AWENDEA'S POV
ISANG LINGGO NA akong hindi lumalabas ng condo.
Pinatay ko rin ang cellphone ko para hindi ako magambala ni vision.Madalas magpunta ang binata dito at palagi kong naririnig ang boses nito kapag kumakatok sa aking pintuan ngunit nagbingi-bingihan lang ako.
Sa totoo lang nami-miss ko na din ang mokong na 'yun.Tanga na nga ata talaga ako.
Napabuntong-hininga na lang ako ng tanging noodles na naman ang kakainin ko.Bakit ba kasi ganito lang ang na-grocery ko?
Kahit napipilitan ay sinubukan ko isubo yung noodles ngunit maski kamay ko ay tutol na rin.Napahampas na lang tuloy ako sa lamesa.
Bakit ba ako itong nagpapakahirap magkulong dito?!
HINDI NAMAN AKO ANG GUMAWA NG MASAMA?!NALOKO PA NGA AKO E.
Alam naman ng Vision na iyon na may nobya siya edi sana sinabi niya para alam ko.Papayag ba akong makipag-ano sa kaniya kung alam ko?edi ba hindi!
Buo ang loob na lumabas ako at ng tingnan ko ang paligid ay napahinga ako ng malalim.
Namiss ko ang usok ng mga tambutso.
Gabi na at kaunti ang tao kung kaya mabilis lamang akong nakapuslit sa grocery store na pinakamalapit.
Bumili ako ng mga de-lata,chichiriya,bigas at kung ano-ano pa.Akmang babayaran ko na ang cashier ng magsalita ito.
"Wahh ate ang ganda mo!May kamukha kang artista.Sino nga ba 'yun di ko tanda pero sikat"papuri nito.
Ngiting abot tainga tuloy ako.Alam na minsan lang mapuri.Nagpasalamat naman ako at umalis din kaagad dahil nakukuha ko na ang atensiyon ng ibang mga tao sa paligid.Ang daldal naman kasi ni ate.Dapat ang kagandahan hindi ipinagkakalat.
Kasalukuyan kong binabagtas ang madilim na kalsada ng may humablot sa akin dahilan para mabitawan ko ang aking mga pinamili.
Ipinasok ako ng hindi ko kilalang lalake sa masikip at madilim eskinita.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang lalake.
"Yes baby it's me brandon"ngising pakilala nito.
Puno ng peklat ang mukha nito habang yung ibang bahagi ay may nakalagay pa ring band-aid.
Nakatakip ang kamay nito sa aking bibig kung kaya hindi ko magawang makapagsalita.
Kumpara kanina na gulat kong tinitingnan ang binata ay bigla na lang naging blanko ang tingin ko.
"Sa tingin mo ba ay hahayaan na lang kita na makawala ng ganun-ganun lang?"bulong nito sa aking tainga.
Ramdam ko ang nakakadiring paghimas ng magaspang nitong kamay sa aking hita.
Nakalimutan kong bumili ng alcohol.
Eto na ba ang unang beses na mare-rape ako?
YOU ARE READING
NEOS
RomanceMeet Awendea Vlintaire.A simple girl who has been held captured by her own family. She ran way and hide by the new identity just to experience freedom. Maayos ang naging pagtatago nito hanggang sa makilala niya ang isang guwapong lalake na tinaguria...