CHAPTER 5

14 0 0
                                    

Chapter 5- No way


"WHAT?" sigaw ni Aubrey.


"Nakalabas siya..." Mahinang sabi pa ni Xion.


"P-Paano? Nakasara ang pinto, Xion! How could she get out?" Natatarantang tanong niya.


Nangunot nalang ang nuo ko nang isara ni Xion ang pinto at lumapit sa amin.


"Ate...We're not alone here earlier, remember?" bulong niya na nakapagpatayo kay Aubrey.


"D-Do you mean... No, Impossible! They—oh f*ck!"


Lumabas kaagad si Aubrey kaya sumunod din ako sa kanya. Walang tao sa sala, pati narin sa kusina.


"Shucks! They took her..." nalulungkot na napaupo si Aubrey sa sofa.


"What?" Hindi makapaniwalang singhal ni Xion.


"I-I slept... We slept when they leave, I-I thought they're going to stay here but...Instead, they took Xandie." gumagaralgal ang tinig ni Aubrey, Umiiyak na.



"We'll find Xandie and take her with us. So stop crying." Sabi ni Xion at niyakap ang pinsan.


Ilang sandali lang nang sumikat na ang araw ay tumahan na si Aubrey at naghanda na para hanapin si Xandie, pati narin si Xion.


Ako naman ay naghanda narin at nagbakas ng mga pupuntahan sa papel. Inilagay ko rito ang bawal at mga pwedeng dadaanan.


Naglilinis ako ng kutsilyo ko ng lumabas si Aubrey mula sa kwarto at tumabi sa akin.


"You can still stay here if you want, Clary. We're going to find my dog." aniya


Umiling ako at pinagpatuloy ang paglilinis ng kutsilyo.


"I will help you..."


Kahit na gusto ko ng umalis hindi ko maiwasang maawa dahil sa totoo lang ay may kasalanan rin ako. Kung sana hindi ako pumasok sa kwarto ay hindi makakatakas ang aso.


"Clary, It's not your fault. You don't have to help us." Nakangiting sabi niya.


Mind reader?


"No, I'll help you. Kapalit ng pagtutuloy niyo sa akin rito, Hahanapin ko ang aso mo."


"Salamat...Salamat Clary!" Natutuwang sabi niya at niyakap ako.


"Let's go..." Malalim na boses ni Xion na nasa likuran namin ang nakapagpabitaw ni Aubrey sa akin.




Dahan-dahan munang binuksan ni Xion ang pinto sa kwarto at sumilip rito. Dahil dito, Narinig kaagad namin ang mga ingay nila na nakapagbigay kaba sa aming tatlo. Naamoy din namin ang nakakasukang amoy na nanggaling sa mga dugo na nakapalibot sa iba't ibang kwarto sa hallway.

          


Bago siya tumapak palabas, Nagbigay ng hand sign si Xion na ang ibig sabihin ay maghintay muna kami sa loob. Syempre hindi ko sinunod yon at dahan-dahang lumabas rin, Hindi na ako nagulat ng sumunod din si Aubrey sa akin sa likod at kumapit sa piraso ng tela ng jacket ko.


Nakayuko kaming dalawa ni Aubrey sa pwesto na nakaharap ang pwetan niya sa amin. Dahil wala siyang kamalay-malay na sumunod kami sa kanya, Napasigaw siya ng malakas ng hinawakan ko ang braso niya. Ang tanga naman.


Ito kami ngayon at napabalik ng wala sa oras sa kwarto ni Aubrey. Pero dahil sa lakas nga ba naman ng sigaw na binigay ni Xion na para bang pati sa baba ng floor nato ay napaakyat niya ang ibang mga nilalang. Kaya wala kaming ibang paraan kundi ang bumalik.


Bumalik nga kami pero tudo tulak kami sa pinto para hindi ito mabuksan. Sa pagkakaalam ko ngayon ay napakadami nila sa labas. Nauubos na ang pasensya ko dahil kahit anong tulak namin nito ay alam kong masisira at masisira ito.


