Chapter 2 - Huling Yugto

723 59 2
                                    

The Chairman's new doll? Ayaw mawaglit iyon sa utak ni Nawi. Natigil siya sa pagbuklat sa binabasang magazine at huminga ng malalim. May ganoon bang reputasyon si Athrun Andromida? May mga babae ba ito bukod sa asawa nito? Ayaw niyang manghusga lalo at hindi naman niya kabisado ang lalaki. Katangahan na paniwalaan ang ganoong pananaw ng iba dahil siguradong hindi siya ang tipong kahuhumalingan ng chairman.

Nagkaroon lang naman siya ng pagkakataong makatuntong dito noon dahil kay Yamraiha at kung hindi dahil sa proyekto ng asawa niya ay hindi niya makikita sa personal si Athrun. Pero nag-alala siya at apektado pagkat ang pagdating niya rito ay maaring maglikha ng problema kahit pa si Wayve ang direktang may cooperation na gagawin sa Andromida Conglomerate.

Sinipat niya ang oras. Almost twelve noon. Wala si Wayve roon sa suite nila. May closed door meeting ito kina Rayven at Gabrylle Andromida. Naroon din si Yamraiha at sinamahan ang asawa niya. Niyaya siya nito kanina pero umatake ang morning sickness niya. Ayaw niyang doon sa meeting magkakalat. Magiging abala pa siya sa asawa.

Napansin niya ang pagkislap ng berdeng ilaw mula sa mini-monitor sa gilid ng pintuan. Sinundan iyon ng pagkanta ng door chime. May tao sa labas. Nilapag niya sa mesita ang Kimberly magazine kung saan sila ni Wayve ang nasa cover. Tumayo siya at tinungo ang pintuan. Pinindot niya ang white button sa ibaba ng mini-monitor at napakurap. Si Athrun ang nasa labas? Tarantang binuksan niya ang pinto.

"Chairman, magandang araw po!" kabado niyang bati sa lalaki.

"Am I intruding? I heard you're not feeling well. I brought you lunch so you don't have to go down to the restaurant," he said and gestured behind him the crews from his personal dining, bringing carts of food.

"I...thank you so much, Chairman. Nag-abala pa po kayo. Tuloy po." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at itinabi ang sarili. Hindi ba niya makakasabay sa tanghalian si Wayve?

Pumasok si Athrun at sumunod dito ang dining crews tangay ang mga foodcarts ng masaganang lunch para sa kanya. Namangha na lang siya pagdating sa loob dahil ang mga cart na iyon ay portable tables din pala. Walang tatlong minuto ay naka-setup na ang hapag at may mga roses pa. Napalunok siya. Alam ba ng chairman na pinaglilihian niya ang mga rosas? Nakadama siya ng kunting pagkailang nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya.

"Leave us," pagkuwa'y utos nito sa crews.

Mabilis na tumalima ang mga ito at lumabas. Athrun pulled a chair for her.

"Sit down and eat. Don't worry, I have permission from your husband that I will join you for lunch. The meeting is not yet finish and they had to continue their discussion over the table." Nagpaliwanag itong may banayad na ngiting nakasilip sa asul na mga matang nasa likod ng frameless eyeglasses nito.

Tumango siya at naupo sa silya. "Wala po kayo roon sa meeting?" tanong niya sa lalaking nag-urong na rin ng upuan nito.

"I was there twenty minutes ago, just to listen and observe."

Nagsimula silang kumain. Gusto niyang magsalita dahil nakaiilang ang katahimikan pero hindi siya makahanap ng topic na pwede nilang pag-usapan. Ano kaya kung sabihin niya sa chairman 'yong sinabi ng babaeng bumunggo sa kanya? Pero baka maglikha lang ng impression iyon sa lalaki at mabigyan ng kakaibang kahulugan. Kung tutuusin balewala iyon sa mga naranasan niya mula sa fandom ni Wayve dati. Kahit paninirang puri pa rin kung ituring iyon, may class pa rin naman kahit papaano.

"How's your experience in this place so far?" biglang tanong ni Athrun.

Muntik na siyang mabulunan kahit malambot ang laman ng sweet and sour na isdang nilunok niya. Inabot niya ang basong may sparkling water at uminom muna.

