Jennie's POV
Hindi ko alam pero gusto kong mag pasalamat dahil sasamahan ako ni Lisa. Habang nasa byahe kase kami ay hindi ko alam kung anong gagawin ko since na ngayon lang ulit ako pupunta doon.
"Hey, are you alright?"Tanong pa ni Lisa nang mapansin na parang hindi na ako gumagalaw.
"I don't know..."Pag kakatotoo ko sa kanya"I really don't know, Lisa. Paano pala pag galit si Daddy sa akin dahil hindi ako nauwi sa amin? I don't know what should I do-"
"Hey, hey, calm down"He said and held my hand"Everything's gonna be alright, okay? And he's your dad, bakit naman s'ya magagalit sa'yo? Come on, stop being nega"He said and caressed my hand.
Napatingin naman ako sa kanya. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
"Now, mag patugtog ka nalang because I you told me na medyo malayo ang bahay n'yo"Sambit n'ya pa sa sa akin.
"Mabuti pa nga"Sagot ko at kinuha ang aking cellphone upang iconnect dito sa kotse n'ya. At hindi ko maiwasan na napangiti dahil 'Beast' na nga ang nakalagay dito.
Nag patug-tog naman ako at napatingin ako kay Lisa na ngayon ay talagang ineenjoy ang music ko.
"Akala ko ba, ayaw mo ng K-pop?"Tanong ko naman sa kanya.
Nakatingin s'ya sa akin"That's your favorite, baby. So, I'm going to like that, too."Sagot n'ya pa at tumingin ulit sa daan. Ganun nalang ang pag Iling ko pero sa huli ay napangiti nalang din.
"Sa Monday, anong gagawin mo?"Tanong ko naman sa kanya.
"I don't know pa. How about you?"
"Mag che-check ng mga booths"Buntong-hininga ko pa sa kanya.
Buti nalang at may music dito kaya medyo nag chill ako. Napatingin naman ako kay Lisa na ngayon ay seryoso na nag didrive.
"Kai's here"Sambit ko sa kanya"And we already met"
Nakita ko pa kung paano nag igting ang kanyang panga"Nice, then"He said, without looking at me.
"And guess what"Ngiti ko pa"He told me that I looked good. And he asked me kung gusto ko daw na sa school natin s'ya papasok"
"And you probably say yes"He said and sighed.
"Oo naman, no"Ngiti ko pa"Hindi ko nga inaasahan na kakausapin n'ya ako. I thought, hindi n'ya ako papansinin"Kwento ko pa sa kanya habang s'ya naman ay hindi na nag salita pa.
Tama nga ba na ikwento ko pa sa kanya ang pag kikita namin ni Kai?
Ganun nalang ang pag buntong-hininga ko at tiningnan nalang ang bintana.
Halos isang oras din ang tinagal namin bago kami makarating sa village nitong bahay nila daddy. Buti nalang at nakilala ako pa ako nung guard kaya naman pinapasok na kami ni Lisa.
"There, there"Turo ko pa kay Lisa sa may mga madaming kotse na nakaparada sa labas ng gate.
"Ito na ang sa inyo?"Tumango naman ako sa kanya. Nag hanap naman muna s'ya ng space dito bago n'ya ipark ang kanyang kotse. At once na tumigil na kami ay napatingin ako sa bahay namin. Ganun nalang ang pag titig ko dahil dalawang taon na din akong hindi nakakapunta dito.
"Let's go"Sambit pa ni Lisa sa akin kaya tumango naman ako. Kinuha ko ang aking gift habang si Lisa naman ay nauna nang lumabas upang pag buksan ako ng pinto.
"Thank you"
"All for you"Sagot n'ya sa akin at inalalayan ako. Nasa braso ko naman ang aking blazer bago tumingin kay Lisa na ngayon nilolock ang kanyang kotse. Tumingin s'ya sa akin bago hawakan ang aking likod bago kami umalis.
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fanfiction"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!