Shin's POV
" naku... ugh!!!! hinding hindi nya ko matatalo, inumpisahan nya ahh, bring it on, hinding hindi ko to mapapalampas, pinahiya nya ko sa buong klase. Bwisit syaaaaa!" sigaw ko, buti na lang at sound proof ang kwarto ko, kanina ko pa gustong makatulog 11p.m. na pero di pa din ako inaatok, dahil paulit-ulit sa utak ko yung nangyari kanina, pinahiya nya ko, hinding hindi nya ko bibigyan, ouch! parang may naipit na ugat sa puso ko, grabe yung pagtitimpi ko kanina, minsan sa sobrang pagpipigil ng galit naiiyak talaga ko, pero kanina ayokong magmukhang mahina sa harapan nilang lahat, and I think napaniwala ko naman sila.Andrei's POV
Grabe ang intense kanina sa school, parang nakaramdam ako ng selos nung makita kong may pumuporma sa kanya, at natuwa ako nung tinapon nya yung mga yun, Tokwa naman Andrei ,ohhh.. kailan ka pa naging makatao? at nagsalita ka sa harap para sa kapakanan ng iba? kailan ka pa naging concern sa sasabihin ng iba? at kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa paligid mo?, naiinis ako, mali na sya sya pa ang mataas. Masyado siguro syang spoiled sa kanila, antaas taas nya, hindi sya marunong magpahalaga sa damdamin ng iba, oo aware naman ako na masakit din ang mga nasabi ko, kaya nagtataka ko fi man lang sya nagalit sakin. Woaah! Ishi Nicole ikaw lang nagpagulo sa isip ko, ikaw lang, ang hirap hirap mong tibagin, ang aloof na nga nya sakin tapos sa ginawa ko parang pinutol ko pa yung pnapakakitid na pisi na chance para maging ok kami. Hay, minsan din pala sumasablay ka Andrei. Hay,paano na? bahala na, ayoko na masyadong nag-iisip. Bahala na kung ano ang mangyari sa mga susunod na araw, kyung personality nya yung tipong hindi basta basta papadaig kaya dapat ready ka lagi Andrei, ginusto mo yan e. Kung ayan ang gusto nya, hmmm... pwes ready ako na inisin sa sa bawat araw ng buhay nya.
Nakatulog na sila na laman ang isip ng isa't isa, kinabukasan sa school...
" Good morning class, dahil Foundation Week na natin, pumili kami ng representatives ng cmsection nyo para sa nalalapit na Mr. & Ms. SCA 2015, lumapit sa harap ang tatawagin ko.
Ms. Monica San Andres,
Jake Anthony Calma," wiiiiiieeeee" hiyawan ng mga classmates ko.
" wait meron pa class,
syempre ang muse natin si Ms. Ishi Nicole Dela Cruz, at si .... asan..si..." bago pa matapos ni Ma'am ang sasabihin nya," hi, Ma'am sorry I'm late, may meeting po kasi kanina with Sir Darwin," paghingi nito ng paumanhin.
" ohhh., andyan ka na pala, halika na dito At sumama ka na dito Mr. Andrei Gonzales, kayo ang magiging representative ng section nyo sa pageant. So be ready guys!" masayang balita nito. Andaming nagtilian, kasi yearly ayun daw ang inaabangan na event dito sa school.
" awkward." sigaw ni Warren. at nagtawanan lahat.
Hay naku paano ba naman pagkakataon nga naman oh, sya pa talaga , of all... sabagay sya naman talaga qualified para dun, hayyy... first time ko masali sa ganitong contest, yes, as in,.. kaya di ko alam kung ano gagawin, nakakailang buntong hininga na ko, di pa din maalis yung kaba ko. Mamaya daw rarampa kami, sa screening. Ano ba naman to.
"wag kang kabahan, kaya mo yan." bulong sakin ng kumag na to, kapal talaga feeling close.
" ang aga aga wag mo kong umpisahan." saway ko. na kunyari nakangiti sa harap ng mga classmates namin.hindi pwedeng makahalata si Ma'am sa war namin.
Lumipas ang one week na lagi kaming magkasama, dahil sa mga practices, pero iniiwasan kong magkausap kami dahil magkakasiraan lang ng mood.Sa production number kami ang magkapareho so wala kaming choice kundi maging casual.
" you know what guys , you look good together." sabi nung bading na coordinator. Natatawa tawa sya, habang ako dedma lang. Di naman kami gaanong nahirapan, dahil madali lang naman ang steps. Ang lagi lang sabi samin i-enjoy lang daw namin kasi kitang kita daw pagnatatakot o kaya kinakabahan dun daw laging nagkakamali. sabi nya din," sa dance the man should always take the lead, girls, kailangan mong pagtiwalaan ang partner mo." sabi pa ng instructor.
