🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Cerrah
Pinatawag kami ngayon sa ospital kung saan namatay si Sendo, ito yung ospital ng bureau, mayroong tradition ang bureau sa mga namatay nilang tauhan eto yung special tradition na bihira lang ginagawa dahil mas prefered ng iba na gawin yung nakasanayang burial.
Ang mangyayari kasi ngayon ay ilalabas sa freezer ang bangkay ni Sendo at muling papainitin ang katawan bago i creamate para masilayan naman nila ang namatay na kaanak, madalas ginagawa nila ito kung nasa malayo ang kamag anak
Nakita ko si Smile na tahimik lang sa terrace, lumapit ako sa kanya nang hindi parin pinapansin si Astrid kahit na nadaanan ko sya.
"Smile" mahina kong tawag, tumingin sa akin si Smile at pilit na ngumiti. Mugto parin ang mata nya dala ng labis na pag iyak, it's been 5 days since namatay si Sendo at ngayon lang namin sya makikitang muli "Something's bothering you?"
"Somebody" sagot nya
"Mind if you tell me who? baka makatulong ako sasapukin ko?" gusto kong ngumiti si Smile
"Yung Mom and siblings ni Sendo" sagot ni Smile 😳 nagulat ako
"aahm" sagot ko
"Di mo kayang sapukin no?" ngumiti si Smile "Iniisip ko kung paano ko sila haharapin" kwento ni Smile "I'm sure sisisihin nila ako sa pagkamatay ni Sendo, madali lang sa kanila na ako ang sisihin dahil simula't sapul hindi nila ako nagustuhan para kay Sendo. Actually they really like Andrea to be Sendo's wife but, his grandfather chose me instead of her dahil sa kaibigan nyang matalik ang lolo ko"
"Kaya ba..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko bagamat alam naman ng lahat ang naging sitwasyon nila nuong ikinasal sila
"Kaya hindi ako minahal ni Sendo dahil mas minahal niya si Andrea" sagot ni Smile
"Pwede nang makita si Sendo" tawag ni Saenz, sabay kaming tumingin ni Smile sa likuran namin
"Pero wala pa ang pamilya ni Sendo" wika ni Smile
"Sigurado kaming hindi ka palalapitin ng pamilya ni Sendo sa bangkay nya kaya habang wala pa sila ay mas maiging makita na natin sya" paliwanag ni Segen.
Nang pumasok kami sa isang private room ay naka himlay ang bangkay ni Sendo, nakatakip ang buong katawan nya sa puting tela, kahit na hindi ko mahal in a romantic way si Sendo ay naiyak talaga ako dahil naging kaibigan ko rin sya, Pilit nilalakasan ni Smile ang loob nya pero halatang hindi nya mapigil ang pagtulo ng luha nya, napansin kong umiiyak si Aluza habang yakap sya ni Saenz, Gayun din si Avyghale, magkayakap din sila, Sina Coco at Chase, Astrid at Flare. Sina Ren at Sagara ay naging mailap sa isa't isa simula nang aminin nyi Ren na magkapatid sila. Napadapo ang paningin ko kay Jenas na nakatitig lang sa akin, bigla akong umiwas ng tingin, ang creepy nya, hindi ko parin sya pinapansin hanggang ngayon.
*****Smile
Dahan dahan kong ibinaba ang puting tela upang makita ang mukha ni Sendo. Maputla na ang mukha at labi nya, pero...
"Bakit parang mainit sya?" tanong ko, dapat malamig sya dahil na i freezer sya ng five days eh tsaka patay na sya
"In unfreeze namin sya para kahit sa huling sandali ay maramdaman mong mainit sya" sagot ni Segen "Smile, wag mong yayakapin si Sendo warm na ang body nya baka maagnas bigla yung balat"
Sinunod ko lang ang payo ni Segen, tiningnan ko lang ang mukha nya
"Sendo" tawagin ko lang ang pangalan nya ay naiiyak na akong talaga "Sorry" iyak ko "Sorry kung hindi ka naging masaya sakin nuon at hanggang nagtagpo ulit ang landas natin ay hindi ka parin naging masaya, sorry kung naging masungit ako sayo" tumutulo na ang luha ko sa kanya "Sendo, mahal na mahal kita alam mo yan nuon pa man ikaw lang ang minahal ko, at kahit ilang beses kong sabihin sayo ngayon na hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko ay ang totoo, ikaw lang talaga at walang iba, hindi nabawasan ang nararamdaman ko sayo bagkus nadagdagan pa. Kung binigyan mo ako ng chance na mahalin ka nuon sana hindi ako takot na amining mahal kita ngayon. Pero, alam ko naman na hanggang ngayon ay si Andrea parin ang minamahal mo, Siguro magkasama na kayo at masaya" iyak ko. Lumapit sakin si Saenz at niyapos ako, "Aluza wag kang mag selos ah" 😳 natulala sa gulat si Aluza at agad nag deny
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...