Chapter 11: Please, Believe me!

24 9 0
                                    

"Alam mo Justin? Ikaw palang ang unang lalaki na nagsabi niyan sa akin maliban sa daddy ko." sabi ko sakanya.

"Kung alam mo lang ang sitwasyon ko Justin, sasabihin mong hindi ko kakayanin ang nangyayari sa buhay ko" patuloy ko.

"Pwede ka bang magkwento? You can trust me!" sabi niya at hinahaplos ang kamay ko.

"Justin, wala akong daddy. Iniwan niya kami at nagpakasal sa iba. Si Daddy Carl ang tumayong daddy ko ever since na nagkautak ako! Hindi niya man ako tunay na anak pero ramdam kong mahal na mahal niya ako bilang totoong anak." hikbi ko. "Noong araw na sinabunutan ako ni Britney, nalaman kong ang mommy niya yung taong pinakasalan ng tatay ko!"

Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Humagulgol ako. Ramdam ko ang mga bisig niya. Feeling ko secure ako. Ang sarap sa pakiramdam na maglabas ka ng saloobin sa taong ngayon mo lang nakausap ng matino.

"Kaya ba ganito ka sa mga nanliligaw sayo? Bina-busted mo sila? Natatakot ka na baka maging History repeats by itself ang mangyari din sayo?" tanong niya.

"Isa lang ang sagot sa tanong mo Justin! Oo" sabi ko habang pinipigilan ang next batch na mga luhang babagsak narin.

"Wag mo sanang gawin sakin to Natasha! Kaya kitang mahalin. Kaya kitang ipagtanggol. Palagay ang loob ni Mommy sayo at ngayong nakilala ka na niya sa personal, ay mukang mas nagustuhan ka niya" ani Justin

"H-Huh?" pagtataka ko.

"Nakekwento kita kay Mommy. Gusto ka daw niyang makilala. Kanina nakita namin ang Mommy't Daddy mo kaya lumapit na kami at nagmano ako sakanila. Magkakilala sila Mommy at tita. Sa katunayan ay magbestfriend sila." kwento nito.

So, magbestfriend pala ang Mommy ni Justin at ang Mommy ko. May chance bang si Justin ang makatuluyan ko hanggang sa dulo? Natatakot lang naman akong magtry na magmahal dahil sa kagagawan ng tatay ko.

"So can we be friends? Real Friends?" tanong ni Justin

Anong isasagot ko? Hahayaan ko bang patunayan niya ang sarili niya sakin? Na hindi niya nga gagawin ang ginawa ng tatay ko sakin? Sa tingin ko naman ay malaki ang chance.

Tumingin ako sa mata niya. Color brown ito. Ang mga kilay niyang medyo makapal na mas lalong nakaakit sa muka niya. Ang matangos nitong ilong at manipis na labi na parang pang babae. Naawa ako sa muka niya. Pero gusto ko din siyang maging kaibigan. Tumango ako at nakita kong ngumiti siya. Napangiti narin ako.

Nagtext si mommy sa akin na kasama niya na daw si Clarisse at umuwi na sila. Umuwi narin daw si Tita at nag commute dahil si Justin daw ang nagdrive papunta at kasama ko pa siya ngayon kaya umuwi nalang daw si Tita magisa. Magpahatid nalang daw ako pauwi kay Justin. Duh! Alam kong magkaibigan na kami pero ang kapal ng mukha ko diba?

"Um, I think we should go home Justin. May pasok pa tayo bukas." sabi ko dito

Tumango siya at tumayo na kami. Nakita niyang nagiba ako ng direksyon. Papunta kasi siya sa carpark at ako palabas ng exit kasi nga iniwan ako nila mommy. Sasakay nalang ako ng taxi pauwi.

"At saan ka pupunta?" tanong nito

"Uuwi na. Lalabas para mag abang ng taxi." matipid na sagot ko

"No. Let me drive you home safely. Baka kung saan ka pa dalhin ng taxi driver dahil dyan sa suot mong pagka iksi iksi" sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin

Anong problema sa suot ko? Sabi nga ni mommy bumagay daw sa akin. Tska di naman ako kagandahan para iligaw ng taxi driver no!

"I can manage it Jus. Magtataxi nalang ako" sabay talikod ko sakanya at lumabas sa exit

Solid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon