"BOYFRIEND MO?!" Litaw ang litid na hiyaw ng kapatid ko.
Pumikit ako, ni hindi pa ako nakakapag-toothbrush, kahit suklay man lang, masesermunan agad.
"Oo, bakit? Bawal ba syang magka-bf?" Tanong ni Sky na sa hindi ko malamang dahilan eh parang high.
Nag-take siguro sya nung gamot na bigay ni Doc Renji. Tssss... Gusto ko na namang sabihin sa kanya ang totoo, kaso si Kaye...
"H-hindi sa bawal, pero anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?! Wala pang alas siyete narito ka na? At bakit ganyan ang itsura nyo?! Magkatabi kayong na tulog?! May ginawa kayong kababalaghan?!" Anong sinabi ng armalite sa bibig ng ate ko?
"Oo." Sky.
"WALA!" Ako.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni ate sa'min ni Sky. Nagsalubong naman ang mga mata namin ng magaling na lalaki.
"Hindi, kasi ang totoo, dito sya natulog, pero walang nangyari samen, maniwala ka, ate."
"Wala nga, kaya lang ako um-oo kanina, kasi di'ba ang tanong mo is kung magkatabi kaming natulog."
"Kakagising ko lang talaga ate, pero tingnan mo, nakadamit ako ng maayos di'ba? Walang Hocus-Pocus yan."
"Iginagalang ko po si Raine, maniwala kayo, wala kaming ginawang sagad."
"Totoo yun--"
"TAHIMEEEK!"
Eh di tumahimik.
"Nakakarindi kayong dalawa! Isang tanong isang sagot. Yung totoo lang, may nangyari ba sa inyo?"
"Wala." Ako.
"Nangyaring ano?" Sky.
Napa-facepalm ako, habang si ate naman eh nakakunot noong nakanganga kay Sky.
"Ano pa ba? Eh di ang ginagawa ng mga mag-asawa! Ano?! Pinakialaman mo ba ang kapatid ko?!" Gigil na si ate Laura.
Jusko Sky! Sumagot ka ng maayos!
Ngumiti ito. "Ah... Gusto ko sana--"
Sabay pa kaming suminghap ng ate ko. Wala, deads na ako nito.
"Ano kamo?!"
"Gusto ko sana, kaso syempre iginagalang ko si Raine at alam ko naman na hindi sya katulad ng ibang babae, kaya kahit gusto ko, pinigilan ko ang sarili ko." Habang sinasabi yon ni Sky ay nakatitig lang sya sa'kin, direkta sa mata.
"Ganoon? Sigurado ka sa sinasabi mo?" Diskumpyado pa rin si ate.
Tumango si Sky. "Yes, ate. Wala akong gagawin na ikasisira ng pagtingin nyo kay Raine, pero wala naman aking magagawa sa palagay ng mga tao. Hindi ko na hawak ang pag-iisip nila. Basta ang alam ko, wala kaming ginagawang masama."
Awwww.... I love you a million times!!!!
Huminga ng malalim si ate at tumayo. "OK... Anong breakfast nyo? Meron na ba? Ano nga ulit pangalan mo?" Anito kay Sky.
"Sky, Sky Rieza." Nakangiting sagot ni Sky.
Ngumiti din si ate. "Alagaan mo yang kapatid ko ha, bunso yan."
▪▪▪▪▪▪
I still can't believe na nakuha ni Sky ang kiliti ng ate ko, hindi naman masungit si ate Laura or mataray, sa aming magkakapatid sya ang pinaka-kasundo ko.
Nag-react lang sya ng masama kahapon kasi nga, ampangit nga naman ng eksena na nadatnan nya. isang semi-nude na lalaking magulo ang buhok, at ako na kagigising lang.