"Xion! Do something, There's no way we can hold onto this!" nahihirapang sigaw ni Aubrey ngunit tinignan lang siya nito.


"Xion--!"


"Ate, I love--" bago pa ituloy ni Xion ang drama niya ay sumigaw ako na halos ikasira ng tenga niya.


"MAY BINTANA SA BEDROOM NI AUBREY, DOON TAYO LALABAS!"


Nangunot ang nuo ni Xion ng tignan ako.


"Are you planning to take us with you, to jump and die there than be eaten by this zombies?" malamig na sambit niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at mag-isa na tumakbo papunta sa bedroom.


Malakas na itinabi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Lumabas ako at kaagad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Maliit lang ang espasyo para makatapak ang paa sa gilid, Nang tignan ko kung gaano kataas ang palapag na ito ay halos mapamura ako. Mabuti nalang at may mga tubong nakakapit sa bawat pader ng mga bintana ng mga kwarto.


Isang hakbang ko nalang sa gilid para makapunta na sana sa ibang bintana nang marinig ko ang mga mura ng magpipinsan sa bintana.


"Oh sh*t, Clary! What in the world are you thinking!" Galit na sigaw ni Aubrey habang nakakapit ng husto sa pader. Palihim akong natawa nang pabalik-balik na tinignan niya ang ibaba habang tumatawid papunta sa akin, Napakaputla niya.


Ngunit akala ko ay si Aubrey na ang napakaputla pero mas may ikakaputla pa palang tao na hanggang ngayon ay hindi pa kumikilos.


Tahimik siyang nakasandal sa pader at sa harap lang ang tingin. Gusto kong matawa sa sitwasyon niya pero nawala lang ang isipan na 'yon nang marinig namin ang pagkasira ng pinto sa bedroom ni Aubrey at nagsimula akong kabahan ng makitang nakabukas pa ang bintana.


"XION, MOVE!" Malakas na sigaw ko.



Nang marinig niya 'yon ay dahan-dahan ngunit tama lang ang bilis na tumawid siya sa gilid. Nagsimulang nagpakita ang mga nilalang sa bintana at ang iba'y nahuhulog dahil sa bilis ng pagtakbo. Nakahinga ako ng maluwag.


Nauna na akong humanap ng bakanteng kwarto na kung saan ay pwede naming madadaanan. Habang sila ay walang imik na nakasunod lang sa akin.


Nang makatawid na naman kami sa ibang bintana ay hindi ko inaasahang may didikit na ngipin rito kaya muntik na akong madulas, buti nalang at may tubo akong nakapitan. Hinihingal akong napaayos at tumawid ulit sa iba.


Pagkasilip ko sa bintana ay napakaluwag ng kwarto at parang wala namang kakaibang bagay sa loob kaya naisipan kong ito ang aming papasukan. Tinulungan kong makababa si Aubrey sa bintana at tinulungan naman niya ang pinsan niya na animo'y hindi natutuwa sa nangyari.


"Are you out of your mind?" mahinang sambit nito habang matalim na nakatingin sa akin.


Ibinalewala ko nalang siya at ikinuha ang kutsilyo sa binti upang ihanda ito. Napakatahimik ng kwarto, Kagaya din siya sa kwarto ni Aubrey ngunit mas mukha pang maluwag ito dahil kakaunti lang ang mga gamit na nakaayos sa gilid.


Ngunit may bagay na nakakuha ng aking tingin, Isang pares ng sapatos na para sa bata. Lalapit na sana ako para kunin ito nang...







NIYAKAP NIYA AKO!



--

A/N: Hi, It's Me, Harle! I'm sorry for the late update, About the other days...There's a few emergencies that I just encountered so ngayon lang ako nakapaghanap ng time para ipublish ang dalawang chapters nato. Supposedly that I should drop four chapters tonight but I just want to take this slow muna and enjoy teasing you. But you know, Just wait for my suprises. To my friends and cousins who might be reading this right now, Thank you for always supporting my story! Have a goodnight and I love you! Mwah!<3

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Mar 29, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Hãy là người đầu tiên bình luận 💬

The Last BiteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang