Chapter 2

1.4K 51 2
                                    

"Bro look." Agad siyang napatingin sa taong tinuro ni Bobby sa kanya. Bobby is his classmate in some courses kaya magkasama sila ngayon plus magkasama din sila as student council sa university.

Then he saw Isla Elizabeth Smith walking like a goddess, minus the poker face. Naka yellow dress ito na hapit sa katawan at hanggang gitnang hita ang haba. Yes she looks gorgeous and sexy.

He looks around at agad napakunot ang noo nang makita ang halos lahat nang lalaki sa hallway ay nakatingin dito. Habang ang babae naman ay either nakayuko o masama ang tingin sa dalagang walang ka paki paki sa paligid.

"Damn she is really the queen of this university." Bobby said kaya napabuntong hininga siya bago tumango.

Its true though after nung unang pagkikita nila sa maliit na garden and that was two months ago ay nalaman niyang sikat ang dalaga. Kinatatakutan ito nang mga estudyante, they said she's a bully but he doesn't see any records of complaints against her.

And for awhile now ay pinagmamasdan niya ito sa malayo. He wanna know more of her, naintriga talaga siya dito. Maybe because wala pang sinong babae ang nagtaray sa kanya nang ganun.  And now that he is the student council president ay mas madaling magpunta sa mga lugar kung nasaan ito kahit na di siya nagpapakita o humanap nang mga records nito nang di nito nalalaman.

"Lets go." He said bago nauna nang mag lakad pabalik sa student council office.

They're busy today, lahat nang club sa school na to ay busy dahil nalalapit na ang foundation day. But he is the busiest, other than being the council president ay scholar din siya at huling taon na niya college kaya ang hirap hatiin nang sitwasyon at oras niya.

He don't wanna fail his grades and he also don't wanna fail the expectation of the board members of this school sa gaganaping foundation day.

After the meeting of all the leader of each clubs in the school at i assign sa mga ito ang dapat gawin ay tsaka palang niya napagpasyahang umuwi. He will just walk dahil Malapit lang naman ang bahay nila. Bali bente  minutos lang ang layo sa university kung lalakarin.

Papatawid na sana siya nang kalsada nang mamataan niya si Isla na sinisipa ang gulong nang kotse nito. Gustohin man niyang tumalikod ay di niya magawa lalo na't papadilim na at babae pa ito.

"Ok ka lang.?" He ask nang makalapit dito.

Gulat itong tumingin sa kanya at nang mamukhaan siya ay agad itong sumimangot. Ang laki talaga ng problema nang babaeng to sa kanya. Eh wala naman siyang ginagawa dito.

"What do you want now?" Tanong nito sa mataray na boses.

"Wala akong kailangan sayo. Nakita kasi kitang sinisipa yang gulong mo kaya ako lumapit dahil baka may problema ka." Malumanay niyang sagot.

"You know what? I hate you."she said na ikinanoot nang noo niya.

"Anong ginawa ko para magalit ka nang ganyan sa akin?"

"I hate your guts." Sabi nito kaya napabuntong hininga siya bago ngumiti at hinawakan ang kamay nito na ikinagulat ng dalaga.

"Sorry kung may nagawa akong ikinagalit mo pero wag kang mag alala, mula ngayon ipagdadasal kong magugustuhan mo ako mahal na reyna." Sabi niya na ikinalaki nang mga mata nito bago pumiksi kaya nabitiwan niya ang kamay nito.

"As iffff." Maarte nitong sabi kaya napangiti siya lalo. Before she look away ay kitang kita pa niya ang pamumula nang pisngi nito.

Cute.

"Anyway may problema ba? Pagabi na, delikado na sa babae ang nasa labas pa."

Ngumuso ito at nag isip tila nagdadalawang isip kung sasabihin sa kanya ang problema nito o hindi.

Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Na flat ang gulong ko, and I don't have a spare tire kaya diko mapalitan." Sabi nito.

He look at it at nakitang flat nga ang gulong na sinisipa nito kanina.

"May tinawagan ka naba? Driver o daddy mo o kapatid?" He ask.

Napakurap ito bago umiling.

"Marunong akong magpalit nang gulong, pero wala kang spare tire kaya diko rin magagawa."

Bumuntong hininga ito bago siya sinagot. "Its ok, I'll just leave it here at mag tataxi nalang ako." She said at napangiti siya nang walang bahid nang katarayan ang boses nito.

Tumango siya bago tumingin sa kalsada. "Ako na ang papara sayo." He said na di naman nito sinagot pero kinuha nito ang bag nito kotse bago iyon ni lock. She then stand few step away from him.

Nang makapara na nang taxi ay tiningnan niya ang dalaga. "Sakay na. Saan ka ba?"

"Moa."

"Gabi na ah gagala ka pa?" He ask na ikinataas nang kilay nito.

"So?"

"Tsk umuwi kana , gabi na." He said.

"I go to wherever I wanna go ok? Stop acting like your a concern person." sabi nito bago binuksan ang likuran nang kotse at sumakay ito.

Without thinking ay sumakay din siya at tumabi sa dalaga.

"The heck?"

"Sasamahan na kita. Pagabi na, hindi ako makakauwi hanggat diko nalalamang nakauwi kana. Baka may mangyari pang masama sayo at kargo kunsensya ko dahil ako ang huling taong nakasama mo. Kaya kung gusto mong mag mall muna? Sige samahan nalang kita." He said bago tumingin sa driver. "Moa po tayo kuya." He said without looking to Isla na gulat na nakatingin lang sa kanya.

Napatanong tuloy siya sa sarili, anong bang ginagawa niya? At bakit concern na concern siya sa mataray na dalaga sa tabi niya?

Hay Saint.

Meant for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon