Chapter 6

94 7 0
                                    

CASSIDY POV.

"Welcome back Mika and nicka"

Napatingin kami ni Mika sa nagsalita at nakita namin ang headmaster.

"Kinagagalak ko po kayong makita ulit headmaster reymond" magalang na sabi ni Mika sabay yuko kaya yumuko din ako.

Tumawa naman si headmaster reymond sa pinakitang paggalang ni mika kaya napatingin ako dito ng naguguluhan, 'baliw ba sya' saad ko sa isip ko.

"Di ka pa rin nagbabago Mika" saad nya habang nakangiti at tumingin naman sya sakin.

"Ayos na ba kayong dalawa" tanong nya sakin kaya hindi ko napigilang irapan sya, 'malamang kita mo nang magkasama kami' sabi ko ulit sa utak ko.

Nagtataka ako kung pano sya naging headmaster ng school na to.

"Opo headmaster reymond" sabi ulit ni Mika.

"Ano bang kailangan nyo"sabi nya kaya napangunot ang noo ko 'bobo ba sya'.

"Yung schedule po namin at yung room ng dorm namin" sabi ni Mika kaya napatango yung headmaster.

"SN84" tawag nya sa isang robot at dumating naman agad ito.

"Give them their schedule and lead them to their dorm"sabi samin ni headmaster reymond.

Tumango yung robot at nagpaalam na kami.

"Ito pala yung schedule nyo" sabi samin nung robot sabay bigay ng schedule namin.

Binasa ko ito, meron ditong limang subject science,math, history,MAPEH,
English. Ang simula ng pasok ko ay sa science 8am to 8:30 am sunod ay math 8:50 am to 9:20 am and then recess, we have 1 hour recess, tapos 10:20am ang simula ng history at ang tapos ay 11:20 am bali 1 hour yung history class namin.
11:40am naman ang simula ng MAPEH at ang tapos ay 12nn, 20 minutes lang ang MAPEH at pagkatapos nun ay lunch na, meron kaming 1 hour para kumain or maglaro at pagkatapos ng lunch ay English subject na, 1:10pm ang simula at ang tapos ay 1:40 pm at uwian na.

"Nandito na tayo" sabi nung robot kaya napunta sa kanya ang paningin ko tapos sa harap.

"Ito"sabi nya sabay bigay ng card.

Ano ang gagawin namin sa card na toh.

"Tara na" sabi ni Mika sabay katok at nagulat ako ng biglang may lumitaw na lagayan yata ng card.

Nilagay nya dun yung card nya tapos iniscan muna ito sabay bukas nung pinto. Papasok na sana ako ng biglang magsarado ang pinto.

"Yung card mo"sabi nung pinto kaya wala sa sariling binigay ko yung card at iniscan din naman ito tapos binuksan yung pinto.

Pumasok na ako dala dala yung mga gamit ko. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari, nasan ba ako, ano bang mundo toh yan lang ang mga tanong sa isipan ko.

"Ummm nicka lalabas muna ako ha" nagulat nalang ako ng biglang magsalita si nicka sa harapan ko.

"San ka pupunta" tanong ko.

"Ummm m-makikipagkita a-ako kay j-jake" sabi nya kaya napatango ako.

"Mag-ingat ka ah" sabi ko at mukhang nagulat pa sya sa sinabi ko.

"Hindi ka galit" sabi nya kaya umiling ako dahil bakit naman ako magagalit.

"Sige alis na ako" sabi nya sabay wave pa ng kamay nya.

Pagkaalis nya ay hinanap ko agad yung room ko at nakita ko naman agad ito dahil May pangalan sa itaas ng pinto.

Binuksan ko ito pero hindi ko mabuksan, sinubukan ko ulit kaso ayaw talagang mabuksan.

"Ummm tulungan na kita" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko kaya napatingin naman ako dito at nakita ko ang isang cute na babae 'sobrang cute nya' saad ko sa isip ko.

"Hehe sige"awkward na sabi ko sa kanya.

Nakita kong kumatok sya sa pinto at pagkatapos ay tinignan nya yung itaas ng pinto.

"Nicka Jade Silhouette" sabi nya at nagulat ako nung bumukas yung pinto.

"Ummm nicka papaliwanag ko nalang yung mga kailangan gawin dito sa dorm kasi mukha kang walang alam eh" sabi nya kaya tumango ako.

"Nicka kung bubuksan mo yung room mo sabihin mo lang yung name mo tapos kung gusto mo ng privacy or ayaw mong magpapasok sabihin mo lang na "privacy" and then malalock na yung pinto tapos kung gusto mong manood sabihin mo lang na "open the tv" tap--"

"Wala namang tv" putol ko sa kanya dahil wala naman talagang tv.

"Try mong sabihin yung sinabi ko"

"Okay. Open the tv" sabi ko at tumingin ako sa kanya ng walang nangyari pero tinuro nya lang yung harap at nagulat ako sa nakita ko, May malaki dun na tv.

"Okay tapos kung gusto mong patayin ay sabihin mo lang na "close the tv". Ito naman yung CR mo, kung gusto mo mag-shower sabihin mo lang na "open the shower" at meron ditong pindutan kung anong gusto mo kataya ng cold,hot or just right at meron din ditong jacuzzi at mag pindutan din ito, tignan mo" sabi nya kaya napatingin naman ako at nakita ko ang flower,hot,cold,hot and cold tapos mga colors.

"Pindutin mo yung flower kung gusto mo ng May bulaklak at pindutin mo yung mga colors tapos sabihin mo kung anong gusto mong kulay"sabi nya.

"Kulay"

"Kulay ng tubig" sabi nya kaya napatango nalang ako.

Pagkatapos nyang sabihin sakin ang lahat ng kailangan tungkol sa loob ng kwarto ko ay lumabas na kami.

"By the way ako nga pala si Tiffany Kate tuffin at tawaging mo nalang akong kat" sabi nya kaya tumango ako, ang ganda ng pangalan nya bagay na bagay sa kanya.

"Ito nga pala yung kwarto ko" sabi nya.
Magkatabi lang yung kwarto namin.

"At ito naman yung kay Mika"sabi nya kaya napatingin ako sa itaas ng pinto ay nakita ko nga ang pangalan ni Mika, Mika Jae Silhouette pala ang buo nyang pangalan.

"At ito naman yung kay Aella Queen Ashsorrow, maarte sya sobra kaya kung ako sayo wag mo syang aawayin at ito naman yung kay Reinnmax Kimmy Starwarski, tomboy sya"tumango nalang ako sa mga sinabi nya.

"Salamat pala kat "sabi ko sabay ngiti sa kanya at ngumiti din naman sya.

"Walang anuman Nicka at saka magpahinga kana, alam kung pagod ka" nag-aalalang sabi nya sakin kaya tumango nalang ako sa kanya tapos dumaretso sa kwarto ko.

Pagkatapos ko ay humiga agad ako sa kama at matulog na.

_________________________________

I HOPE YOU ALL LIKE IT.

DON'T FORGET TO LIKE AND COMMENTS MWUAHH.

I LOVE YOU ALL.

SORRY KUNG MADAMING MALING SPELLING.

AT SORRY DIN KUNG MATAGAL AKO MAG-UPDATE.

TINATAMAD KASI AKO AT BUSY SA MODULE. 

MAY 20 PO ANG UPDATED SORRY KUNG MATAGAL

Reincarnation of Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon