Elyse's POV
"I'll discuss tomorrow the scope for your examination, class dismissed."
Anunsyo ng professor namin pagkatapos niyang magdiscuss about lessons.
Apat na buwan na din ang nakalipas nang magsimula ang klase at malapit na din ang examination kaya naman lahat ay busy kakareview at paghahabol ng mga requirements.
"Anong oras next class mo?" tanong ni Yiel na kasama ko ngayong naglalakad sa hallway. Nasalubong ko siya kanina nang palabas ako sa classroom.
"1 p.m." tipid kong sagot sakanya.
"Tuloy ba yung plano nating outing pagkatapos ng exam? Nag-agree na si Iah ikaw nalang ang hindi pa."
"Anong plano natin? plano niyo lang 'yon." sagot ko.
Napagplanohan kasi nilang magbakasyon sa Tagaytay after ng exams, ako nalang ang hindi pa pumapayag dahil nagdadalawang isip pa ako.
Kahit bakasyon kasi may training parin kami sa archery tsaka taekwondo, next month na ang competition sa archery.
"I'll try, you know I still have a training."
tugon ko naman sa sinabi niya."Oh come on Elyse... wag mo nga masyadong pinapagod 'yang sarili mo, kung tutuosin kaya mo namang hindi umattend sa mga trainings knowing na sobrang busy mo sa acads."
"You know why I am doing this."
"Don't be too hard to yourself, huminga ka naman."
"Susubukan kong magpaalam sa mga coach ko."
"1 week lang naman tayo doon, ngayon na nga lang tayo ulit magbabakasyon, huli pa no'ng before de-"
"Okay okay sasama na ako" pagputol ko sa sasabihin niya, nagdadrama nanaman eh, hindi talaga ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag.
"Where's Iah?" tanong ko sakan'ya nang makaupo kami sa may wooden chair.
"Nasa library nag-"
"Speaking of Iah she's here." dugtong niya sa sinabi sabay turo sa deriksyon ni Iah.
"Oh kamusta ang kriminal namin?" bungad sakanya ni Yiel. Napaface palm nalang ako dahil sa sinabi ni Yiel.
Halatang stress si Iah dahil sa mukha niya, hindi na ata natutulog. Ako ang nahihirapan sakan'ya, tuwing nakikita ko yung mga librong binabasa niya sumasakit na agad ang ulo ko.
"Sinong kriminal ha?" tugon niya kay Yiel na hila hila na ngayon ang tenga niya, napadaing sa sakit si Yiel dahil sa ginawa ni Iah.
"Kamusta naman ang pagrereview mo?" tanong ko kay Iah.
"Ayuko na tustado na ang utak ko, napagalitan pa ako ng prof ko kanina." problemado niyang sagot.
"Bakit?" curious kong tanong.
"Tinanong kasi ako kung ano daw ang masasabi ko sa case nina Lapu-lapu at Magellan."
"Oh anong sagot mo?" si Yiel.
"Sabi ko bakit ako ang tinatanong nila, patay na yung mga tao wag na nilang gulohin kako, kung gusto nilang malaman yung totoong nangyari sundan nila sa kabilang buhay sabi ko sakanila."
Humagalpak sa tawa si Yiel habang ako naman ay napailing iling nalang at nasapo ang noo.
"Anong ginawa sayo?" tanong ko.
"Ayon pinalabas ako sa classroom." nakasimangot niyang sagot.
"Deserve." sambit ni Yiel na hanggang ngayon ay tumatawa parin.
YOU ARE READING
Spectaculos Disaster
Random"In every chaos there's always been an art resulting a beautiful disaster, but what if these chaos has no ending and not resulting a beautiful disaster?" They said heart beat is one of the most important thing in this world, if it stop, then everyth...