Things I Am Absolutely Certain
"Wala ka ba talagang ibang pamilya?" Pag-uusisa ng matandang ginang na pinagbibilhan ko ngayon ng ilang sangkap para sa uulamin namin mamaya. "Ilang taon na kitang nakikita rito at kahit ganoon, parang bagong-bago ka pa rin sa paningin ko."
Tipid akong ngumiti at binilisan ang paglalagay ng mga kailangan ko sa paper bag na bitbit ko.
I bowed my head to the old woman as I saw her staring at me.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ako nakapagtago ng ganito katagal. O talagang pinaniwalaan nilang pumanaw ako sa trahedyang iyon. Maybe, I am really just lucky because this way... I can provide peaceful life for my son.
Nang makauwi ako, nagulat ako nang makitang naroon na si Xav na nakanguso habang nakatanaw saakin kaya naman ay natatawa akong naglakad patungo sakanya.
But when I got near him, doon lang nawala ang ngiti sa mga labi ko.
In front of the entrance door, kung saan nakaupo si Xav, nakita ko siyang may sugat sa kilay.
Mabilis kong ibinaba ang mga pinamili ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya, inangulo ang ulo para makita ang sugat niya.
Kunot-noo ko iyong pinagmasdan. I even search for a wound on his body... aside from the scratch on his eyebrows, nakitang kong may sugat sa magkabilang tuhod niya.
"What happened?" I worriedly asked him as I continue searching for other wounds on his body which I hope I won't even find. "Anong nangyari?" Ulit ko nang hindi siya sumagot.
"It's nothing, Mama." Sagot niya saakin.
I almost glared at him. "I told you, Xav. You have me. You can tell me the truth. You can be honest with me."
He pouted even more. "It's really nothing... Mama. I won't do it again." Bumaba ang tingin niya sa sariling mga kamay.
I lifted his chin slowly so we can meet eye-to-eye. "I am asking you a question. It's not polite to conclude about anything so tell me, Xav... what happened?"
Hindi ko alam kung kailan ako huling kinabahan.
I am just so worried about him.
Sa ilang taon namin dito, there were no signs of danger. Kung mayroon, alam ko na dapat ito at nauna na akong umalis. Nauna na kaming umalis.
Kaya naman ang makita ko siyang nasa ganitong kalagayan, hindi ko maiwasang kabahan.
Maybe, I am overreacting.
Maybe, I am just paranoid.
But I can't help it kung damay ang anak ko.
He's the only one I treasured this much kaya hangga't maari, I want to protect him. Sa kahit anong paraang alam ko. Even if it will cost my life, I will protect him.
When his mouth opened, I thought I will hear some explanations from him. O kahit ano mang konteksto... but all I heard from him was his sobs kaya mas naalerto ako at binuhat siya para makapasok kami sa loob ng bahay.
Ibinaba ko siya sa upuan sa sala at pumuntang kusina para kuhanan siya ng tubig. Sandali ko ring ibinaba ang mga pinamili ko sa lamesa at tumungo sa kwarto para kuhanin ang first-aid kit para sa mga sugat niya.
Tahimik siyang humihikbi nang bumalik ako roon. I kneeled in front of him so I can see his knee wounds. Nang nilagyan ko iyon ng alcohol, narinig kong lumakas ang mga hikbi niya.
Hindi ko namalayan na may namumuong luha na rin sa mga mata ko.
I don't want to see him hurt. Kung maari lang, sasaluhin ko lahat ng sakit na posible niyang makuha at maramdaman.
BINABASA MO ANG
WE WEREN'T SAYING
Romance[COMPLETED] She stood and watched him break his heart from afar. She sat and awaited for everything to fade. The past that she wished to avoid repeats itself. What options does she have when the odds are stacked against her, including the passage o...