Ako nga pala si Ace. Hindi ko na sasabihin yung surname ko, hindi rin naman nabibigyan pansin yun. Ako ay 2nd year high school na sa isang public school. Hindi naman kase kami mayaman, o baka sadyang tinitipid lang ako ng mga magulang ko. Ewan, hindi ko alam.
"Goodmorning Ace!" Sigaw ni Kat.
Badtrip naman ito. Kitang nagpapakilala ako eh. Siya nga pala si Kat. Hindi ko na din sasabihin apilyedo niya. Kakilala ko na siya mula noong bata pa kami. Mga grade 2 ata ako nun o grade 3? Hindi ko na matandaan. Hahahaha. Dahil magbestfriend kami ni Kat kaya nagkasundo magulang namin na pagtapatin ang mga kwarto namin para kapag kelangan ng isa sa amin ng makakausap, sisilip nalang sa bintana.
Balik tayo sa pagpapakilala ko. Hindi ako tulad ng iba na famous o kaya naman ay heartthrob o campus crush. Isa lang akong common na estudyante. Hindi matalino at hindi din bobo. Tamad lang. Hahaha.
"Hoy Ace! Bumangon ka na! Malelate ka na!" Bigla akong napabangon. Nasa loob na pala ng kwarto ko si Kat. Asar naman. Binigyan kase ni mama si Kat ng duplicate ng susi ng bahay dahil siya daw ang bantay ko. Nasa tour kase ngayon si mama at si papa, parehas kaseng nasa marketing department kaya pagala-gala nalang.
"Bakit bigla ka nalang pumapasok sa kwarto ko?! Paano kung nakahubad ako edi nakita mo na yung mga bagay na hindi mo dapat makita?!" Pasigaw kong sabi sa kaniya. Nagulat talaga ako. Kase kanina, nandoon pa lang siya sa bahay niya tas ngayon nandito na sa kwarto ko.
"Eh hindi ka naman natutulog ng nakahubad kaya ok lang. Kaya bumangon ka na diyan at magbihis na." Lumapit siya sakin at hinila ako patayo. Grabe itong babae na to. Daig pa nanay ko. Dumiretso na ako sa C.R. at nagsimula ng maligo.
Nakatira ako sa province. Uhmm... Province parin naman siya kung tutuosin kahit na medyo may amoy na ng city ang lugar namin. Marami sa taga-dito ang gustong umalis sa lugar na ito. Wala naman daw kaseng special sa lugar na ito kaya gusto nilang lumipat sa iba. Pero para sa akin, masaya at kuntento na ako sa lugar na ito.
"Kailangan ka lang palang bulabugin sa kwarto mo para kumilos ka. Tara na. Pumasok na tayo." Sermon sa akin ni nanay Kat. Hahaha.
Gaya nga ng sabi ko, masaya at kuntento na ako sa lugar na ito. Sa paglalakad papuntang school ay sasalubong sayo ang mga matatamis na ngiti ni nanay. Hindi ko alam pangalan niya kaya nanay ang tawag ko sa kaniya. Matanda na siya at inaalagaan niya ang mga pananim niyang gulay na binebenta niya sa palengke. Malalasap mo rin ang sariwang hangin. Hindi din gaanong marami ang sasakyan dito kaya hindi pa gaanong polluted ang lugar namin. Masasabi ko na ang province namin ay isang small paradise.
"Ace... Psst... Ace..." Napalingon ako kay Kat. Nandito na pala kami ngayon sa classroom at nagsisimula na ang klase. Napasarap ata yung pagkukwento ko. "Wag kang matutulog sa klase ni sir. Sinabihan niya ako kahapon na kapag natulog ka pa ulit sa klase niya, ibabagsak ka daw niya sa behavior. Tumango na lamang ako kay Kat.
Isang small paradise. Hayy... Sino ba ang hindi matutuwa sa lugar na ito. *Yawn* nakakaantok talaga kapag payapa ang lugar. Makatulog nga.
-----------------------------------
.....
Warning: Gatehole opened
Warning: Gatehole opened
Warning :Gatehole opened
.....
.....
-----------------------------------
???: Sino ang nagbukas ng Gatehole?!
BINABASA MO ANG
The Lost Property
FantasyAce is just an ordinary teenager. He is contented on what he have and he had a peaceful life. But everything went wrong when he found an Angeloid. Now, the sky is going to reclaim what is theirs, but, who really is their lost property?