"Okay lang naman po, I enjoyed the stars and the city lights at night." Ngumiti siya.

"How about the people? Have you made friends?" Tumiim ang titig nito sa mukha niya.

"Oh, wala pa po akong gaanong nakakausap."

Sa dalawang araw na pananatili nila roon ay hindi naman siya gaanong lumalabas kung hindi niya kasama si Wayve. Araw-araw na may meeting ang asawa niya kaya sa suite lang siya naglalagi.

"Tell me if you're not comfortable staying here, I have some place prepared for you."

Umiling siya. Dapat na talaga yatang sabihin niya. "Chairman-"

"You've heard the rumors circling around, about me having a new doll?" He cut her off and carefully put down his spoon ang fork. He is done eating and he sure has her full attention now. "Everything that goes in and out of this place cannot passed me, Nawi. From where I am sitting, I can hear and see every little detail, although that doesn't make me a god, that stuff is just an overrated bluff. But let me show you."

Hindi siya huminga nang tumayo ito at lumapit sa kanya. He crouched down behind her and led her eyes to where the 52 inches flat screen television situated.

"Athrun here, show me some updates!" Nagsalita ito.

Namilog ang mga mata niya nang kusang bumukas ang tv at tumambad sa kanila ang isa sa mga meeting rooms ng Andromida Conglomerate. Ang lugar na ito ay voice operated ng Chairman?

"Zoom in!" he commanded.

The monitor page zoomed in. Tatlong miyembro ng council ang nasa mahabang meeting table at nag-uusap. Malinaw nilang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"It goes with the timing. Wayve is unable to function during their love-making because of his physical disability and Athrun's wife is on bed rest because of pregnancy. Sa mga susunod na araw ay tiyak babaha na ang tsismis tungkol sa bagong babae ng chairman."

"Sigurado ka bang sapat na iyan para pigilan ang pagpasok ng Gems International sa coucil?"

"Hindi, pero maglalagay ng lamat iyon. Madali nang durugin si Romualdez pagdating dito sa loob kung hindi natin siya makukumbinsing sumapi sa oposisyon."

Awang ang bibig niyang nakikinig sa usapan.

"Remember their faces, Nawi. They will be Wayve's enemies here. Your husband will be joining the council soon under my administration. Ang mga taong iyan ay kalaban ko na mula pa noon. You being my new doll is a manufactured lies created by those people in order to provoke hatred among the members."

"Chairman..."

"They're consistent with their ambition to remove me from my post but none of them succeeded so far. They're using words and lies because those kind of tactics spread fast. Personalities who was not able to gain their selfish favors from me bought those lies and sell them to their groups. That's how it stretched out. You will encounter more of these soon, but getting affected by it won't help your husband. Focus on him and the project you are working together."

Wala siyang masabi kaya tumango na lamang siya habang naglalaro sa isip ang isang bagay na ngayon lang niya natanto. Kahit gaano pa kalawak ang kapangyarihang hawak ng isang tao tulad ni Athrun, may mga kaaway pa ring susubok na pabagsakin ito. Hindi iyon nawawala at hindi mawawala kahit na kailan.

"Yamraiha?"

Nagbago ang display page ng tv monitor at bumungad sa kanila sina Wayve at Yamraiha na kasalukuyang kumakain din ng tanghalian. Kasama ng mga ito sa hapag sina Gabrylle at Rayven.

"Nakikita ba nila tayo?" inosente niyang tanong kay Athrun.

"I can see you from here, Sibol," si Wayve ang sumagot habang nagtatawanan ang mga kapatid ni Athrun.

Nakadama siya ng hiya pero idinaan na lang niya sa matamis na ngiti.

"Gab, when you are done discussing about the project, proceed to the requirements of Wayve's inclusion to the council."

"Consider it done, Chairman."

"Wayve, welcome to your new battleground."

"I'm ready, Chairman," kumpiyansang tumango si Wayve.

"The road ahead will be rough but still I believe you won't be stopped by it. Let us source out more opportunities."

Natuon sa kanya ang paningin ng asawa. She is proud of him for choosing a meaningful purpose than the limelights he used to live.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Where stories live. Discover now