" narinig mo yun, magtiwala daw." nakakalokong bulong nya sakin na may pagyayabang.
" ewan sayo," sabay irap sa kanya. Ayoko pag ganyan sya, feeling ko pinagtitripan nya ko at feeling ko whenever I'm with him may hindi magandang mangyayari, feeling ko lagi akong mapapahiya.
Nakakapagod din ang araw araw na praktis, medyo late na ko nakakauwi, kaya di na kami halos nag-aabot ni Popsie, bukas na nga pala ang big event, ready na siguro ang lahat, every night nagguhoogle ako ng possible questions na pwede kong maencounter, syempre ayoko namang magmukhang kahiya hiya, nakatayo dito yung pride ko, saka andito na rin lang naman ako gagalingan ko na para sa mga taong naniniwalang kaya ko. Up to now, madami pa rin ang guatong mag-sponsor sakin ng mga susuotin ko bukas, papano lalabas mapifeature daw kami sa isang channel, kaya ayun andami dami nilang pinadala, yung iba maluluwag, at yung iba over sa decoration, yung iba naman masyadong revealing ayaw na ayaw ni Pops ng ganun kaya dapat mapili kundi mapapagalitan sila Yaya.
Para mawala yung tension, inaliw ko yung sarili ko, i-open my facebook account, grabe nagulat ako sasabog na sa dami ang notifications ko, and simula nung inannounce kung sino ang mga finalists sa pageant dumami ang mga fan page,Napapaisip ako may mga ganun tao pala talaga no, yung busy sa pagsunod at sa buhay ng iniidolo nila.
Andrei Gonzales sent you a friend request.
O.M.G. , I wanna click sana yung ignore, peeo yung daliri ko automatic na-click yung confirm. Hay, Naku, Shin humahanap ka talaga ng sakit ng ulo mo. Grabe andami nyang followers,
1 message received from Andrei Gonzales.
Hi. Ms.Sunget thank you sa accept. wag ka na magtaray dyan. galingan natin bukas.
"seen." 9:42 p.m.mas pinili kong i-seenzoned na lang sya, kesa pumasok na naman sa isang trouble, eventually, pag nagkagipitan he might gonna use this conversation, against me. Tas, naalala ko bigla yung sabi ng instructor kanina pagtiwalaan ang partner, pano ko pagtitiwalaan ang taong ganun, walang ibang ginawa kundi inisin ako, punahin yung mga mali ko. Pero napabilib nya ko kanina, magaling syang sumayaw, kaya andaming naiinggit sakin. Bahala na bukas.
Andrei's POV
yeeeessss! kinonfirm nya ko, ( insert ngiting wagi here) grabe, ewan ko ansaya ko, nagmessage ako sa kanya pero expwcted ko na din naman na isi-seenzoned nya ko, yun pa e yung pride nun mas matigas pa sa diamond hirap tibagin. Pero, nakakatuwa sya kanina sa practice, fast learner sya at pagsumayaw sya graceful, sobrang nakaka-magnet lalo na nung final practice na pinangiti kami at kunwari ayun na mismo ang event, sobrang humanga ako kadi kahit paeisan na sya ang ganda at bango nya pa rin, di sya maarte na maya maya tawag sa yaya, saka marunong syang makisama, ako lang naman ang hate na hate nya e, ayoko kasing wala lang ako sa kanya, ayokong classmate lang papansinin kung kelan nya lang trip, kaya inaasar ko sya para kahit negative ako pa rin ang iniisip nya. Excited na ko makita sya bukas sa magiging ayos nya, sa talent na ipapakita nya, sa tanong na mabubunot nya, gusto kong manalo, gustong gusto kong manalo para sa kanya. Ewan ko iba yung saya pag nakikita ko sya, lalo na sa panahong di sya nakatingin, at di nya alam na andun ako, angelic face kasi, kaao pag nakita na ko, nagsasalubong ang kilay nya e. Parang andaming nagbago sakin, di naman ako ganito mag-appreciate sa babae e.Bahala na bukas.
BINABASA MO ANG
T.A.G. Master
RomanceAko nga pala si Ishi Nicole Dela Cruz, yes , you're right, ako nga ang nag-iisang apo ni Don Isidro Dela Cruz, isa sa pinakamayang nilalang sa earth, joke lang syempre, may sinabi lang sa lipunan. Well, as early as 5 kinailangan ko ng manirahan sa s...