tears while he's trying not to break his voice. Nang maisuot na ni Keanu ang singsing ay he smiled. Halos nakahiga na siya dahil sa panghihina but still Keanu stayed.
"With this ring, I Grey Kinn Ortega, take Keanu Nilesh Serrano to be no other than yourself. Will love until my last breath. I am thankful and sorry for what happened. Thank you for loving me and taking me on this final journey. I love you, I also never stopped loving you. Thank you for being part of my fight, Baby."
"Now I pronounce you officially husband. You may now kiss each other."
Ngumiti si Keanu bago yumuko at dinampian ng mainit na halik ang kaniyang mga labi.
"Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita, darling. I'm now official Keanu Nilesh Serrano-Ortega." Ayaw niyang gawin iyon ni Keanu pero yun ang gusto nito. "Ako yung top eh bakit parang ako yung bottom?" bulong nito sa kaniya dahilan para matawa siya ng bahagya.
Bawat isa ay nagpaalam sa kaniya matapos ang kaunting salo-salo dahil yun din naman ang gusto niya. Ayaw man ng mga ito na umalis pagkatapos ngunit oras na raw nila ni Keanu kaya lumabas ang mga ito. They stayed close to each other. Keeping their body close enough to hug each other. Talking all what they want to say and trying not to cry. Hanggang gabi ay nakayakap si Keanu alam niyang pinipilit na lang nitong magpakatatag.
"Kung may mahalin ka okay lang. Huwag mo ikulong sa akin ang sarili mo. I love you, Keanu. Sorry, sorry talaga."
Pinipilit niya imulat ang mga mata niya para makita si Keanu pero hindi na niya talaga kaya.
"Okay lang. Kakayanin ko na lang. Kakayanin ko na lang para sayo, darling. Huwag mo na isipin kung may mamahalin akong iba kasi hindi ko na alam."
"Okay lang ba na matulog na ako?" Sobrang hina na ng pagsasalita niya at nahihirapan na rin siyang huminga. "Pwede na ba?" tanong niya.
Kita niya ang paglandas ng mga luha ni Keanu at unti-unting pagtango nito habang yakap-yakap siya habang nakahiga silang dalawa sa hospital bed.
"I'm sorry, baby. I love you. Thank you so much. Good night, Keanu." And that's the first time Grey said those words. "Good night, baby."
Napangiti siya dahil alam niyang nagpipigil si Keanu ng paghikbi. Nasa tapat ng dibdib ni Keanu ang ulo niya bago siya pumikit.
"I will always be here, Keanu. I will be here. I know you can do it. I will always listen because I know I'll always be in your heart," he whispered before closing his eyes.
He is now at peace. May tiwala siya na kakayanin ng mga ito kahit na mawala siya. Masakit man pero tanggap na niya.
"I love you, mahal."
His final words before he can't even now explain what happened next."Mas mahal kita," Keanu whispered.
Kasabay ng pagsara ng kaniyang mga mata ay ang pagbalik ng mga masasayang alaalang pabaon ng mga mahal niya sa buhay kasama na ang pakiramdam hindi niya kailanman makakalimutan, at iyon ay ang pag-aalaga't pagmamahal ni Keanu. Sa huling pagpatak ng kaniyang mga luha ay rinig niya pa rin ang malalakas na hikbi ni Keanu bago siya tuluyang mawalan ng hininga.